PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Experts to Filipinos: Prioritize mental health, fight stigma

Mental health issues are not just imagination or drama.
by KC Cordero
Published Nov 1, 2025
Man suffering from mental health condition
Hindi imahinasyon o drama ang mental health issues kaya huwag maging judgmental sa kapamilya o ibang tao na posibleng dumaranas nito.
PHOTO/S: Pexels

Pinayuhan ng mental health professionals ang mga Pilipino na kilalanin ang importansiya ng pangangalaga sa kanilang mental well-being at tumulong na mawala ang stigma tungkol sa mental health conditions.

Binigyang-diin din ng mental health professionals na: “It’s okay not to feel okay.”

Sa panayam kay Philippine Psychiatric Association (PPA) president Dr. Joan Mae Rifareal ng programang Bagong Pilipinas Ngayon last October 31, 2025, sinabi niyang ang mental health ay vital part ng overall wellness.

Photo of Dr. Joan Mae Rifareal
Si Philippine Psychiatric Association (PPA) president Dr. Joan Mae Rifareal. Photo from her Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala niya, ang awareness at maagang recognition ng mga sintomas ay mahalaga para sa maagap na paghingi ng tulong.

Ani Rifareal: "There is no health without mental health.

“Meaning, very integral component ang mental health sa ating holistic na health and wellness.”

Read: Charlie Dizon, RK Bagatsing share thoughts on mental health

MENTAL HEALTH ISSUES ARE NOT IMAGINATION OR DRAMA

Sinabi rin ni Rifareal na ang awareness maging ng maliliit pero madalas na senyales gaya ng pagiging malungkutin, kawalan ng interes sa daily activities, pagbabago sa pagtulog at pagkain at hirap makapag-concentrate ay importante.

Dagdag pa niya, ang depression and anxiety ay mga totoong medical conditions na nakaaapekto sa emosyon ng tao gayundin sa pisikal na kalusugan at cognitive functions.

Ani Rifareal, ang mga ganitong conditions ay may scientific bases at nagiging sanhi ng mga pagbabago sa brain chemistry ng isang tao.

Paliwanag niya, ang mental health issues ay hindi lang imahinasyon o drama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya dapat aniyang labanan ang stigma para hindi matakot ang isang dumaranas nito na mag-reach out at humingi ng professional help.

Read: Celebrities urge kindness amid rising mental health struggles

SOCIAL AND FAMILY SUPPORT ARE VITAL TO MENTAL HEALTH RECOVERY

Ipinaliwanag ni Rifareal na mahalaga ang papel ng social and family support sa mental health recovery.

Pinayuhan niya ang mga pamilyang panatilihing bukas ang komunikasyon at huwag maging judgmental sa pakikipag-usap sa mahal sa buhay o ibang tao man na posibleng dumaranas ng mental health.

"Dapat we normalize that na lagi tayong kumusta, we talk openly, kumusta ang araw.

“Hindi iyong, sometimes kasi nagkakasama sa dining table pero nagsi-cellphone lang, hindi nag-uusap.”

Read: Kristine Soguilon’s art exhibit for West Philippine Sea soldiers

BOOST YOUR NATURAL HAPPINESS HORMONES

Batay sa datos ng Philippine Psychiatric Association, ang mga edad 15 to 25 years ang mas nagsasalita o nagsasabi ng tungkol sa kanilang mental health concerns dahil mas malawak ang kanilang awareness at very open sa paghahanap ng professional help.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa PPA, ang self-care and community support sa pamamagitan ng positive coping activities gaya ng paglalakad, gardening, art, o pananatili sa labas ng bahay ay maliliit na hakbang para ma-boost ang natural happiness hormones.

Iparamdam din sa mga mahal sa buhay na connected pa rin sa isa’t isa anuman ang pinagdaraanan.

Para naman sa mga nawalan ng o hindi pa makawala sa lungkot dahil sa pagpanaw ng mahal sa buhay, sinabi ni Rifareal na, “… grieving is a process with no timeline and mere presence could comfort the grieving.”

To those who are seeking help and assistance, you may contact National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at mobile number 0966-351-4518.

Read: Tuesday Vargas opens up on battling suicidal thoughts

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi imahinasyon o drama ang mental health issues kaya huwag maging judgmental sa kapamilya o ibang tao na posibleng dumaranas nito.
PHOTO/S: Pexels
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results