Hindi na required ang senior citizens na magpakita ng purchase booklets para ma-avail ang kanilang 20% discounts sa mga drugstores at pharmacies.
Ang purchase booklet ay iniisyu ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), at naglalaman ng pangalan, address, phone number, signature, at 2 x 2 picture ng senior citizen. Pirmado ito ng OSCA head ng local government unit at ng mayor. Inililista rito ang mga biniling gamot ng seniors, kelan binili, at magkano ang amount.
Pinapabagal nito ang transaksiyon ng mga seniors sa drug store o pharmacy.
Sa inilabas na Food and Drug Administration (FDA) Circular No. 2025-005 na may petsang September 4, 2025, mas mapapabilis ang pag-avail ng discount.
Ang sirkular ay inaprubahan ng Department of Health (DOH) ang Administrative Order (AO) No. 2024-0017 noon pang December 2024, alinsunod sa Republic Act No. 9994, o tinatawag ding “The Expanded Senior Citizens Act of 2010.”
Applicable ito sa lahat ng FDA-licensed establishments na nagbebenta ng mga gamot at medical devices.
Ayon sa FDA website, sakop nito ang “pharmaceutical outlets, drugstores, community and institutional pharmacies, boticas, retail outlets for non-prescription drugs, retailers of medical device including optical establishments.”
Nilinaw ng FDA na ang 20% discount ay applicable lamang sa mga gamot, kasama na ang vitamins at supplements, at medical devises basta ang mga ito ay FDA-approved.
Nakasaad dito: “All establishments shall grant a 20% Senior Citizen discount and a 12% VAT exemption on the purchase of medicines and medical devices.”
Para ma-avail ang discount, kailangang ipakita ng senior citizen o ng kanilang representative ang mga sumusunod:
- senior citizen ID
- passport ng senior citizen
- government issued IDs ng senior citizens taglay ang kanilang at edad, tulad ng driver’s license, voters ID, SSS/GSIS ID, PRC card, postal ID.
Read: Pinay nurse, daughters suffer assault, discrimination from UK couple
PUNISHMENTs for violators
Sa mga establishments na hindi susunod sa sirkular, maaari silang maparusahan sa ilalim ng Section 7 of Republic Act No. 9994.
Ang unang offense ay may parusang dalawa hanggang anim na taong pagkakakulong, at multang PHP50,000 hanggang PHP100,000.
Ang mga susunod namang paglabag ay may kulong na dalawa hanggang anim na taon at multang PHP100,000 hanggang PHP200,000.
Ang kanilang business permit, permit to operate, at prangkisa ay maaari ring bawiin.
Mayroon ding kaparusahan ang sinumang mananamantala sa senior citizen discounts.
Kabilang dito ang kulong na hindi bababa sa anim na buwan at multang PHP50,000 hanggang PHP100,000.
