PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DBM: Teachers to receive 2023 performance bonus this 2025

Approved na rin ang oara sa mga army officials and employees.
by KC Cordero
Published Sep 25, 2025
Teacher at work
Matapos ipaglaban ng mga public school teachers ang kanilang 2023 performance-based bonus sa Department of Budget Management, matatanggap na nila ang incentive ngayong 2025. (Photo: DepEd)

Matatanggap na ng mga empleyado ng Department of Education (DepEd), kabilang ang public school teachers, ang kanilang performance-based bonus (PBB) para sa Fiscal Year 2023 ngayong 2025.

Art card of DBM announcement re: 2023 PBB
Inianunsyo ng DBM ang pagkakaapruba sa 2023 PBB ng DepEd. Photo: DBM

Sa inilabas na pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) ngayong September 25, 2025, sinabi ng ahensiya na nakatakdang magpulong ang Technical Working Group sa darating na September 30 para pormal na maglabas ng resolusyong nagdedeklara na eligible ang DepEd para mapagkalooban ng 2023 PBB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinatayang may 858,318 public school teachers sa buong bansa.

Read: DSWD seeks volunteers to prepare family food packs

TEACHERS GROUP DEMANDS FOR 2023 PBB RECONSIDERATION

Matatandaang noong July 3 ay nakipagpulong ang Teachers' Dignity Coalition (TDC) sa mga opisyal ng DBM.

Hindi kasi nakasama ang DepEd sa alokasyon para sa 2023 PBB.

Idineklara ng DBM ang DepEd na ineligible para sa 2023 PBB dahil sa “low scores in certain performance indicators.”

Batay sa Memorandum Circular No. 2023-1, para maging eligible for the grant sa Fiscal Year 2023 PBB, bawat ahensiya ay dapat makatugon sa criteria and conditions under the four dimensions of accountability: Performance Results, Process Results, Financial Results, and Citizen/Client Satisfaction Results.

Dapat ding makakuha ang ahensiya ng total score na at least 70 points.

Para naman sa TDC, ang incentive system ng DBM ay “flawed” at “unjust.”

Nanawagan din ang grupo na agarang baguhin ang bonus scheme para matiyak ang patas at napapanahong pagkilala sa lahat ng teachers sa buong bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung anuman daw ang pagkukulang ng DepEd bilang ahensiya, natitiyak nilang wala silang kinalaman doon.

Ginagampanan umano nila ang kanilang mga tungkulin sa kabila ng napakaraming limitasyon at pagsubok, kaya marapat lamang na kilalanin ito ng gobyerno.

Matapos ang pulong, nag-file ang DBM ng review para ma-reconsider ang DepEd na mabigyan ng 2023 PBB.

Nagkasundo rin ang TDC at DBM na pag-usapan kung paano mabibigyan ng long-term solutions ang systemic issues na nakaaapekto sa teachers.

Read: On-the-spot printing for white Beep cards now rolled outOn-the-spot printing for white Beep cards now rolled out

DBM SAYS TEACHERS DESERVED THE INCENTIVE

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang bagong development ay bahagi ng layunin ng pamahalaan na kilalanin ang kontribusyon ng teachers sa pagpapalakas ng education system ng bansa.

"Masaya po akong ibalita para sa ating mga kasamahan sa DepEd, lalo na sa ating mga guro, na matapos ang masusing deliberasyon, sila po ay napatunayang eligible para matanggap ang kanilang Performance-Based Bonus para sa taong 2023.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung wala sila [ating mga guro], wala rin tayo. Kaya dapat lang po na patuloy natin silang bigyan ng motivation at nararapat na benepisyo."

Read: GSIS removes cap on survivorship pensions

DBM ALSO APPROVES PHILIPPINE ARMY’S 2023 PBB

Bukod naman sa DepEd employees, nasa 110,688 qualified officials and employees ng Philippine Army ang nakatakda ring tumanggap ng kanilang 2023 PBB.

Inaprubahan na ng DBM ang release ng PHP1.64 billion na pondo para sa kanilang bonus.

Makatatanggap ang bawat qualified army officials and employees ng PBB na katumbas ng 45.50 percent ng monthly basic salary, batay sa kanilang rate as of December 31, 2023.

Read: Tips: Paano itama ang maling pangalan at birthday sa SSS record?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ipaglaban ng mga public school teachers ang kanilang 2023 performance-based bonus sa Department of Budget Management, matatanggap na nila ang incentive ngayong 2025. (Photo: DepEd)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results