Magkakaroon ng mid-school year wellness break ang mga guro at estudyante mula October 20-30, 2025.
Inianunsiyo ito ng Department of Education (DepEd) sa official Facebook account nito last October 22.

Ayon sa DepEd, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga guro na makapagpahinga bago ganapin ang kanilang midyear In-Service Training (INSET).
Ang INSET program ay isang key professional development activity na nakatutulong sa mga guro para maging updated sa new teaching strategies, curriculum reforms, and innovations.
Layunin nitong mas mapaganda ang paraan ng pagtuturo ng mga guro at magresulta ito sa mas maayos na learning performance ng mga estudyante.
Read: Voter registration resumes; will end on May 18, 2026
DEPED SAYS CLASSES WILL RESUME ON NOVEMBER 3
Ang wellness break ay bahagi ng mga binagong probisyon sa ilalim ng DepEd Memorandum–Office of the Undersecretary for Learning Systems–2025-095.
Kaugnay ito ng Department Order No. 12, s. 2025, na nagbabalangkas sa school calendar para sa kasalukuyang academic year.
Ang hakbang ayon sa DepEd ay pagpapatunay ng responsibilidad ng ahensiya na mapangalagaan ang kalusugan ng mga guro at mga estudyante.
Binigyang-diin din ng DepEd na ang pahinga at recovery ay importante sa paghahatid ng de-kalidad na edukasyon.
Magre-resume naman ang regular classes sa November 3, 2025, pagkatapos ng paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Read: Metro Manila malls to operate from 11 A.M. to 11 P.M. starting Nov. 17
DEPED EMPHASIZES IMPORTANCE OF WELLNESS BREAK
Sa inilabas na pahayag ni DepEd Secretary Sonny Angara, sinabi niyang importante ang wellness break na ito.
“Sa linggu-linggo nating pagbisita sa mga paaralan, naririnig namin ang panawagan ng ating mga guro.
“Minabuti na natin na mabigyan sila ng oras para magpahinga at magkaroon ng dagdag na oras kasama ang kanilang pamilya.”
Dagdag pa ng kalihim: “Marami sa ating mga guro at mag-aaral ay galing sa mga lugar na tinamaan ng bagyo at lindol o may mga kaso ng trangkaso.
“Kaya sabi nga natin, konting pahinga muna.
“Mas makakapagtrabaho tayo nang maayos kung maayos din ang pakiramdam natin.”
Read: What to do if money is deposited into your account by mistake
