Napakahalaga ng Social Security System (SSS) contributions dahil nagkakaloob ito ng mga benipisyo at suportang pinansiyal para sa mga miyembro.
Nagsisilbi itong social safety net kapag nagkasakit, nanganak, at naging disabled.
Puwede ring mag-loan pagkatapos ng kalamidad at kapag nawalan ng trabaho.

Ang SSS din ang nagiging sandalan ng mga miyembro kapag sumapit na sa retirement age para matanggap ang pinakahihintay na pension.
Ang regular na pagbabayad ng buwanang kontribusyon ay nagsisilbing garantiya ng isang miyembro para manatiling eligible sa pag-avail ng mga SSS benefits.
Read: Pag-IBIG to sell 30,000 foreclosed properties at up to 40% discount
WRONG SPELLING of name and DATE OF BIRTH IN SSS RECORD
Pero may mga pagkakataong ang pagke-claim ng benepisyo ay may kaakibat na problema.
Kadalasan dito ay kapag mali ang naging entry ng pangalan ng member o ang petsa ng kanyang kapanganakan.
Sa madaling sabi, magkaiba ang nasa SSS records sa mga valid documents.
Mismong ang writer na ito ay naabala nang husto dahil hindi na-check maigi ng elementary school teacher ang aking first name kaya kulang ng isang letra ang naisulat niya.
Ang pangalan sa school records ang ginamit ko hanggang sa nakatapos ng pag-aaral at nakahanap ng trabaho.
Iyon din ang nakalagay sa aking diploma, na siyang naging basis ng una kong employer nang kumuha ng Tax Identification Number (TIN), SSS, Government Service, Philippine Health Insurance System (PhilHealth), at iba pang legal documents.
Kaya nung kailangan ko nang mag-claim ng benefits, nagkaroon ako ng aberya.
Read: PhilHealth gives free medicine worth PHP20K under Gamot package
MULTIPLE ERRORS IN SSS RECORD
Ganito rin ang naging problema ng isang TNVS driver na si Neptali, 58, na nakapanayam kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Kuwento niya, ang tiyahing matandang dalaga ang nakamulatan niyang guardian at nagpalaki sa kanya.
Siya na rin ang nagpalista ng pangalan ni Neptali noong nagsimula siyang mag-aral bilang Grade 1.
Nang makatapos ng high school ay nag-aral siya sa isang vocational school ng automobile mechanic, na nakumpleto niya makalipas ang dalawang taon.
Nagtrabaho siya sa isang auto dealership at naging miyembro ng SSS.
Nang magsara ang kanyang pinapasukang kumpanya, naempleyo naman siya sa isang malaking taxi company.
Patuloy siyang kinaltasan ng bagong employer para sa SSS contributions.
Nang mauso ang TNVS, nagpasya siyang mag-resign sa trabaho at bumili ng sariling sasakyan para magamit ito.
Nag-loan siya sa SSS bilang pandagdag sa pang-downpayment sa kukuning unit.
Noon niya natuklasang magkaiba ang pangalan at date of birth sa kanyang school records at SSS kumpara sa nasa birth certificate niya.
Pagbabahagi ni Neptali: “Ayaw pala ng tiyahin ko itong pangalan ko na Neptali. Kaya nang ipalista niya ako noong Grade I ako, Nelson ang sinabi niya sa teacher ko na pangalan ko."
Dahil noong 1970s ay hindi pa mahigpit ang pagtsi-check sa mga dokumento ng mga batang magsisimulang mag-aral, at sa probinsiya pa sila nakatira noon, pinaniwalaan ng kanyang naging guro ang tiyahin ni Neptali.
Nelson ang pangalan niya simula nung nag-aral.
“At dahil kulang pa ako ng ilang buwan para mag-qualify na seven years old na ako, binago rin niya ang taon ng date of birth ko.”
Parang biro ng tadhana, sa middle name naman niya ay may clerical error, na sa halip na letter “k” ay letter “r” ang nailagay.
Kaya sa buong panahon ng kanyang pagkabata at pagbibinata, buong akala niya ay Nelson ang pangalan niya at matanda siya ng isang taon kaysa sa totoong edad dahil iyon ang nasa school at employment records niya.
Read: NTA and PNP warn public not to smoke "Tuklaw" cigarette
CORRECTING A MEMBER'S SSS RECORD IS SIMPLE AND EASY, IF…
Kung tutuusin ay madali lang sanang ayusin ang maling pangalan sa SSS—kung spelling lang ang issue.
Magpi-fill out lang ang member ng Member Data Change Request form.

Pumirma rin dapat siya sa Certification And Agreement On Data Privacy Notice form na pinahihintulutan niya ang SSS na i-correct ang kanyang pangalan o kaya ay date of birth.

Sa kaso ni Neptali, dahil napakaraming mali sa kanyang personal information, hindi ito uubra sa Member Data Change Request form.
Kailangan daw niya ng supporting documents bago maipagpatuloy ang correction.
Read: Why senior citizens should get their digital senior citizen ID
BIRTH CERTIFICATE IS THE KING OF ALL DOCUMENTS
Here’s the thing: Walang tatanggaping paliwanag ang SSS staff na mag-aasikaso sa member kapag nag-file ng loan o nag-claim ng benefits kung magkaiba ang pangalan at date of birth sa valid IDs at birth certificate.
Ang payo ng SSS staff, mag-provide ng dalawang valid IDs na katulad ng eksaktong spelling ng pangalang nasa birth certificate ng member.
Ani Neptali: “May national ID at driver’s license ako na pinakamalupit na valid IDs sa Pilipinas, pero dahil ‘Nelson’ ang nasa first name at hindi tugma sa nasa birth certificate ko na ‘Neptali,’ sinabihan ako ng taga-SSS na nag-asikaso sa akin na ayusin muna ang spelling ng pangalan ko at date of birth.
“Ang sakit sa ulo dahil saan ako kukuha ng valid IDs na ‘Neptali,’ e, lahat ng records ko ‘Nelson’ ang nakalagay?”
Read: New Kamuning footbridge and busway to rise in December 2025
SSS REQUIREMENTS WHEN CORRECTING MEMBER’S DATA
Para maitama ang SSS records, binigyan si Neptali ng checklist ng mga dapat niyang mai-provide ng documents.

Kabilang sa mga ito ang:
- Dalawang kopya ng E4 form. Provided ito ng SSS branch kung saan nagta-transact ang member.
- Birth certificate. Kailangang galing ito sa Philippine Statistics Authority (PSA); puwede rin ang certified true copy na galing sa local civil registrar.
- Dalawang valid IDs with correct full name and date of birth.
- Joint affidavit of two (2) disinterested persons, not blood related, attesting that the two (2) names refer to one and the same person and state the reason why the incorrect name was used.
- Photocopies of valid IDs of witnesses with their signatures.
Read: Manila-Siargao sea travel to be launched on October 20
How to Obtain Valid IDs Bearing the Name on Your Birth Certificate
Nakakuha si Neptali ng original copy ng kanyang birth certificate sa PSA.
Ang problema naman niya ay kung paano magkakaroon ng dalawang valid IDs.
Lahat ng valid IDs niya ay Nelson ang nakasaad.
At dahil kinikilala ng SSS ang local government IDs, lumapit siya sa kanilang barangay.
Nabigyan siya ng barangay ID na isinunod sa pangalang nakalagay sa kanyang birth certificate.
Isa na lang ang kulang.
May nakapagpayo sa kanya na kung member siya ng PhilHealth, maaari niyang papalitan sa ahensiya ang kanyang pangalan at birthday.
Kailangan lang niya ng barangay certification, barangay ID, original copy ng birth certificate mula sa PSA, at mag-fill out ng form na pinapabago niya ang data bilang PhilHealth member.
Ani Neptali: “Naayos naman sa PhilHealth at nabigyan din ako ng ID na may tamang pangalan ko at birthday.
“Yun na rin ang naipakita ko sa abogado nang magpagawa ako ng affidavit na may naging mali sa pangalan ko nang mag-member ako ng SSS.”
Nang makumpleto ang lahat ng requirements, agad ding naitama ang record niya sa SSS.
Masaya niyang sambit: “At nakapag-loan kaya nakapag-down payment dito sa ginagamit kong sasakyan sa pamamasada.
“Nabayaran ko na ang loan, at tuloy pa rin ang hulog ko sa SSS hanggang mag-60 ako.”
Read: SSS to roll out pension increase starting September 2025
HAVE YOUR SSS DATA CORRECTED BEFORE IT’S TOO LATE
Kuwento pa ni Neptali, natagalan bago niya naipaayos ang datos sa SSS.
Aniya, napakaimportante na habang maaga ay matiyak ng member na walang issue sa school at employment records.
“May nakasabay kasi akong biyuda na inaasikaso yung benefits na makukuha niya at ng mga anak matapos mamatay ang mister niya.
“May mali rin sa spelling ng pangalan ng mister niya kaya hindi agad ma-claim.
“Mas mahirap yung sa kanya kasi wala na yung mismong member. Ang problema, maging sa marriage contract nila, mali ang spelling ng pangalan ng mister niya.
“Sabi naman daw sa kanya ng SSS staff ay maaayos din, marami nga lang prosesong pagdadaanan.”
Kaya ang payo ni Neptali, “Sa mga gaya kong SSS member, hangga’t maaga ay siguraduhin ninyong ang pangalan ninyo sa SSS database ay katulad ng nasa birth certificate ninyo.
“Kung mali naman, ayusin na agad ninyo dahil ang hirap kapag mismong oras mo na kailangan ang benepisyo, pero hindi mo agad matatanggap dahil lang may mali sa record mo.
“Ang laking abala, ang sakit sa ulo.”
Pagtitiyak niya, “Maasikaso naman ang mga staff ng SSS. Tumutulong silang maayos ang problema ng miyembro.”
Para ma-check kung may issue sa pangalan o date of birth sa inyong SSS records, mag-sign in sa link na ito: https://employer.sss.gov.ph/employer
Maaari ring magpunta sa alinmang sangay ng SSS at direktang makipag-ugnayan sa staff.
Read: How the 20 percent interest tax affects bank depositors
