PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Survival expert on triangle of life, drop-cover during earthquake

Which earthquake survival method works best?
by Bernie V. Franco
Published Oct 15, 2025
triangle of life
Recently, the "triangle of life" method goes viral following the series of earthquakes that happened recently. But a survival expert does not recomment this method. Here's why.
PHOTO/S: Reuters

Dahil sa sunud-sunod na lindol, madalas sumulpot sa social media feeds natin earthquake-related topics, kabilang na ang survival methods at tips.

Isa rito ay tinatawag na “triangle of life,” na sinasabing mabisang paraan para maka-survive sa malakas na lindol.

Ang idea rito, kapag nasa loob ng gusali o bahay at nagkaroon ng malakas na lindol, tatabi sa matibay at mataas na bagay tulad ng pader o furniture.

Ang iniisip kasing senaryo pag ganito, babagsak ang ceiling o kisame at ang tatamaan ay ang matibay at mataas na bagay, na siyang mag-iiwan ng void kunsaan puwedeng sumiksik para magtago at makaligtas.

Pero maraming experts ang tumatawag sa “triangle of life” method na “misguided” at “unsubstantiated.”

Ibig sabihin, hindi ito proven.

Kinuwestiyon din ito ng Filipino survival expert na si Dr. Ted Esguerra, isang international instructor and lecturer on search and rescue.

triangle of life
The "triangle of life" method recently went viral on social media following a series of earthquakes in the country.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Here are 3 materials that make houses more earthquake-resistant

SURVIVAL EXPERT ON TRIANGLE OF LIFE

Kung si Dr. Esguerra ang masusunod, hindi raw niya irerekomenda ang “triangle of life” method.

“Sa mga nasusuot ko na building na gumuho, una, wala talagang assurance kung saan ka [dapat] doon. Kasi ang pag-collapse ng building, depende paano yung materyales na gawa siya,” aniya sa DZMM Teleradyo interview noong October 13, 2025.

Bilang halimbawa, binanggit niya ang isang building na gumuho matapos lumindol, at ang kisame ay nadurog o “napulbos.”

Sa “triangle of life” ang assumption kasi ay isang beam sa kisame ang babagsak at tatama sa matibay na gamit sa sahig. Ang gamit na ito ay magiging tungkod sa isang dulo ng beam kaya magkakaroon ng void na siyang safe spot sa tao.

Ayon kay Dr. Esguerra, walang assurance kung mangyayari nga ang triangle of life.

Binanggit din niyang nagkakaroon din ng void sa iba pang uri ng pagguho ng gusali tulad ng pancake collapse, kung saan ang floors sa isang building ay babagsak na parang stack of pancakes, at cantilever collapse, kung saan ang mga walls naman ang guguho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang tanong ko, kelan ka magkakaroon ng tungkod? Walang may alam. Di mo rin alam. Medyo nakakalito iyang triangle of life kasi,” sabi ni Dr. Esguerra.

EXPLAINING “DROP, COVER, HOLD” METHOD

May paglilinaw rin ang expert sa inirerekomendang “drop, cover, and hold” method.

Aniya, “Yun po yung ginagamit natin, pero hindi po siya ‘one size fits all,’ kaya minsan nagkakamali tayo diyan.”

Pagbibigay niya ng halimbawa, kapag inabutan ng lindol sa bungad ng pinto, ang gagawin ba ay drop, cover, hold o lalabas ng pinto?

“Pangalawa, nakaupo ako sa toilet, mag-drop, cover, and hold ba ako?”

Marami raw survival methods sa panahon ng lindol.

“Ang kailangan lang, una, isipin mo ano yung bagay na hindi ka mahuhulugan kung nasa loob ka?

“Pangalawa, kung in case na may mahulog, nasa interior ka, you cannot move out, drop, cover, and hold.

"Pero isang kailangang i-require ko, alamin mo muna na bago magkalindol kung iyang mesa na susuksukan mo kasya ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit niya, may mga nakita siyang gumawa ng drop, cover, and hold, pero ang kasya lang pala sa lamesa ay ulo.

May isa pang binanggit si Dr. Esguerra: ang “tripod.”

Ito ay ang luluhod sa sahig na nakabukaka ang mga binti at titingin sa itaas.

“Huwag kang yumuko. Bagkus, tignan mo para makita mo kung ano mahulog sa iyo.”

Isa pa raw maneuver ay ang paghawak sa matibay na poste kapag ikaw ay indoors. Tiyakin lamang na hindi mahuhulugan ng anumang bagay.

Read: What to do before, during, and after an earthquake

RUNNING IN THE EVENT OF AN EARTHQUAKE

Inusisa si Dr. Esguerra tungkol sa pagtakbo sa panahon ng lindol.

Sa drop, cover, and hold kasi ay mananatili ka sa puwesto at hahanap ng lamesa o matibay na masisilungan.

“’Yung takbo ay very critical. In Japan, ina-allow siya. They even train kids to run…” paliwanag ng doktor.

“If I will shake the earth, kung galawin ko yung mundo, ang daga, ang elepante, ang tao tatakbo talaga iyan. Normal reaction.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi niyang isang pagkakamali sa atin ay hindi inuunawa ang natural human behavior.

“Ang isang tao normal na may self-preservation. Gagawa talaga iyan ng crazy things.”

Sinabi niyang may mga taong hindi mapapapirmi pag lumindol, at ang reaksiyon ay tumakbo.

Kaya ang rekomendasyon ni Dr. Esguerra, “Make it as an option. Turuan mo na lang tumakbo.”

Sabi niya, may ibang tao na magagawang tumakbo kapag ang lindol ay 4-5 magnitude.

Pero maaari nang mawalan ng balanse kapag ang lindol ay may lakas na 7 magnitude.

“Even if I will say, 'drop, cover, and hold,’ ang mindset niya ay run, turuan mo na lang how to run.”

Ang payo niya pag ganito ay ang evacuation in transition method.

Sa paraang ito, kikilos ka pero kukuha ng suporta mula sa pader para mapanatili ang balanse.

Pero, siyempre, maging listo para masigurong hindi bibigay ang pader.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Recently, the "triangle of life" method goes viral following the series of earthquakes that happened recently. But a survival expert does not recomment this method. Here's why.
PHOTO/S: Reuters
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results