PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SWS survey: Money is the primary cause of stress among Filipinos

Filipino women most affected by stress
by KC Cordero
Published Oct 28, 2025
Stressed woman
Pera ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng stress ng mga Pilipino, pero mas apektado raw ang mga kababaihan. (Photo: Pexels)

Bilang bahagi ng World Mental Health Day last October 10, 2025, naglabas ang survey firm na Social Weather Stations (SWS) ng datos tungkol sa mga Pilipinong namumuhay na punung-puno ng stress.

Ang mga karaniwang sanhi: pananalapi, kalusugan, trabaho, at pressure mula sa pamilya.

Batay sa resulta ng isinagawang SWS Third Quarter 2025 survey, nasa 34 percent ng adult Filipinos ang nakaka-experience ng stress “frequently” sa araw-araw nilang pamumuhay.

Stressed woman at work
Pera, kalusugan, trabaho at pressure mula sa pamilya nag factors ba karaniwang naghahatid sa atin ng stress. Photo: Pexels
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas mataas ito kumpara sa 27 percent na naitala noong fourth quarter ng 2019, bago lumaganap ang pandemic.

Nasa 32 percent naman ang nagsabing paminsan-minsan o “sometimes” ay nakararanas sila ng stress. Mas mababa ito kumpara sa 37 percent noong 2019.

Ang 30 percent ay bihira o “rarely” makaranas ng stress. Mas mababa ito kumpara sa 34 percent noong 2019.

At ang four percent ay nagsabing hindi o “never” silang nakaranas ng stress. Halos hindi ito nagbago mula noong 2019 na may naitalang two percent.

Read: Hungary offers more jobs for Filipinos under Guest Worker Program

MONEY AS THE MAJOR CAUSE OF STRESS FOR FILIPINOS

Nangunguna ang bilang “big” cause of stress, ayon sa 53 percent ng respondents.

Sumunod dito ang kalusugan o health-related issues—na nakaapekto sa 42 percent ng adults.

Nasa 39 percent ang nagsabing trabaho at school ang labis na nagpapa-stress sa kanilang buhay.

Family matters naman ang nakakaapekto sa stress level ng 38 percent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Voter registration resumes; will end on May 18, 2026

METRO MANILA RESPONDENTS HAVE HIGHEST STRESS LEVELS

Natuklasan din sa SWS survey na 50 percent ng adults sa Metro Manila ang madalas makaranas ng stress. Pinakamataas ito sa lahat ng rehiyon.

Sumunod na pinakaapektado ng stress ang Balance Luzon (36 percent), Mindanao (28 percent), at Visayas (26 percent).

Kumpara sa naitala noong fourth quarter ng 2019, malaki ang itinaas ng bilang ng adults na madalas makaranas ng stress sa Metro Manila. Nadagdagan ng 15 points mula sa dating 35 percent.

Tumaas din sa Balance Luzon by eight points (mula sa 28 percent), at sa Mindanao by 10 points (mula sa 18 percent).

Hindi naman halos nabago sa Visayas na dating may 28 percent.

Read: Financial expert explains why MP2 savings program is reliable

Ang Balance Luzon ang nakapagtala ng pinakamataas na porsiyento ng mga residenteng paminsan-minsan o “sometimes” ay nakararanas ng stress—na may 34 percent. Mababa ito kaysa sa 38 percent na naitala noong fourth quarter ng 2019.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumunod ang Mindanao, na may 32 percent, mas mababa kaysa sa dating 41 percent.

Ang Visayas ay may 31 percent, na mataas kumpra sa dating 29 percent.

Sa Metro Manila ay 27 percent, na mababa kumpara sa dating 38 percent.

Bihira namang makaranas ng stress ang mga taga-Visayas at Mindanao, na parehong may 37 percent.

Noong 2019, 41 percent ang record ng Visayas, habang 36 percent naman ang sa Mindanao.

Ang Balance Luzon ay may 27 percent, na mababa sa dating 33 percent.

Ang Metro Manila ay may 19 percent, na mababa sa dating 25 percent.

Read: Metro Manila malls to operate from 11 A.M. to 11 P.M. starting Nov. 17

Ang bilang ng Filipino adults na hindi o “never” nakaranas ng stress ay pinakamataas sa Visayas na may naitalang six percent. Mataas ito kumpara sa dating two percent.

Sumunod ang Balance Luzon na may four 4 percent—mas mataas sa dating two percent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ang Metro Manila at Mindanao ay kapwa nakapagtala ng tig-three percent. Halos hindi ito nabago. Dating two percent sa Metro Manila at four percent naman Mindanao.

Read: What to do if money is deposited into your account by mistake

WOMEN EXPERIENCE HIGHER STRESS LEVELS THAN MEN

Natuklasan din sa SWS survey na ang ating mga kababaihan ang mas madalas makaranas ng stress kumpara sa mga kalalakihan.

Nasa 41 percent ng mga kababaihang naiulat na nakakaramdam ng stress araw-araw.

Ang kalalakihan naman ay nasa 27 percent.

Simula pa noong fourth quarter ng 2019, ang mga kababaihan ang naiuulat na madalas makaranas ng stress—na tumaas pa ngayon by eight points.

Seven points naman ang itinaas sa mga kalalakihan.

Ang mga kababaihan din ang naiulat na mas mataas ang stress levels sa lahat ng major areas, kabilang ang finances, health, work or school, and family responsibilities.

Sa financial matters ng mga kababaihan: 57 percent- big, 24 percent- very big, 34 percent- somewhat big.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ang mga kalalakihan ay may 48 percent- big, 18 percent- very big 30 percent- somewhat big.

Pagdating sa health-related stress, 46 percent- big, 18 percent- very big, at 29 percent somewhat big, kumpara sa 38 percent- big ng mga kalalakihan, 12 percent- very big, 26 percent- somewhat big.

Sa family-related stress, ang 44 percent ng mga kababaihan ang itinuturing na big stress, 16 percent- very big, at 28 percent- somewhat big), kumpara sa 32 percent ng mga kalalakihan, 12 percent-very big, 20 percent-somewhat big.

Sa stress naman mula sa work or school, 40 percent ng mga kababaihan ang nagsabing big , 14 percent- very big, 26 percent- somewhat big, na mas mataas kumpara sa 38 percent ng mga kalalakihan, 12 percent-very big, 26 percent-somewhat big.

Ang Third Quarter 2025 Social Weather Survey ay isinagawa mula September 24-30, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa sa buong bansa with 1,500 adults na edad 18 pataas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga ito ang 300 respondents sa Metro Manila, 600 sa Balance Luzon (Luzon outside Metro Manila), at tig-300 sa Visayas at Mindanao.

Ang survey ay may sampling error margin na ±3 percent para sa national percentages, ±4 percent para sa Balance Luzon, at tig-±6 percent para sa iba pang regions.

Read: What makes this longganisa from Sampaloc, Quezon one of a kind?

FILIPINOS PRAY TO COPE WITH STRESS

Sa inilabas namang resulta ng survey ng SWS last October 23, lumalabas na "prayer" ang top coping mechanism ng mga Pilipino para malabanan ang stress.

Batay sa survey, 16 percent ang nagsabing nagdarasal sila o lumalahok sa spiritual activities.

Ang 14 percent naman ay nagpapahinga o natutulog.

Ang 11 percent ay namamasyal.

Seven percent ang nagsabing nilalabanan ang stress sa pamamagitan ng positive thinking.

Six percent ang naka-focus sa trabaho o school.

Iniiwasan namang isipin ng six percent ang stress o kinakalimutan na lang ang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Five percent ang idinadaan sa family bonding.

Five percent din ang nag-e-exercise o nagwo-walking.

Ang nalalabing four percent ay idinadaan ang paglaban sa stress sa pamamagitan ng sports or online games, gawaing bahay, pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan o kapitbahay, panonood ng TV o pelikula, pagkain, pagkanta o kaya ay pakikinig sa music.

Ang two percent ay sa pag-i-scroll sa social media o pag-inom ng alak.

One percent ang idinadaan sa gardening or farming and smoking cigarettes.

Iniiyak na lang ang stress ng 0.4 percent, habang ang 0.2 percent ay naghahanap ng medical solution.

Read: TIPS: Why you should eat a bowl of papaya during breakfast

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pera ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng stress ng mga Pilipino, pero mas apektado raw ang mga kababaihan. (Photo: Pexels)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results