PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How the 20 percent interest tax affects bank depositors

An analyst and an economist share their views.
by KC Cordero
Published Jul 30, 2025
Bank transaction
Umani ng negatibong reaksiyon ang ipinatupad na flat 20 percent final withholding tax (FWT) on interest income mula sa deposit products. (Photo courtesy of Agribank)

Naisabatas na ang Republic Act No. 12214, o ang Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA), noon pang May 29, 2025.

Nagkabisa ito noong July 1.

Sa ilalim ng CMEPA, naging uniform sa 20 percent ang kaltas sa kinikita ng deposito sa bangko.

Read: Seniors, PWDs to get 50 percent train fare discount

SAMPLE COMPUTATION OF 20 PERCENT TAX ON SAVINGS INTEREST

Umapaw sa social media ang reaksiyon ng mga Pilipino tungkol sa flat 20 percent final withholding tax sa savings interest.

Ilan sa mga posts ay naglagay ng sample computation.

Photo of Philippine currency and calculator
Dahil sa CMEPA, liliit ang makukuhang interest ng bank depositors. Photo: Fitz Villafuerte
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipagpalagay umano na ang isang tao ay may PHP200,000 sa bangko na naka-time deposit.

Sa six (6) percent na interes sa isang taon, kikita dapat ito ng PHP12,000.

At dahil may kaltas na ngayong 20 percent, ang kinitang PHP12,000 ay may bawas na PHP2,400.

Ang magiging net na lang kada taon ng PHP200K time deposit ay PHP9,600.

Read: Croatia to hire OFWs; employers to shoulder recruitment fees

DOF CALLS OUT FAKE NEWS ABOUT CMEPA

Last July 17, sa isang post sa official website ng Department of Finance (DOF), naglabas ng babala sa publiko ang ahensiya ukol sa diumano’y “fake news” tungkol sa CMEPA.

Ayon sa DOF, ang CMEPA ay hindi nagpapataw ng bagong tax, sa halip ay na-standardize nito ang tax rate on interest income para isaayos ang unfair system na pumapabor sa mayayaman.

Ipinaliwanag nitong sa ilalim ng CMEPA, ang tax sa interest income ay naging equalized sa 20 percent, “to simplify compliance, eliminate confusion, and ultimately level the playing field for all Filipinos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: LTO: Renewal of driver’s license can now be done online

FINANCIAL ANALYST DEBUNKS DOF’S USE OF “FAKE NEWS CARD”

Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng opinyon sa financial analyst na si Sonny Africa ukol dito.

Ani Sonny, nilalagyan ng DOF ng label na “fake news” ang mga natatanggap na batikos ng ahensiya.

Ang ganitong sitwasyon ay isang malinaw na pagpapakita ng DOF kung paano nito tinatrato ang mga Pilipinong may lehitimong pangamba.

Isang halimbawa nito, ayon kay Sonny, ay ang pagpapatupad ngayon ng uniform 20 percent tax sa interest rates ng time deposits sa bangko.

Paliwanag niya, dati-rati ay staggered ang schedule ng pagkakaltas ng buwis sa time deposits—na mula sa zero o walang tax hanggang 15 percent, depende sa maturity.

Hindi man lang aniya nagbigay ang DOF ni maliit na detalye kung ano ang ibig sabihin ng ipinatutupad na “new taxes.”

Babala ng analyst, ang mga karagdagang buwis na ito ay malaking pabigat para sa mga Pilipinong dati-rati ay maliit na buwis lang ang binabayaran.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung tutuusin aniya, may magsasabing fair kung standard ang tax rates.

Pero ang pare-parehong tax on interest income na 20 percent ay hindi maganda ang epekto.

Bakit?

Dahil ang ordinaryong Pilipinong nag-iimpok sa banko ng time deposit ay nagbabayad ng katulad na tax rate na kinakaltas sa ultra-rich.

Sa bagay na ito, naging manhid aniya ang DOF at walang pakialam.

Binanggit niya ang isang quote mula kay Thomas Jefferson na: “There is nothing more unequal than the equal treatment of unequal people.”

Read: LTFRB, DOTr to enforce "anti-sardinas" policy on PUVs

DOF TARGETS MONEY OF MIDDLE-CLASS

Ayon sa financial analyst, kung ang layunin ng gobyerno ay magbigay ng personal financial security, mas dapat itong mag-focus sa pagtiyak na ang mga Pilipino ay may disenteng trabaho at iba pang pinagkakakitaan.

Dapat ding may pensions and social protections.

Obserbasyon ng financial analyst, ang ginagawa ng gobyerno ay itinutulak ang mga Pilipino na maging investors sa hindi naman stable na capital markets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ganitong sitwasyon, lalong nalalagay sa alanganin ang hawak na pera ng mga Pilipino, lalo na ang middle class.

Ang pagpapababa sa stock transaction tax and documentary stamp tax ay mapakikinabangan lamang ng high-volume large investors or brokers.

Pero ang mga ordinaryong nag-iimpok sa bangko ay walang pakinabang dito.

Sa halip, mananatili silang nasa peligro, kapos sa tinatawag na disposable income, at walang alam sa financial literacy.

Ayon kay Sonny, dapat tigilan na ng DOF ang pag-iisip na lahat ng Pilipino ay mayaman.

Ihinto na rin dapat ng ahensiya ang linyang "upper middle-income status" hype, na ang financial markets ay maaaring ipalit para sa public social security systems.

Katanggap-tanggap aniya ang tax exemptions sa SSS, GSIS, at Pag-IBIG dahil ang mga ito ay public schemes.

Dapat naman aniya tayong maging maingat sa PERA-style individual retirement accounts na binibigyan ng insentibo.

Ginagawa kasi nitong pribado ang retirement responsibility at mas pinalalala ang hindi pagkakapantay-pantay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang public investment sa universal pensions and healthcare ay mas magiging epektibo at mas makatutulong kumpara sa individualized financial accounts.

Read: Lithuania to accommodate 25,000 OFWs this year

THREE OUT OF FOUR FILIPINOS HAVE NO BANK SAVINGS

Ibinahagi ng financial analyst na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mismo ang nag-ulat na 20.1 milyon—o tatlo sa bawat apat na Pilipino—ang walang ipon sa pagtatapos ng 2024.

Mas kokonti ang may sapat na impok para ikonsidera ang time deposits.

Nasa isa hanggang tatlong porsiyento lang ito ng kabuuang populasyon, batay sa pag-aaral na isinagawa noong 2021.

Posibleng hindi na rin nabago ang datos na ito hanggang ngayong 2025 dahil hindi naman lumalago ang ekonomiya at marami pa ring walang hanapbuhay.

Read: Government to launch new PWD ID system in July to stop fake IDs

UNIFORM 20 PERCENT TAX ON INTEREST INCOME IS A BACKWARD MOVE

Ayon kay Sonny, masarap sanang pakinggan ang sinasabi ng DOF na gusto nitong itama ang isang “unfair system” na pumapabor lang sa mayayaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero aniya, ang DOF rin ang nagpababa sa buwis ng malalaking korporasyon sa pamamagitan ng CREATE at CREATE MORE.

Pinababa rin nito ang buwis ng mayayamang pamilya sa pamamagitan ng TRAIN Law.

Ang TRAIN Law ay naglalayong bawasan ang buwis ng mahihirap at itaas ang buwis ng mayayaman.

Gayunpaman, may mga nagrereklamo rin tungkol sa epekto nito dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang bilihin at mga serbisyo.

Lahat na lang ay binubuwisan.

Walang humpay na ipinapasa sa mahihirap at middle-class ang napakaraming buwis.

Kung ang pagmamalasakit sa karaniwang Pilipinong gustong mag-impok sa bangko ang tunay na punto, dapat bawasan ng DOF ang 20 percent tax sa short-term deposits.

Ang bagong karagdagang 8, 15, and 20 percentage point increase sa buwis para sa long-term savings ay lalong pabigat para sa smaller (time deposit) savers kumpara sa big savers.

Ang uniform 20 percent tax on interest income ay paurong sa halip na pasulong dahil ang ordinary (time deposit) savers ay magbabayad ng katulad na rate na ibinabayad ng ultra-rich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 127-year-old Philippine flag discovered in Antique

ECONOMISTS QUESTIONS “EQUITABILITY” IN CMEPA

Hiningan din ng PEP ang ekonomistang si Joseph Lim ng pananaw tungkol sa isyu.

Aniya, ang interest earnings mula sa bank deposits ay may buwis simula pa noong 1998.

Ang rates ay 15% hanggang 20% para sa deposits na wala pang tatlong taon.

Twelve percent para sa deposits na tatlo hanggang apat na taon, 5% para sa apat hanggang limang taon, at 0% kapag ang deposits ay limang taon o mahigit pa.

Ngayon, sa ilalim ng CMEPA, naging pare-parehong 20 percent na ang interest income tax rate ng lahat ng deposits, both short and long term, regardless of the duration.

Binigyang-diin sa batas na ang long-term time deposits ay magkakaroon ng buwis sa interest income mula 0 hanggang 20%.

Ginawa ito, ayon sa DOF, para ang sistema ay maging mas equitable o pantay-pantay dahil ina-assume ng ahensiya na ang longer term deposits ay kalimitang pag-aari ng mayayaman—isang sapantaha na kinukuwestiyon ng ilang ekonomista sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: DENR calls for protection of 43 heritage trees in Metro Manila

INCENTIVES TO LURE BANK DEPOSITORS TO USE THEIR MONEY IN FINANCIAL INVESTMENT NOT ATTRACTIVE

Ang mayayaman, ayon sa DOF, na may mahigit limang taong deposito, ay mahihikayat na gamitin ang kanilang bank deposits sa financial investments.

Inisa-isa ng batas ang incentives sa depositors para ilipat ang kanilang impok sa bangko sa financial investments: pagbabawas sa transactions tax and documentary stamp taxes sa stocks at mutual funds, at ang kakatwang sugnay o clause na "reduction of excise taxes on pick-up trucks."

Para kay Joseph, kuwestiyonable kung ang incentives na ito ay kakagatin ng mayayaman.

Bagsak ang stock and financial markets dahil sa ipinataw na 20% tariff ng Trump administration sa Philippine exports sa U.S.—na naging 19% matapos ang hindi magandang pulong sa pagitan nina Philippine President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at U.S. President Donald Trump—na nagresulta rin sa pagpapanatili ng 0% tariff ng U.S. exports sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Health Alert: HIV cases surge 500% among Filipinos aged 15–25

RICH DEPOSITORS MIGHT TRANSFER THEIR MONEY TO BANKS ABROAD

Dahil dito, ani Joseph, baka mas mahikayat pa ang mga mayayamang ilipat ang kanilang bank deposits sa abroad dahil maraming bansa ang mas mababa sa 20% tax rate ang interest income ng bank deposits.

Posible ring sa halip na ideposito ng mayayaman ang kanilang pera nang long term, gawin na lang nilang short-term deposits.

Ang mas malala, mahihikayat ang mga itong bawasan ang kanilang bank savings at sa halip ay ilagay—hindi sa risky capital investment—kundi sa mga alahas, luxury items, at mga lupa.

Read: Barangay certificate no longer a voter registration requirement

PHILIPPINE BANKING SYSTEM MAY COLLAPSE

Kapag nangyari ito, ang total savings ng bansa ay babagsak, ani Joseph.

Maaapektuhan ang papel ng bangko bilang lenders o tagapagpautang dahil liliit ang kabuuang pondo nito.

Ang mga bangko ay mapipilitang magpautang nang may mas mataas na interes sa malalaking investors, gayundin sa mga karaniwang tao at mga kooperatiba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga karaniwang tao at mga kooperatiba ay malamang hindi na maa-accommodate sa formal credit market.

Read: “Wala pang five seconds!” rule on dropped food—myth or science?

DOF SHOULD LISTEN TO THE SENTIMENTS OF THE PEOPLE

Sinasabi ng Department of Finance na: “The standardized tax rate is not retroactive (i.e. it starts on July 1) and does not apply to financial instruments that were issued or transacted prior to July 1, 2025. Therefore, existing long-term deposits made prior to CMEPA will continue to enjoy the preferential rate until their maturity.”

Dagdag pa nito: “The unified rate also does not apply to provident savings programs under the Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS) and Pag-IBIG (such as MP2). These savings programs remain exempt from tax.”

Ani Joseph, dapat lang na hindi talaga lagyan ng buwis ang provident savings programs, dahil kung mangyayari iyon, siguradong hindi na papayag ang mga tao at malamang na magkagulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, sinasabi ng DOF na ang isa pang positive clause sa batas ay ang tax incentive (reduction of 50% of taxable income) na ipinagkakaloob sa mga kumpanyang may kontribusyon sa Personal Equity and Retirement Account (PERA) ng kanilang mga empleyado.

Paalala ni Joseph, dapat pakinggan ng DOF ang sentimiyento ng mga tao kumpara sa mga sentimiyento ng CMEPA, na hindi lang daw manhid at walang puso, kundi napakasama para sa Pilipinas at sa mga Pilipino.

Read: Pag-IBIG raises loan limits for members

20 PERCENT MEANS NOTHING TO THE RICH, IT MEANS EVERYTHING TO THE MIDDLE CLASS

Isang bank depositor din ang hiningan ng PEP ng opinyon tungkol sa isyung ito.

Ayaw niyang magpabanggit ng pangalan.

Saad niya: “Ako naman, basta ramdam ko—kahit wala akong alam sa economics—ang aking point of view ay dapat laging ‘para sa mas wala.’

“This 20 percent means nothing to the rich, it means everything to the middle class.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saan pa nila ilalagay ang long-term savings nila?

“Agree ako sa nagsasabing dahil sa 20 percent tax, mababawasan ang savings culture. Hindi na nga malakas ang kultura ng pagtatabi ng pera sa atin, mababawasan pa.

“Wala lang—panay gastos na lang, walang incentive sa mere employees at small entrepreneurs to save.

“Unless kaya nilang mag-real estate investment because land appreciates. Pero yung liquidity, yung pagtatabi para sa education at sa future medical needs at sa retirement, saan ilalagay? Saan lalago?”

Ang punto pa niya, ang kikitain sa buwis ay wawaldasin lang naman ng mga pulitiko sa confidential funds, travel expenses, kickbacks, at kung anu-ano pang anomalya.

Kaya malaking himutok niya: “That is OUR money!

“Dapat nga, less taxation. Wala namang nakikitang serbisyong kapalit.”

Binanggit niya ang mga problema ng bansa na kitang-kita ng ating mga mata gaya ng hindi maayos na transport system at malawakang pagbaha pag tag-ulan.

“Kawawa ang mga tao sa pagko-commute! And let me not get into the public school system na ni hindi nai-improve!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam na alam daw niya ito dahil nakikita niya ang sitwasyon ng mga kamag-anak na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Aniya, sa mga patakaran ng DOF—at ng gobyerno sa kabuuan—na hindi katanggap-tanggap, hindi rin dapat maging kampante na lang basta ang mga Pilipino.

Read: Teachers' board exam to undergo revamp

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umani ng negatibong reaksiyon ang ipinatupad na flat 20 percent final withholding tax (FWT) on interest income mula sa deposit products. (Photo courtesy of Agribank)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results