Makakatanggap ang mga minimum wage earners na nagtatrabaho sa pribadong sektor sa National Capital Region (NCR) ng karagdagang PHP50 sa kanilang suweldo kada araw ng pasok.
Magsisimula ito sa kalagitnaan ng July 2025.
Ang dagdag na suweldo ay inianunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong June 30.

Sa inilabas na pahayag ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, ang PHP50 wage increase ay nagkakaisang inaprubahan ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa pamamagitan ng Wage Order No. 26.
Makikinabang dito ang halos 1.2 milyong manggagawa sa pribadong sektor sa NCR.
Read: Bookshop owned by National Artist F. Sionil Jose up for sale
How much is the current daily minimum wage rate?
Ang PHP50 wage increase ay pinakamalaki sa ipinagkaloob ng NCR wage board, ayon kay Laguesma.
Dahil dito, ang daily minimum wage rate sa Metro Manila ay tataas mula sa PHP645 to PHP695 para sa mga nagtatrabaho sa non-agriculture sector.
Ang daily salaries naman ng mga empleyadong nasa agriculture sector at service and retail establishments na may 15 o mas kokonting empleyado, pati na rin manufacturing establishments na may kulang sa 10 empleyado, ay tataas mula sa PHP608 para maging PHP658.
Read: Report: Philippines now has 12,800 "dollar millionaires"
EFFECTIVITY OF NEW DAILY MINIMUM WAGE RATE
Magkakabisa ang wage increase sa July 18, 2025.
Ang pinakahuling minimum wage increase sa NCR ay ipinatupad noong July 17, 2024.
Mula 2023 hanggang 2025, ang daily minimum wage rate para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa NCR ay nadagdagan na ng kabuuang PHP125.
Read: Government to launch new PWD ID system in July to stop fake IDs
MINIMUM WAGE EARNERS REACT
Matapos mag-post ng National Wages and Productivity Commission sa official Facebook account nito, agad nagkomento ang mga minimum wage earners.
Sambit ng mga ito, PHP200 kada araw ang ipinasa ng kongreso na dagdag na sahod, habang PHP100 naman ang sa senado.
Pero alinman sa dalawang panukala ay walang naaprubahan at sa halip ay nauwi sa kakarampot na PHP50.
Kulang pa umanong pamasahe, at halos isang kilong bigas lang ang maaaring mabili.
Sabi ng dismayadong minimum wage earner, “Sana PHP150 man lang para nag-meet sa gitna.”
May nagkomento ring sa ibang rehiyon nagtatrabaho, at ipinagtataka umano niya kung bakit iba ang suweldo sa NCR kumpara sa kanilang lugar.
“Pare-pareho namang Pilipino. Dapat para sa lahat [ang wage increase] para pantay-pantay.”
Karamihan naman ay nagkomentong kung PHP50 rin lang ang dagdag sa arawang sahod, mas mainam pang babaan na lang ang presyo ng mga bilihin.
