May access na ang mga Pilipino sa 75 libreng gamot sa ilang piling klinika at mga botika.
Hanggang PHP20,000 worth of medicines ang benepisyo kada taon.
Sa ilalim ito ng inilunsad ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bagong Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT) package nitong August 14, 2025.
Sinimulan itong ipatupad noong August 21.

Ayon kay PhilHealth President and Chief Executive Officer Edwin Mercado, bahagi ito ng Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP), na ang layon ay mabigyan ang mga Pilipino ng access sa primary healthcare.
“Dun po sa ating datos, ang isa sa malaking out-of-pocket spending ng ating mga kababayan ay doon sa tinatawag nating medical goods.
“Kumbaga mga gamot, mga gamit na ginagastusan natin paglabas ng hospital.”
Read: NTA and PNP warn public not to smoke "Tuklaw" cigarette
PHILHEALTH ADDS 54 MORE MEDICINES IN KONSULTA PACKAGE
Pinalawak ng Gamot package ang naunang 21 free medicines sa ilalim ng Konsultasyong Sulit Tama o Konsulta benefits package.
Dinagdagan ito ng 54 iba pang mga gamot batay sa PhilHealth Circular 2025-0013.
Kabilang sa mga gamot ang “common treatments” para sa iba’t ibang conditions gaya ng infections, asthma, chronic obstructive pulmonary disease, diabetes, high cholesterol, high blood pressure, heart conditions, nervous system disorders, at iba pang supportive therapies.
Ang kabuuang listahan ng mga libreng gamot ay nasa PhilHealth circular, at maaaring makita sa link na ito: https://bit.ly/4mnhQLi.
Read: Why senior citizens should get their digital senior citizen ID
PAANO MAKAKUHA NG LIBRENG GAMOT MULA SA PHILHEALTH
- Magparehistro sa PhilHealth Yakap.
- Magrehistro sa eGovPH App, sa PhilHealth Member Portal, sa anumang PhilHealth office sa buong bansa, o sa iyong napiling Yakap Clinic.
- Pumunta sa Yakap Clinic kung saan nakarehistro para magpakonsulta.
- Kumuha ng gamot sa accredited Gamot provider ayon sa reseta ng doktor.
- Magrereseta ang doktor gamit ang Gamot app.
- Ipakita sa pharmacist ang reseta o UPSC code.
- Kailangan ding magpakita ng anumang government-issued ID sa pharmacist.
- Pagkatapos, pirmahan ang Gamot Availment Slip na ibibigay ng pharmacist.
Read: Doc Sam Bernardo warns of unsafe dental trends on social media
MGA DAPAT TANDAAN PARA MAKA-AVAIL NG LIBRENG GAMOT MULA SA PHILHEALTH
- May karatulang naka-display sa labas at loob ng botikang accredited na Gamot provider.
- Hanggang PHP20,000 na halaga ng gamot ang maaaring makuha ng kada benepisyaryo sa accredited na botika sa loob ng isang taon.
- Sasabihin ng pharmacist kung magkano pa ang balanse ng benepisyaryo.
- May 4,300 Gamot partner clinics kung saan ang PhilHealth members ay maaaring mag-avail ng bagong benepisyo.
- Para sa mga nasa Metro Manila, maaari ring mag-avail ng bagong benepisyo sa Gamot partner pharmacies, na available pa lang ngayon sa Metro Manila.
Read: DOT offers livelihood program for Manila-based senior citizens
