Isang preserved leatherback sea turtle na pinangalanang Chelo ang nakatakdang gawing exhibit at simbolo ng marine conservation sa National Museum of the Philippines (NMP) sa Cebu.
Iniulat ito ng Philippine Information Agency last September 15, 2025.
Ayon kay NMP Cebu marine biologist and administrative officer Mario S. Marababol: “We want to preserve endangered animals while allowing people to see them up close.
“At the same time, we hope to promote behavioral change, especially in how we conserve marine resources.
“Right now, everything is in a state of chaos.”
Umaasa si Marababol na sa pamamagitan ng exhibit ni Chelo, mababago ang attitude ng mga Pilipino lalo sa pagtatapon ng mga basura na nakasisira sa marine life.
Read: NETIZENS REACT: Pets in grocery carts at malls and supermarkets
LEATHERBACK SEA TURTLE’S BODY FOUND IN BOGO CITY
Si Chelo ay natagpuang napuluputan ng fishing net sa Bogo City noong May 14, 2025.
Kinabukasan, namatay ito.

Sa isinagawang necropsy, napag-alamang bacterial infection ang cause of death niya.
Natuklasan ding nakakain ito ng plastic.
Naging mahirap ang pagta-transport kay Chelo mula Bogo City papuntang Cebu dahil sa timbang nitong halos kalahating tonelada o 500 kilos.
Wala ring cold storage ang museum.
Nag-provide ang Jusay Fishport ng cold storage van para maibiyahe nang maayos ang leatherback sea turtle.
Nadala si Chelo sa Cebu noong May 29.
Pansamantala itong inilagak sa dissecting area.
Pero dahil sobrang bigat, nilagay muna si Chelo sa isang facility at nilagyan ng yelo.
Doon ay nilinis at sinukat siya bago sinimulan ang preservation process.
Read: Why are there sheep at UP Diliman’s College of Science?
LEATHERBACK SEA TURTLE'S PLASTIC INTAKE
Ang necropsy kay Chelo ay isinagawa ni Dr. Louise Maestrado ng Cebu Provincial Veterinary Office.
Natuklasang namatay ang leatherback sea turtle dahil sa heart failure sanhi ng “impaired atrial chamber due to localized yellow caseous exudate”—o seryosong bacterial infection sa puso.
May mga piraso ng plastic sa upper part ng system niya.
Posible umanong sinubukan nitong makawala sa fishing net at nginatngat iyon kaya nakalulon ng plastic.
Para maipreserba si Chelo, isinailalim siya ng museum team sa taxidermy.
Tinanggal nila ang balat nito bago nilagyan ang katawan ng polyurethane foam—na resistant sa insect damage.
Gumawa rin ang team ng plaster mold ng katawan ni Chelo na magagamit sa paggawa ng replicas nito para sa ibang museums.
Read: VIRAL: Mother elephant tries to save calf hit by truck
CHEO AS Ambassador for Conservation
Hiniling ng City Government of Bogo na ma-preserve si Chelo para magamit siya bilang Ambassador for Conservation, lalo pa't may expansion ng marine sanctuary ang lungsod.
Ani Marababol: “They felt it was really necessary to enlarge it.
“And since Chelo was stranded there, they thought she could serve as a model for their coastal communities.”
Nilinis din ang skeleton ni Chelo, muling binuo at naka-display na sa museum.
Planong isama ang leatherback sea turtle sa Kinaiyahan Gallery sa pamamagitan ng diorama, kung saan ang proseso ay aabutin ng anim na buwan.
Si Chelo na ang ikatlong leatherback turtle na napadagdag sa NMP zoological collection.
Ang naunang dalawang specimen ay nagmula sa Camarines Sur at Bohol.
Read: Two-year-old boy lost in wilderness rescued by rancher's dog
UNDERSTANDING THE LEATHERBACK SEA TURTLE
Ang leatherback sea turtle ang largest turtle species sa buong mundo.
Kabilang ito sa critically endangered species at nahaharap sa high risk of extinction.
Sinabi ni Marababol na ang kabilang ito sa migratory animals, na naglalakbay sa mga karagatan bilang bahagi ng kanilang life cycle.
Binigyang-diin ni Marababol na ang pagdaan ng leatherback sea turtles sa mga karagatan ng Pilipinas ay may mahalagang papel sa kanilang journey.
Umaasa ang NMP na ang kuwento ni Chelo ay hindi lang makatatawag ng pansin.
Isa rin umano itong pagkakataon para ma-educate ang mga Pilipino tungkol sa leatherback sea turtles.
Ani Marababol: “Chelo is not yet displayed in the museum, but we hope that her presence, once displayed, will offer a powerful, emotional, and educational pull towards awareness—especially since this is only the third specimen found in our country.”
