Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) sa mga Katoliko at sa sambayanang Pilipino na makilahok sa ikalawang "Trillion Peso March" sa darating na November 30, 2025.
Ito ay upang marinig ng pamahalaan at ng buong bansa ang kagustuhan ng mga Pilipino na mapapanagot ang mga nasa likod ng maanomalyang flood control projects na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso.
Ang panawagan ay ibinahagi ng LAIKO sa official Facebook account nito last October 30.

Ang LAIKO ay isang umbrella organization ng lay Catholic groups sa Pilipinas na itinatag ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).
Ayon sa bahagi ng inilabas na panawagan ng LAIKO: "We invite all faithful citizens to join and cry out for justice, for change, and for true accountability.
“Let our voices rise above fear and apathy.
“Let our conscience awaken the nation.
“Let our faith move us to action."
Read: SSS pension loan now available for surviving spouse pensioners
TRILLION PESO MARCH THE BEST WAY TO DEMAND JUSTICE
Ayon pa rin sa LAIKO, ang "Trillion Peso March" ang pinakamagandang paraan para mag-demand ng hustisya sa pamamagitan ng mapayapang paghahayag ng “moral outrage and collective hope.
"The nation cries out for justice.
“Justice for lives lost.
“Justice for opportunities wasted.
“Justice for integrity and love of country betrayed."
Bilang bahagi ng Church Leaders Council for National Transformation, sinabi ng grupo na hindi ito titigil sa pagde-demand ng justice and accountability.
Bilyun-bilyong piso ang ninakaw ng mga sangkot sa anomalya, at dapat sana'y inilaan na lang sa mga proyektong magpoprotekta sa mga komunidad mula sa mga pagbaha.
Pero sa halip, ang pondo ay napunta lang sa mga bulsa ng mga ganid na pulitiko at contractors.
Read: Senators’ SALN Reveal: Who’s the Richest? Who’s the Poorest?
SECOND TRILLION PESO MARCH EXPECTED TO ATTRACT MORE PROTESTERS
Sinabi rin ng LAIKO na: "No one is above the law.
“Justice demands that the corrupt be exposed, investigated, and prosecuted without fear or favor.
"These ghost projects—unfinished, substandard, or entirely non-existent—represent not only stolen funds but stolen futures.”
Ang Trillion Peso March ay nangyari noong September 21.
Dinagsa ito ng napakaraming protesters at nilahukan ng mga kilalang personalidad sa entertainment industry na nagpakita ng disgusto sa malawakang corruption.
Nagkaroon ng mga sumunod na rally na ginaganap tuwing Biyernes simula noong October 10.
Ang Trillion Peso March sa November 30 ay inaasahang dadagsain muli ng mga nagpoprotesta lalo pa at walang nagiging linaw ang isinasagawang pagdinig sa isyu sa senado at ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Read: PNP needs 6,500 new recruits; applicants must be tech-savvy
