PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LTFRB, DOTr to enforce "anti-sardinas" policy on PUVs

The allowable passenger capacity should be strictly followed.
by KC Cordero
Published Jul 10, 2025
Overloading jeepneys
Mahigpit nang ipatutupad ng LTFRB ang pagbabawal sa mga pampublikong sasakyan na magsakay ng sobrang daming pasahero na parang mga sardinas na nasa loob ng lata. (Photos: PIA Metro Manila)

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Public Utility Vehicle (PUV) drivers and operators na dapat sundin ang capacity limit ng kanilang sasakyan alinsunod sa patakarang ipinatutupad ng ahensiya at ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ay inianunsiyo ng LTFRB sa official Facebook account nito last July 8, 2025.

Read: Lithuania to accommodate 25,000 OFWs this year

PUVS SHOULD FOLLOW “ANTI-SARDINAS” POLICY

Binigyang-diin sa babala ang direktibang "anti-sardinas” mula kay DOTr Secretary Vince Dizon.

Tinatawag na “sardinas” ang siksikang kondisyon ng mga pasahero dahil para silang mga isdang nasa de-lata.

Busy street
Sa dami ng pasahero, hindi maiiwasan ang sobrang siksikan sa mga pampublikong sasakayan lalo na pag rush hour. Pero mahigpit na itong ipinagbabawal ng LTFRB. Photo: PIA Metro Manila
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: NCR minimum wage earners to get PHP50 pay hike

PASSENGER CAPACITY PER PUV MODEL

Binanghay ng LTFRB ang specific passenger capacities ng mga pampublikong sasakyan:

Traditional jeepneys

Pinapayagan itong magsakay ng 12 hanggang 32 pasahero, pero hindi dapat lalampas sa manufacturer’s maximum capacity.

MODERN jeepneys

Allowed naman ang 12 to 32 sitting passengers at hanggang limang pasaherong nakatayo per square meter of available standing space.

UV Express vans

Pinapayagan silang magsakay ng siyam hanggang 12 pasahero, kabilang na ang driver.

Public Utility Buses (PUBs)

Limampung (50) pasahero naman o higit pa ang dapat na sakay nito at hindi lalampas sa manufacturer’s maximum capacity.

Papayagan ang hanggang limang pasaherong nakatayo per square meter of available standing space ng bus.

Kung malayo ang biyahe ng bus, lalo na ang mga papuntang probinsiya, mahigpit na ipinagbabawal ang nakatayong pasahero.

Ang PUV driver na mahuhuling lumabag sa mga patakarang ito ay papatawan ng karampatang multa at parusa alinsunod sa Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masususpinde o kaya ay makakansela rin ang Certificate of Public Convenience (CPC).

Read: Report: Philippines now has 12,800 "dollar millionaires"

NETIZENS REACT TO ANTI-SARDINAS POLICY

Ikinatuwa ng netizens ang anunsiyo ng LTFRB.

Ayon sa isang nagkomento: “Yung lagi kang nabubudol na kasya pa ang isa, pero yun pala isang dosena na kayo sa loob ng pangsampuan lang dapat.”

Sambit ng isa pa: “Hindi mo na maramdaman yung aircon dahil sobrang dikit-dikit na kayo, ‘tapos nakaupo ka nga nasa mukha mo naman ang backpack ng pasaherong nakatayo.”

May nagpakita rin ng concern sa mga driver, lalo na ang nagmamaneho ng traditional jeepney.

Maiiwasan na umano ang mga sabit—na kalimitan ay hindi naman nagbabayad at basta na lang tumatalon.

“Tama lamang po, dahil pag lumagpas pa sa tama lang ang dami ng sasakay ng higit pa, magiging sagutin pa po iyan ng nagmamaneho ng sasakyan pag nagkataong naaksidente.”

Read: Government to launch new PWD ID system in July to stop fake IDs

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahigpit nang ipatutupad ng LTFRB ang pagbabawal sa mga pampublikong sasakyan na magsakay ng sobrang daming pasahero na parang mga sardinas na nasa loob ng lata. (Photos: PIA Metro Manila)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results