Ano ang pambansang sayaw ng Pilipinas?
Tinikling ba o cariñosa?
Lumalabas na hati ang sagot ng mga tao sa tanong na ito.
May nagsasabing cariñosa—sayaw na ginagamitan ng panyo na hango mula sa panunuyo ng mga kalalakihan noon sa kanilang napupusuang babae.
Marami naman ang nagsasabing tinikling, na ginagamitan ng kawayang hango sa galaw ng ibong tikling na naipit ang paa.
Pero ano nga ba ang pambansang sayaw ng Pilipinas?
Ang tamang sagot: wala pang opisyal na idinedeklara.
Wala pa raw kasing idinedeklara ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP).
“Ang tungkol naman sa sayaw, pinatigil ang pag-aaral tungkol dito dahil nga divisive yung mga mangyayari,” paliwanag ni Teddy Atienza, Heraldy Section chief ng NHCP, sa isang interview noong June 2019.
Itinampok ang paksa sa episode ng GMA Lifestyle show na I Juander.
Sabi pa ni Atienza, “Ang inutusan diyang pag-aralang mabuti ay ang Cultural Center of the Philippines [CCP]. Kaya lang nga naglabas ng publication ang CCP na hindi naideklara, walang legal na dokumento…”
Ang listahan ng mga pambansang sagisag ng Pilipinas ay itinuturo sa atin sa elementarya.
Pero lumalabas pala na sa maraming listahang ito, tinatayang anim lamang ang talagang opisyal.
Ipinost ng isang vlog sa Facebook ang listahan ng pambansang sagisag ng Pilipinas noong July 2024.
May 17 items na nakalista rito, pero kinorek ng dalawang netizens sa comments section ang post.
Read: Wife suffers depression after being seen naked by window cleaners


Mababasa naman sa National Commission for Culture and the Arts ang official national symbols.
Kabilang dito ang mga sumusunod: Narra (pambansang puno), sampaguita (pambansang bulaklak), Philippine Eagle (pambansang ibon), perlas (pambansang hiyas), arnis (pambansang laro), Lupang Hinirang (pambansang awit), at Philippine flag (pambansang sagisag).
Ang iba naman ay hindi pa opisyal na kinikilala. Kabilang na si Jose Rizal bilang pambansang bayani; ang kalabaw bilang pambansang hayop; ang mangga bilang pambansang prutas, ang anahaw bilang pambansang dahon, at iba pa.

Read: Vlogger Claudine Co, binabatikos dahil sa pagbalandra ng lavish lifestyle
DECLARATION BY POPULAR ACCLAMATION
Pagpapatuloy pa ni Teddy Atienza ng NHCP, kailangan pa ng dagdag na pag-aaral para opisyal na madeklara ang iba.
“Kagaya ng sa mangga, patuloy pa rin ang pag-aaral dahil marami ang nagki-claim na mas matamis yung mangga nila kaya medyo kulang pa sa mga ebidensiya.”
Angkop ito sa paliwanag ni Augusto de Viana, isang historian sa University of Santo Tomas.
Sabi niya: “Unang-una, kailangan may basehan at kailangan masiguro na ito ba ay enduring at para sa ating bansa?”
At kung hindi pa raw opisyal ang pagdedeklara sa iba pa bilang pambansang sagisag, mayroon daw tinatawag na Declaration by Popular Acclamation o pagkilala sa sagisag kahit wala pang deklarasyon.
Ginawa niyang halimbawa si Rizal para sa pambansang bayani.
Sabi ni De Viana: “Dahil walang official na proclamation na si Rizal ay pambansang bayani, meron tayong acclamation.
“Maaaring magawa ng ating pamahalaan ay kilalanin yung acclamation ng buong sambayanan."
Ipinaliwanag naman ni Atienza ang kahalagahan ng national symbols.
“Ang national symbols ay nagpapakita kung ano tayo noong araw, at sa ngayon, at sa darating na panahon.
“Iyan ang magdadala ng ating pagiging isang Pilipino.”
