Inilunsad ang digital National Senior Citizens ID (NSCID) ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Biyernes, August 15, 2025.
Malaking tulong ito sa pag-a-avail ng mga benipisyo.
“By activating digital NSCID, senior citizens can now easily access their government benefits, discounts, and health services without the need for physical documents,” saad ng NCSC sa website nito.
Isa rin itong paraan para mapadali at mapabilis ang transactions ng senior citizens sa panahon ng digital era, ani NCSC Chairperson and CEO Dr. Mary Jean P. Loreche.
Halimbawa, hindi na nila kailangang pumila pa nang matagal “when applying for or accessing government services.”
Read: Jayson Patdo: from farmer and helper to bag business owner
HOW TO AVAIL OF DIGITAL ID
Para makapag-register, kinakailangang i-download ang eGOV.ph app sa mobile phone, at i-click ang National Senior Citizens ID.
Magre-require ito ng e-mail account, personal information, at mahahalagang detalye tulad ng kaarawan, address, at contact information.
Kapag successful ang registration ay lalabas na ang digital senior citizen ID na may kasamang QR code.
Ipinaliwanag pa ni Dr. Loreche ang iba pang gamit ng ditigal ID ng senior citizens.
“Aside doon sa accessibility to government services, hindi lang para sa serbisyong pangkalusugan, pangkabuhayan, kundi yung accessibility nila na… kunyari, kailangan nilang i-access yung kanyang pension…
“O kaya naman yung walang pension, kung sila ay gustong kumuha ng kanilang benefits,” ani Loreche sa ulat ng ABS-CBN News.
“Via this program, mapapadali yung kanilang application at pag-access upang masiguro na ang kanilang benefits ay maibibigay sa kanila.”
Para naman sa may mga national ID na at may eGovPH accounts, automatic na maa-activate ang kanilang digital NSCIDs, ayon sa DICT.
Tinatayang 12 milyong Pilipinong senior citizens ang makikinabang dito.

THE CHALLENGE FOR THE SENIOR CITIZENS
Pero aminado ang DICT na ang pinakamalaking hamon dito ay hindi lahat ng senior citizens ay may mobile phones at magaling sa technology.
Sa ABS-CBN News report nitong Sabado, kinailangang tulungan ang isang 68 anyos na ginang para makapag-register.
Bukod sa kailangan ng assistance, nakalimutan pa ng ginang ang kanyang e-mail address at password.
Ayon sa ABS-CBN reporter na si Job Manabat, inabot ng 10-15 minutes ang ginang bago siya nagkaroon ng digital senior citizen ID.
Pahayag naman ni Loreche, gagawa sila ng paraan para masigurong makaka-register ang mga senior citizens.
Ang sabi sa DICT website" “To assist those unable to register online, the NCSC will work closely with regional offices, LGUs, and partner organizations to provide on-the-ground support and digital onboarding.”
