Niyanig ng 7.6-magnitude earthquake ang Davao Oriental dakong 9:43 ng umaga ngayong Biyernes, October 10, 2025.
Nangyari ito higit isang linggo ang nakalilipas matapos maganap ang 6.9-magnitude earthquake sa Cebu noon lamang September 30.
Libu-libong katao ang naapektuhan ng lindol sa Cebu at umakyat sa higit 70 ang death toll.
Ina-assess pa ngayon kung gaano kalaki ang pinsala ng lindol na nangyari sa Davao Oriental.
Matapos ang magkasunod na lindol, mahalagang maging handa at alam ang gagawin sa ganitong panahon.
Kasunod ng naganap na lindol, naglabas ng mga abiso ang iba-ibang ahensiya ng gobyerno kung ano ang mga dapat tandaan sa panahon ng kalamidad, tulad ng lindol.
Importanteng alam ang gagawin bago pa mangyari ang lindol, habang nangyayari ito, at pagkatapos mangyari nito.
Sabi nga ni Kim Atienza, “Ligtas ang may alam.”
Narito ang ilang guidelines o gabay na dapat tandaan.
WHAT TO DO BEFORE
Mahalagang handa at may plano sakali mang maganap ang lindol.
- Magkaroon ng medical kit o "go bag kit" na puwedeng bitbitin anumang oras. Ilan sa mga laman nito ay gamot, bottled water, flashlight, whistle, non-perishable food, alcohol, atbp.
- Mahalaga kung mayroong fire extinguisher at alam kung paano ito gamitin para maapula agad ang nagsisimulang apoy.
- Kung nasa building, importante na alam mo ang exits ng establishment.
- Magkaroon ng evacuation plan na iyong susundin sakaling magkaroon ng lindol.
- Bukod sa pagtitiyak na matibay ang bahay, mahalaga ring inspeksyunin ang mga bahagi ng bahay na sira para makumpuni agad ito.
- Itabing mabuti ang mga bagay na maaaring maging sanhi ng sunog, gayundin ang mga poisonous chemicals.
- I-secure ang mga mabibigat na bagay na nakasabit, nakabitin, o nakapuwesto sa mataas na area.
- Lumahok sa mga fire drills o pagsasanay sa iyong kinabibilangang kumpanya o school para malaman ang gagawin.
Read: Former nun and seminarian end up marrying each other
WHAT TO DO DURING
- Kapag nasa loob ng bahay o gusali, gawin ang DUCK, COVER, HOLD.
- Pumuwesto sa ilalim ng matibay na lamesa at kumapit sa mga paa ng lamesa. Maging alerto rin sa paligid, at umiwas sa mga bagay na puwedeng tumama sa iyo.
- Lumayo sa mga bagay na maaaring mahulog tulad ng salamin, aparador, at iba pang mabibigat na bagay.
- Kapag tumigil ang pagyanig, magtungo agad sa exit para makalabas ng building at magtungo sa ligtas na lugar, gaya ng evacuation area.
- Kapag nasa labas naman, pumuwesto sa open area.
- Lumayo sa mga building, poste, puno, at iba pang bagay na pwedeng gumuho o bumagsak kapag lumindol.
- Lumayo sa gilid o dalisdis ng bundok dahil maaaring gumuho ang lupa.
- Huwag tumawid sa overpass, tulay, o flyover.
- Kapag nagmamaneho, itigil ang sasakyan sa ligtas na area at lumabas kung ikaw ay nasa open space.
Another strong quake happened and this time, it hit Davao Oriental. It is vital to know what to do before, during, and after an earthquake.Photo/s: CanvaCONTINUE READING BELOW ↓NOOD KA MUNA!
Read: Story of Jan Tristan Ramos: student and part-time janitor, now a lawyer
WHAT TO DO AFTER
- Kapag tumigil ang pagyanig, suriin ang sarili para sa anumang sugat o pinsala. Lapatan agad ng first aid kung kinakailangan.
- Tiyaking ligtas ang mga kasama at unahin ang mga matatanda, buntis, may kapansanan, at mga bata.
- Suriin kung may mga bagay na maaaring magsanhi ng sunog o natapong mga nakalalasong bagay.
- Suriin ang LPG para sa anumang leak, ang linya ng kuryente at tubig para sa anumang damage.
- Manatili sa labas ng building at maghintay ng abiso kung ligtas nang pumasok.
- Kung malapit sa tabing dapat, lumikas agad o pumunta sa mataas na lugar para makaiwas sa banta ng tsumani.
- Lumayo sa mga gusaling may bitak o sira na maaaring gumuho, mga linya ng kuryenteng nakalaylay, at lupang maaaring gumuho.
- Kapag nasa loob ng gusali, iwasang gumamit ng elevator at gamitin ang hagdanan.
- Manatiling nakatutok sa anumang anunsiyo ng local government.
- Tumawag sa national emergency hotline na 911 kung kinakailangan.

SOURCES:
NDRRMC National Disaster and Risk Reduction Management Council
https://www.facebook.com/photo?fbid=1118555297114036&set=pcb.1118555727113993
Department of Health
https://www.facebook.com/photo?fbid=1265584468941656&set=a.226209786212468
Philippine Institute of Volcanology and Seismology
https://www.facebook.com/photo?fbid=1128328242824472&set=pcb.1128328599491103
