Sa kabila ng sobrang bilis ng pag-unlad ng technology, hindi pa rin kayang i-predict kung kailan eksaktong magaganap ang earthquake.
Gayunpaman, ayon sa website ng Michigan Technological University, may four basic steps na maaaring gawin upang mas higit na maging handa magkaroon man ng paglindol.

Ang four basic steps na ito ay rekomendado ng Earthquake Country Alliance, kung saan katuwang ang United States Geological Survey.
Naririto ang four basic steps:
Step 1: I-secure ang inyong area at tukuyin kung nasaan ang hazards sakaling lumindol. Tiyakin na maayos ang puwesto at hindi agad matitinag ang moveable items.
Step 2: Planuhing maging ligtas sa pamamagitan ng paggawa ng disaster plan at magdesisyon kung paano makikipag-communicate kapag may emergency.
Step 3: I-organize ang inihandang disaster supplies sa convenient locations. Ilagay ang mga ito sa area na hindi mababagsakan o matutumbahan ng debris.
Step 4: I-minimize ang posibleng maging gastos kung tamaan ng lindol ang inyong property. Tiyakin na matibay ang pagkakagawa ng bahay o building at ikuha ng insurance. I-organisa ang mahahalagang papeles o dokumento.
Read: What to do before, during, and after an earthquake
WHAT EMERGENCY SUPPLIES DO YOU NEED FOR AN EARTHQUAKE
Pagkatapos ng earthquake, laging problema ang supplies lalo kung malaking bahagi ng lokasyon ang napinsala at hindi agad operational ang mga negosyo.
Importanteng may nakahandang emergency supplies na magagamit anumang oras na may maganap na earthquake o iba pang kalamidad.

Naririto ang emergency supplies na dapat ihanda:
- Fire extinguisher
- Sapat na supply ng mga gamot na iniinom ng mga miyembro ng pamilya, lalo na ang mga may maintenance na.
- Crescent and pipe wrenches na magagamit na pambukas o pansara ng tangke ng gas at water supplies.
- First-aid kit and handbook.
- Flashlights with extra bulbs and batteries.
- Portable radio with extra batteries. Mainam ding mag-provide ng radio na may crankshaft para hindi na kailangan ng baterya kung sakali.
- Mag-imbak ng inuming tubig para sa bawat miyembro ng pamilya na tatagal sa loob ng dalawang linggo. Hayaang makainom ng isang galon ng tubig ang bawat miyembro kada araw para hindi ma-dehydrate. Maghanda rin ng purification tablets or chlorine bleach para ma-purify ang drinking water na mula sa ibang sources.
- Dapat na may nakahandang mga de-latang pagkain at package foods na tatagal ng ilang araw. Huwag kaliligtaan ang mechanical can opener. Mag-prepare din ng extra food para sa pets hangga’t maaari.
- Tiyaking may mapaglulutuan ng pagkain sa labas ng bahay. Ilayo sa mga bata ang petroleum products, posporo at iba pang gamit sa pagluluto.
- Sa panahon ng kalamidad ay importante ang kalinisan kaya tiyaking may waterproof, heavy-duty plastic bags para sa waste disposal.
Read: What the Cebu earthquake taught me about strength and gratitude
WHAT TO EXPECT IN YOUR HOUSE WHEN AN EARTHQUAKE OCCURS, AND WHAT CAN BE DONE TO PREVENT THESE PROBLEMS
Ang mga laman ng inyong bahay ay maaaring ma-damage sa earthquake.
Delikado rin ang mga ito.
Dahil sa mga pagyanig, posibleng bumagsak ang light fixtures.
Gagalaw ang refrigerators at iba pang malalaking large items sa sahig.
Tutumba ang bookcases and television sets.
Kapag nabagsakan ka ng mga ito pag may earthquake, dagdag na problema.
Naririto ang mga dapat gawin para maiwasan ang mga ganitong senaryo.
- Tukuyin sa kabuuan ng bahay ang mga bagay na maaaring bumagsak o matumba sakaling lumindol para maiwasang pumuwesto malapit sa mga ito.
- Tiyakin na ang lalagyan ng dishes ay hindi basta-basta bibigay. Delikadong bumagsak ito dahil ang mga tasa, baso, at plato ay karaniwang yari sa babasagin na maaaring makasugat nang malubha.
- Siguraduhing ang shelves ng appliances ay naka-fastened sa wall.
- Iwasang maglagay ng hanging plants sa loob ng bahay.
- Kung may malalaki at mabibigat na kuwadro gaya ng paintings at salamin, i-secure ang pagkakadikit ng mga ito sa dingding.
- Maaari namang mag-install ng door latches, braces and fasteners para ma-fix ang mga hazards na ito.
Read: Arron Villaflor apologizes for viral “pray for Cebu” post
WHAT YOU SHOULD NOT DO DURING AN EARTHQUAKE
- Huwag agad bubuksan ang tangke ng gas.
- Huwag magsisindi ng posporo at lighters, o magbubukas ng switch ng kuryente hangga’t hindi kayo siguradong walang gas leaks. Posible kasi itong maging dahilan ng pagsabog kung may leaking gas na pagmumulan naman ng sunog.
- Huwag agad gagamitin ang smartphone maliban kung may medical or fire emergency para ma-save ang battery charge.
- Hindi dapat i-expect na agad may darating na firefighters, police or paramedics para tumulong. Maaaring sinaklolohan muna nila ang mas nasa malapit na area.
Laging tatandaan: The best time to prepare for any disaster is before it happens.
Read: Netizens touched by man’s PHP19 donation for earthquake victims
