Nananawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga volunteers na tutulong sa paghahanda ng family food packs (FFPs) na ibibigay sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.
Inianunsiyo ito ng ahensiya sa official Facebook account nito last September 24, 2025.

Ang preparasyon ng FFPs ay isinasagawa sa Luzon Disaster Resource Center (LDRC), na matatagpuan sa Chapel Road, Barangay 195, Pasay City, malapit sa Civil Aviation Authority of the Philippines.
Read: On-the-spot printing for white Beep cards now rolled out
DSWD MAKES SURE THERE ARE ENOUGH SUPPLIES EVEN BEFORE CALAMITY STRIKES
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao: “The help of volunteers will go a long way in our goal to ensure that sufficient FFPs are in store and can immediately be deployed for prepositioning before a typhoon strikes.
“We are currently in a season where typhoons enter our country almost at the same time, so we must always be prepared.”
Read: GSIS removes cap on survivorship pensions
HOW TO BE A DSWD VOLUNTEER
Ang mga indibidwal na interesadong mag-volunteer ay maaaring makipag-ugnayan kay Mr. Byron Benson Barrinuevo sa Viber number na 0962-984-9002.
Maaari ring mag-email sa bbbbarrinuevo@dswd.gov.ph.
Ayon kay Dumlao: “Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na kami sa mga magboboluntaryo ng kanilang oras at kakayahan sa pagtulong sa pagsisikap namin na handa ang DSWD na tumugon sa pangangailangan ng mga maaapektuhan ng mga sakuna.”
Ipinapaalala naman sa mga volunteers na magsuot ng komportableng damit.
Kailangang walang nakalabas na mga daliri sa paa sa suot na sapatos.
Magdala rin ng sariling tubig at pagkain.
Ang lahat ng volunteers ay bibigyan ng 30-minute briefing bago isalang sa preparasyon ng FFPs.
Read: DOH to exclude road violators, a.k.a. kamote riders, from zero-balance billing in hospitals
