Inianunsiyo ng Social Security System na ang enhanced SSS pension loan ay available na—hindi lamang sa mga retiree pensioners—kundi pati na rin sa mga surviving spouse pensioners.
Ito ay upang matugunan ang kanilang pinansiyal na pangangailangan nang hindi na kinakailangang isanla ang kanilang mga ATM bilang collateral.
Ipinaabot ito ng SSS sa pamamagitan ng email sa mga pensioner noong October 28, 2025.

Ang enhanced SSS pension loan ay may mababang annual interest rate na 10 percent base sa diminishing principal balance.
Ang required net take home pension (NTHP) o ang dapat na matitirang pension pagkatapos maibawas ang monthly amortization ng Pension Loan ay mas pinababa sa 40 percent mula sa dating 47.25 percent.
Dahil dito, maaari nang mag loan ng hanggang 12 times the amount of their monthly pension.
Read: Senators’ SALN Reveal: Who’s the Richest? Who’s the Poorest?
SSS ASSURES ENHANCED SSS PENSION LOAN IS SAFE
Tiniyak ng SSS na ligtas at siguradong serbisyo ang enhanced SSS pension loan para sa mga kuwalipikadong pensioners.
Makaka-avail sila ng naturang pension loan kung makakatugon sa mga sumusunod na kondisyon:
- May rehistradong My.SSS account at walang existing pension loan.
Note: Ang retirement claim na bayad sa ilalim ng Special Pension System, o pagtanggap ng tseke para sa kanilang monthly pension, ay hindi maaring mag-avail ng pension loan
- Walang kaltas sa monthly pension.
- Regular na tumatanggap ng monthly pension at ang status ng account ay "Active."
- May disbursement account na naka-enroll sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) o maaaring gamitin ang existing pension account.
- May updated na contact information (cellular/mobile number, email at mailing address).
- Hindi naideklara ng SSS na lumabag sa alinmang fraud policy o nasangkot sa anumang uri ng "fraud activities" o kahalintulad nito.
Read: SWS survey: Money is the primary cause of stress among Filipinos
HOW MUCH IS THE LOANABLE AMOUNT UNDER ENHANCED SSS PENSION LOAN
Ang loan amount ay batay sa Aggregate Monthly Pension (AMP) kasama ang PHP1,000 additional benefit o anumang increase dahil sa Pension Reform Program. Hindi kasama sa computation ang Dependent's Pension, kung meron man.
Para sa mga Retiree-Pensioners
Batay sa AMP multiplied by 3, 6, 9 or 12 months na hindi lalampas sa maximum limit na PHP300,000.00 at may loan term hanggang twenty-four (24) months.
Batay sa 50 percent ng AMP multiplied by 3, 6, 9 or 12 months na hindi lalampas sa maximum limit na PHP150,000.00 at may loan term hanggang twelve (12) months.
Ang mga fees na ibabawas sa loan proceeds ay ang mga sumusunod:
- Insurance Premium na magpoprotekta sa pensioner-borrower at beneficiary/ies sa hindi inaasahang pagpanaw ng borrower. ang anumang balanse sa loan ay hindi ibabawas sa SSS death benefits sapagkat ito ay sasagutin na ng insurance provider.
- Ang pro-rated Interest ay ang annual interest na 10 percent mula sa loan date hanggang huling araw bago ang unang loan amortization.
- Service Fee na two (2) percent.
- Transaction Fee ng napiling bangko na PHP1.05.
Read: Hungary offers more jobs for Filipinos under Guest Worker Program
ADDITIONAL NOTES FROM SSS
Ang loan proceeds ay matatanggap sa loob ng lima (5) hanggang pitong (7) araw matapos maisumite ang application.
Bilang pag-iingat at pagtugon sa layunin ng SSS na maprotektahan ang mga members, mag-update parati ng contact details.
