Maagang matatanggap ng government employees ang kanilang year-end bonus ngayong taon.
Bukod pa rito ang PHP5,000 cash gift.
Ito ang inianunsiyo ng Malacañang noong November 4, 2025.
Ini-release na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa mga nabanggit na incentives para mai-release na sa government employees ngayong buwan na ito.
Read: SSS pension loan now available for surviving spouse pensioners
WHEN WILL GOVERNMENT EMPLOYEES RECEIVE THE YEAR-END BONUS AND CASH GIFT?
Sa ginanap na press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro:
“Ang naturang hakbang ng DBM ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga lingkod-bayan at sa kanilang kabayanihan para sa bayan."

Kinumpirma naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na alinsunod sa Budget Circular No. 2024-3, ang release ay “with the first agency payroll of November 2025.”
Dugtong niya: “Pinapahalagahan po natin ang sipag at kahusayan ng ating mga lingkod-bayan.
“Kaya naman sinisiguro nating maibibigay sa tamang oras ang kanilang mga benepisyo.
"We know how much government personnel look forward to this time of the year—not just because it’s the season of giving, but because it’s a well-deserved recognition of their service and sacrifice.”
Read: Senators’ SALN Reveal: Who’s the Richest? Who’s the Poorest?
HOW MUCH IS THE YEAR-END BONUS AND WHO ARE QUALIFIED TO RECEIVE?
Sa fiscal year 2025, naglaan ang DBM ng PHP63.69 billion para sa year-end bonus ng civilian and uniformed personnel.
Ang karagdagang PHP9.24 billion ay para sa cash gift kung saan nasa mahigit 1.85 million government workers sa buong bansa ang mapagkakalooban.
Ang year-end bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay as of October 31.
Sa ilalim ng mga patakaran ng DBM, ang mga empleyadong nakapag-render ng “at least four months of service mula January 1, 2025, at nanatili sa government service hanggang October 31, 2025” ay qualified para matanggap ang mga naturang benepisyo.
Pinaalalahanan ng DBM ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tiyaking mai-release agad ang year-end bonus at cash gift sang-ayon sa existing budget circulars.
Read: PNP needs 6,500 new recruits; applicants must be tech-savvy
