Muling pinagtibay ng Pilipinas at Lithuania ang kasunduan upang higit na mapalalim ang bilateral labor cooperation.
Ito ay para magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga manggagawang Pilipino na gustong magtrabaho sa nasabing European country at para masiguro ang proteksiyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.
Noong July 1, 2025, ibinahagi ni Secretary Hans Leo Cacdac sa official Facebook page ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga napagkasunduan nila ni Lithuanian Minister of National Defense H.E. Dovile Sakaliene sa ginanap na bilateral talk sa Mandaluyong City.

Kabilang dito ang ang lumalaking pangangailangan ng Lithuania para sa mga manggagawang Pilipino sa iba’t ibang sektor gaya ng healthcare, maritime, transportation, construction, and food services.
Read: Pinoy docu-film on West Philippine Sea wins award in New Zealand
LITHUANIA TO COMMIT ANNUAL LABOR QUOTA OF 25,000 OFWS
Ayon kay Cacdac, iniulat ni Sakaliene sa ginanap na pulong na in progress na ang mga planong mag-accommodate ng mas maraming manggagawang Pilipino.

Itatakda ang annual labor quota ngayong 2025 sa 25,000, kabilang na ang 79 highly skilled Filipino workers na kasalukuyan nang nagtatrabaho sa naturang bansa sa ilalim ng umiiral na kasunduan.
Mula January-April 2025, 391 OFWs ang nasa Lithuania na, mas mataas kumpara sa 107 na naipadala roon sa katulad na panahon noong 2024.
Ayon naman sa datos ng Lithuania Migration Department hanggang noong January 1, 2025, may kabuuang 774 Pilipino ang may residence permit doon.
Mas mataas ito kumpara sa 487 noong 2024, at 244 noong 2023.
Tinatayang may mahigit 1,000 Pilipino sa Lithuania na kinabibilangan ng mga students, professionals, workers, at kani-kanilang pamilya.
Read: DOTr designates student lanes in MRT-3, LRT-2 for 50% off fares
OFWS ARE PROTECTED UNDER LITHUANIAN LAWS
Tiniyak ni Sakaliene kay Cacdac na pangangalagaan ng Lithuania ang mga OFWs, na kinikilalang may malaking kontribusyon sa economy at social development ng bansa.
Sinabi ni Cacdac na ang joint communiqué ay rerepasuhin hanggang sa mga susunod na buwan para maisapinal na ang labor agreement.
“We are proud to serve, protect, and uplift our modern-day heroes.
“Wherever Filipinos are in the world, we will reach out and ensure that their welfare is protected.”
Read: Report: Philippines now has 12,800 "dollar millionaires"
SALARY RANGE IN LITHUANIA
Ang suweldo sa Lithuania ay batay sa job type, experience, education, and location, ayon sa website na remotepeople.
Ngayong 2025, ang average gross monthly salary roon ay tinatayang nasa US$1,732 (PHP97,883.69).
Posibleng kumita ang isang minimum wage earner ng US$1,123 (PHP63,466.16).
Ang median monthly income ay US$1,948 (PHP110,090.89).
Ang high earners ay maaaring kumita ng US$3,410 (PHP192,715.58) kada buwan.
Read: Government to launch new PWD ID system in July to stop fake IDs
FACTORS AFFECTING SALARY RANGE IN LITHUANIA
Kabilang sa mga factors na nakakaimpluwensiya sa suweldo ay ang rehiyon kung saan nagtatrabaho.
Mas mataas ang suweldo para sa mga manggagawang nasa capital ng bansa, ang Vilnius.
Malalaki rin ang suweldo ng mga nasa finance and insurance industries.
Kung mataas ang naging edukasyon, may special skills, o kaya ay malawak na ang karanasan, mas malaki ang kita.
Kabilang sa job type na mataas ang rate ay ang mga nagtatrabaho sa gobyerno, agriculture, food industry, arts and culture, banking, car industry, at commerce.
Competitive ang sahod sa Lithuania lalo na sa skilled professionals.
Mababa rin ang cost of living doon kumpara sa ibang Western European countries, at maaaring mamuhay nang matiwasay kahit maliit lang ang suweldo.
Read: DENR calls for protection of 43 heritage trees in Metro Manila
WHY IT IS GOOD TO WORK IN LITHUANIA?
Ang Lithuania ay nasa Baltic region ng Europe. Katabi nito ang Poland, Latvia, Belarus, at ilang bahagi ng Russia at Sweden.
Ito ay developed country na may high income and advanced economy.
Ang work sectors nito ay stable, diversified, and growing—hindi kagaya sa Pilipinas.
Bukod sa food processing and textile, umaangat na rin ang electronics, machinery, technology, and financial technology sectors.
Magandang destinasyon ito para sa mga naghahanap ng trabaho mula sa ibang bansa dahil maganda ang working conditions at maayos din ang trato ng gobyerno sa mga mangagawa.
Read: NCSC launches livelihood, training programs for senior citizens
