PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TIPS: The 50-20-30 rule for saving money

Ilang percent ng suweldo ang dapat ilaan sa savings fund?
by KC Cordero
Published Oct 10, 2025
Photo of Philippine money
Sa pamamagitan ng “50-20-30 rule for saving money,” mas ma-e-enjoy natin ang perang ating pinaghirapang kitain. (Photo: Wikimedia Commons)

Ano man ang inyong edad, dapat i-manage nang mabuti ang inyong pera.

Importanteng maglatag ng tamang pundasyon at mag-set ng goal kung ano ang gagawin sa hawak na pera para hindi mauwi sa wala.

Ipinapayo ng Philippine National Bank (PNB) ang 50-20-30 rule for saving money.

Read: GSIS reviews pension, burial, Christmas cash gift benefits

ALLOCATE 50 PERCENT OF YOUR MONEY FOR NEEDS

Ayon sa PNB, ang 50 percent ng inyong suweldo ay dapat na ilaan sa mga pansariling pangangailangan.

Ito umano ang “most important expense vertical” na kailangang matugunan.

Stack of bills
Fifty-percent ng ating kita ay dapat ilaan sa mga utilities at mga bagay na kailangan araw-araw. Photo: debtwave.org
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sakop nito ay ang mga items, products, at payables na kailangan natin araw-araw, at itinuturing na essentials para tayo mabuhay.

Ilan sa essential needs na ito ay pagkain, groceries, bayad sa upa sa bahay o hulog kung rent-to-own, transportation cost, utilities, clothing, at marami pang iba.

Read: SSS launches EMV-equipped, dual-function MySSS Card

20 PERCENT OF YOUR MONEY SHOULD GO TO SAVINGS

Para sa PNB, importanteng maagang masimulan ang pagkakaroon ng savings funds.

Dapat na ang 20 percent ng kita ay ilaan sa savings.

Depositor holding a passbook
Ang savings ay crucial sa panahon ng emergencies. Photo: PNB
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matatandaang noong lumaganap ang pandemic ay maraming nakinabang sa kanilang savings and emergency funds—lalo na ang mga nawalan ng trabaho.

Ayon sa PNB, i-prioritize ang pag-iimpok sa bangko dahil makatutulong ito na ma-secure ang inyong future at makaiwas sa pagkakautang.

Ang savings ay isa ring paraan ng money management dahil magagamit ito para sa debt payments.

Makatutulong din ito para hindi kayo malubog sa utang.

Ang isa pang paraan ng pag-iimpok ng pera ay ang paglalaan ng portion ng inyong kita para sa retirement—lalo na ang mga self-employed.

Pero sa kabuuan, ang 20 percent ng lahat ng inyong pera ay dapat mapunta sa ganitong savings items or goals.

Read: BPI sets PHP15 service fee for cash-in transactions via InstaPay

SPEND 30 PERCENT OF YOUR MONEY FOR YOUR WANTS

Ilaan naman ang 30 percent ng inyong pera sa mga bagay na inyong nagugustuhan, ayon pa rin sa PNB.

Kabilang dito ang “things we desire and not necessarily what we need.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Man goes on shopping
Kailangan ding sumaya kaya gamitin ang 30 percent ng kita sa konting luho. Photo: Pexels

Mula sa 30 percent of your money, mag-indulge sa inyong favorite food from fancy restaurants, o di kaya ay bilhin ang natipuhang high-end gadgets, at iba pang bagay na magpapasaya sa inyo.

Bagaman at okey lang na mag-spend paminsan-minsan para sa konting luho, ang dapat na maging priority ay ang inyong needs and savings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para mas ma-manage nang mabuti ang income, dapat alamin kung magkano ang kailangang ilalaan sa needs and wants.

Sa pamamagitan nito, mata-track kung paano tayo gumagastos—at higit sa lahat—kung saan napupunta ang pera.

Ayon pa sa PNB, kung gusto nating ma-enjoy nang todo ang ating hard-earned money, sundin ang 50-20-30 rule for saving money.

Makatutulong ang paraang ito ng pag-iipon ng pera kung paano gagastos sa abot lang ng ating makakaya, at hindi mahuhulog sa trap ng overspending.

Read: GSIS removes cap on survivorship pensions

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng “50-20-30 rule for saving money,” mas ma-e-enjoy natin ang perang ating pinaghirapang kitain. (Photo: Wikimedia Commons)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results