PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

50% of Filipinos want Duterte accountable as ICC junks release

According to SWS survey
by KC Cordero
Published Oct 14, 2025
 FPRRD during ICC hearing
Fifty percent ng mga Pilipino ang sang-ayong papanagutin si former President Rodrigo R. Duterte sa pagkamatay ng mga biktima ng war on drugs na isinagawa ng kanyang administrasyon. (File photo)

Fifty percent ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat papanagutin si former President Rodrigo R. Duterte sa pagkamatay ng mga biktima ng war on drugs na isinagawa ng kanyang administrasyon.

Batay ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula September 24-30, 2025.

Old photo of FPRRD
Si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte. Photo: Rody Duterte Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa survey ay tinanong ang 1,500 adults sa buong bansa.

Ayon sa resulta, 50 percent ng respondents ang sang-ayon na papanagutin ang dating pangulo.

Hindi naman sang-ayon ang halos 15 percent.

Walang ibinigay na sagot ang 4 percent.

Ang survey ay may ±3 percent margin of error.

Read: VP Sara claims FPRRD found unconscious in detention room

VISAYAS RECORds HIGHEST SUPPORT for duterte ACCOUNTABILITY

Ang Visayas ang nakapagtala ng may pinakamaraming sang-ayon na papanagutin ang dating pangulo, sa 54 percent.

Sumunod ang Metro Manila, na nasa 53 percent.

Ang Balance Luzon, ang gamit na termino ng SWS para sa nalalabing bahagi ng Luzon, ay nasa 52 percent.

Ang Mindanao ay nasa 39 percent.

Ang Mindanao ay balwarte ng dating pangulo.

Inilabas ang resulta ng survey kasunod ng ruling ng International Criminal Court (ICC) na nagbasura sa hiling ng kampo ni Duterte para sa kanyang interim release.

Kasalukuyang nakapiit ang dating pangulo sa The Hague, Netherlands.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

WHY ICC REJECTed duterte CAMP'S REQUEST

Sa inilabas na court document ng ICC Pre-Trial Chamber I, may petsang October 10, 2025, binanggit na si Duterte ay nananatiling isang flight risk kaya ipinag-uutos ang “continued detention” nito.

Kailangan daw naka-detain ito para matiyak ang kanyang presence sa pre-trial proceedings at sa trial mismo.

Tinukoy rin ng chamber ang iba pang rason, gaya ng patuloy na public rejection ng Duterte family sa pagkakaaresto sa dating pangulo, ang panawagang ibalik agad ito sa bansa, at ang napaulat na gusto ng pamilya nitong maiuwi siya sa Davao City sakaling pansamantalang palayain.

Ayon sa chamber, ang mga nabanggit ay nagpapakita ng rejection ng dating pangulo sa proceedings, at ang kagustuhan ng pamilya nitong makaiwas siya sa detention at prosecution.

Binanggit din sa 23-page decision ang isang online article na nag-quote kay Vice President Sara Duterte na nais ng former chief executive na makabalik sa Davao City, “in contradiction with the Defense’s assertion that he would remain in the state he would be released to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa court document na nilagdaan nina Presiding Judge Julia Antoanella Motoc, at Judges Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou at María del Socorro Flores Liera: “Moreover, given Mr. Duterte's position as former President of the Philippines, he appears to have the necessary political contacts, as well as to benefit from a network of support within that country, including his daughter, who currently holds the office of Vice-President of the Philippines, that may help him abscond.”

Tinukoy rin ng chamber ang pananatiling popular ni Duterte, na nahalal pang Davao City mayor noong nakaraang May 2025 elections.

Para sa chamber, ang pagbabalik ng dating pangulo sa Davao City ay magkakaloob muli rito ng pagkakataon, “to commit the crimes for which his arrest and surrender were initially sought.”

“In conclusion, the Chamber finds that, at present, the detention of Mr. Duterte is required so as to ensure his appearance in these proceedings, that he does not obstruct or endanger the investigation or the Court's proceedings, and to prevent the commission of related crimes within the jurisdiction of the Court,” ayon pa sa chamber.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

duterte CHARGED WITH THREE COUNTS OF MURDER

Si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay pormal na kinasuhan ng ICC ng tatlong bilang ng kasong murder as crimes against humanity noong September 23, 2025.

Una rito ay may kinalaman sa 19 NA BIKTIMA noong panahong nakaupo ang dating pangulo bilang alkalde ng Davao City noong 2013 at 2019.

Ikalawa ay may kinalaman sa "high-value targets" sangkot ang 14 NA BIKTIMA noong 2016 at 2017.

Ikatlo ay may kinalaman sa "barangay clearance operations" sangkot ang 45 NA BIKTIMA noong 2016 at 2018.

Nanungkulan ang dating pangulo para sa pinakamataas na posisyon ng bansa mula 2016-2022.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fifty percent ng mga Pilipino ang sang-ayong papanagutin si former President Rodrigo R. Duterte sa pagkamatay ng mga biktima ng war on drugs na isinagawa ng kanyang administrasyon. (File photo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results