Ang mga senior citizens na nakabase sa City of Manila at interesadong magtrabaho sa travel sector ay maaaring lumahok sa government-funded training para maging accredited community tour guide sa Intramuros.
Inianunsiyo ito ng Department of Tourism (DOT) noong August 12, 2025, sa official Facebook account ng ahensiya.

Tatlumpung (30) slots ang bukas para sa mga interesadong aplikante.
Pangangasiwaan ito ng DOT at ng National Commission of Senior Citizens (NCSC).
Tatalakayin sa seminar ang tour guiding at kasaysayan ng Intramuros.
Gaganapin ang pagsasanay mula September 23 hanggang October 1, 2025.
Read: Manila-Siargao sea travel to be launched on October 20
WHO ARE QUALIFIED TO APPLY FOR DOT PROGRAM
- Ang senior citizen ay dapat na residente ng Lungsod ng Maynila.
- Physically fit.
- May edad na 60 taong gulang pataas.
- Marunong makipag-usap sa wikang English.
Read: SSS to roll out pension increase starting September 2025
WHAT ARE THE REQUIREMENTS TO QUALIFY FOR THE DOT PROGRAM
- Application form na matatagpuan sa link na ito: http://bit.ly/45o7cwH. Maaari ring i-download sa pamamagitan ng QR code.
- Curriculum vitae (CV) o resume
- 2x2 ID picture
- Kopya ng senior citizen ID mula sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA)
Read: How the 20 percent interest tax affects bank depositors
HOW TO APPLY FOR THE DOT PROGRAM
Ipadala ang kumpletong requirements sa National Commission of Senior Citizens-SECADNA through the email: secadna@ncsc.gov.ph hanggang August 22, 2025 (Biyernes).
Paalala sa proseso ng pagpili:
- Lahat ng aplikante ay sasailalim sa screening o proseso ng pagpili.
- Ang mga mapipili ay makatatanggap ng endorsement mula sa NCSC.
- Ang mga inendorso ay sasailalim sa profiling session ng DOT.
- Tanging ang mga matagumpay na aplikante lamang ang makadadalo sa libreng pitong araw na seminar sa community guiding at dadaan sa proseso ng DOT accreditation.
- Ang DOT accreditation ay isang hiwalay na proseso na nangangailangan ng pagsusumite ng mga requirements sa DOT.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa mga mga sumusunod:
DEPARTMENT OF TOURISM
- Trunkline: 151-8687
NATIONAL COMMISSION OF SENIOR CITIZENS
- Contact persons: Ms. Marianne Faminianno or Ms. Louise Cangke
- Email: secadna@ncsc.gov.ph
- Trunkline: (02) 8567-5646
Ipinapaalala sa mga aplikante na ang mga programa ng DOT at NCSC ay nakatuon lamang sa pagsasanay ng senior citizens para sa mga gawaing may kaugnayan sa turismo.
