PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

On-the-spot printing for white Beep cards now rolled out

It will only take three to five minutes.
by KC Cordero
Published Sep 22, 2025
Beneficiaries showing their beep cards
Tatagal na lang ngayon ng hanggang limang minuto ang printing ng white beep cards ng mga estudyante, seniors, at PWDs kumpara sa dating pito hanggang 10 araw. (Photo: DOTr Facebook)

Sinimulan na ng gobyerno ang rollout ng Student Beep Cards noong September 20, 2025 sa Legarda Station ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ang may hawak ng white beep card ay awtomatikong makatatanggap ng 50 percent discount sa pasahe sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.

Bahagi ito ng aksiyon ng pamahalaan na maging abot-kaya, maginhawa, at mas mabilis ang pagbiyahe sa railway systems ng Metro Manila.

Photo of beep cards
Tatagal na lang ngayon ng ilang minuto ang printing ng beep cards na nagkakaloob ng 50 percent discount sa mga estudyante, seniors at PWDs. Photo: DOTr Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang on-the-spot printing ng Student Beep Cards ay inio-offer din sa mga senior citizens at Persons With Disabilities (PWDs).

Ang schedule ng printing ay 5:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. tuwing Sabado at Linggo; at 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

Read: GSIS removes cap on survivorship pensions

HOW TO GET BEEP CARDS

Sinabi ng Department of Transportation na tatagal lang ng ilang minuto ang pagkuha ng Beep cards.

Naririto ang mga proseso kung paano:

  1. Pumunta sa kahit saang istasyon ng LRT-1, LRT-2, o LRT-3.
  2. Dalhin ang mga tamang requirements: Student ID o enrollment certificate para sa estudyante; Senior Citizen ID para sa senior citizen; PWD ID para sa PWD.
  3. Maghanda ng PHP30 cash for the one-time payment sa card.
  4. Mag-apply sa booth para sa on-the-spot printing.
  5. Hintaying ma-print ang card.
  6. Kunin ang card, at maaari na itong gamitin para sa 50 percent discount sa pamasahe.

Read: Leatherback sea turtle found dead; preserved for public awareness

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEEP CARDS CANNOT BE DUPLICATED

Plano ng DOTr na magsagawa ng school caravans simula sa October para mas mapadali ang pagkuha ng mga estudyante ng white Beep card.

Pinag-aaralan din ng ahensiya ang online application portal.

Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez: "Kaya nating umabot ng 400,000 students kada araw ang makinabang, hindi pa natin binibilang ang mga PWD at senior citizens."

Tiniyak din ng acting secretary na hindi madu-duplicate ang white beep cards dahil sa system o database nito na unified sa tatlong linya ng tren.

Read: HOW MUCH? iPhone 17 plus its key features

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tatagal na lang ngayon ng hanggang limang minuto ang printing ng white beep cards ng mga estudyante, seniors, at PWDs kumpara sa dating pito hanggang 10 araw. (Photo: DOTr Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results