Kapag nakita mong biglang may pumasok na pera sa iyong bank account nang hindi mo alam kung saan nanggaling, ang unang papasok sa iyong isipan ay: “Yey, ang suwerte ko naman! Pera na ito!”
Ang totoo, isa itong bank error—lalo na kung walang nag-inform sa iyo na employer, kapamilya, kaibigan o client na magdedeposito sa iyong account.

Dapat mong i-report agad sa iyong bank ang error.
Ang tao at ang technology ay nagkakamali.
Isa itong unfortunate fact.
Ayon sa article na na-publish sa financial independence website na SoFi last June 3, 2024, ang mga bangko once in a while ay nagkakamali.
Nakakapag-deposit ito ng pera sa iyong account, halimbawa, na hindi naman talaga para sa iyo.
Ang teller ng bank branch ay posibleng nakapag-enter ng maling digit sa account number habang ang isang customer ay nagde-deposit ng check o nagta-transfer ng funds.
Anuman ang dahilan, kung sa iyong account pumasok ang pera, mapapansin mong lumaki ang iyong bank account balance kumpara sa inaasahan.
Read: TIPS: The 50-20-30 rule for saving money
WHAT TO DO IF MONEY IS DEPOSITED INTO YOUR ACCOUNT BY MISTAKE
Bagaman at para itong hulog ng langit at matutukso kang angkinin ang pera, kapag hindi ito ipinagbigay-alam sa bank, magreresulta ito sa problemang legal on your part.
Huwag itong gagastusin dahil legally, wala kang karapatang gamitin ang pera kahit pa nasa iyong account.
Obligasyon mong ibalik ito.
Ang iyong bank ang magsasagawa ng necessary steps para maitama ang transaction at maibalik ang pera sa tunay na may-ari.
Sakaling mangyari ito sa iyo, naririto ang mga dapat gawin:
- Do not spend the money: Huwag i-withdraw o gamitin ang pera. Tandaan na alam mong hindi yun sa iyo at kung gagastusin, mauuwi sa legal issues, kabilang ang civil liability o kaya ay criminal charges for theft.
- Contact your bank immediately: Kontakin agad ang iyong bank or financial institution at i-report ang accidental deposit.
- Provide details: Itala ang incorrect payment, at idetalye kung kailan nakita ang hindi inaasahang deposito at kung magkano ang halaga.
- Stop communication: Kung may matatatanggap na message mula sa hindi kilala at magsasabing ito ang may-ari ng pera, huwag masyadong makikipagkomunikasyon sa mga ito. Maaaring ito ay isang scam lalo na kung sasabihing ingatan mo ang pera o ibalik sa kanila sa pamamagitan ng ibang paraan. Hayaang ang iyong bank ang magresolba sa sitwasyon.
Read: Tips: Paano itama ang maling pangalan at birthday sa SSS record?
wHY IT'S IMPORTANT TO RETURN MONEY DEPOSITED INTO YOUR ACCOUNT BY MISTAKE
Honesty is the best policy.
Kung hindi iyo ang perang pumasok sa bank account mo, ipagbigay-alam agad sa bangko.
Naririto ang mga dahilan kung bakit importanteng isoli ang perang basta na lang pumasok sa iyong account:
- Legal obligation: Mayroon kang legal duty na ibalik ang perang pumasok sa iyong account by mistake. In legal parlance, ito ang principle na tinatawag na "solutio indebiti.”
Ayon sa website ng Respecio and Co. law firm: “Solutio indebiti is a legal principle, particularly in Philippine law, that translates to 'payment by mistake' and arises when a person receives something they are not entitled to, leading to an obligation to return it.
“This is a type of quasi-contract, created by a mistaken payment or delivery, that prevents the unjust enrichment of the recipient at the expense of the payer.
“For this principle to apply, a payment or delivery must have been made, it must not be due, and it must have been made through mistake, without the intent to donate.”
- Consequences of not returning: Kung aangkinin mo ang pera, ang rightful owner ay maaaring magsampa ng civil action para mabawi iyon. Kung nagastos mo na ang pera, mahaharap ka sa kasong felony theft at aatasan ng korteng ibalik ang full amount.
- Bank's role: Ang mga bangko ay may systems at mga departamentong sadyang ang functions ay itama ang errors at ma-recover ang perang nagkamali ng deposito o transfer. Matutuklasan din nila ang pagkakamaling ito at makapagsasagawa ng legal action para ma-recover ang pera.
Paalala ng SoFi: "Keeping careful tabs on your account can help you catch errors so you can avoid these situations and improve your financial health.
"Consider setting up alerts for deposits in your account. That way, you can spot any mistakes as soon as they happen."
Read: How the 20 percent interest tax affects bank depositors
