PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips: How to handle swollen phone battery

Know the risks.
by KC Cordero
Published Nov 14, 2025
Bulging phone battery
Kapag napansin ninyong namamaga o nakaumbok na ang battery ng inyong smartphone, hindi ito dapat balewalain dahil delikado ito. (Photo: Pexels)

Magugulat ka na lang isang araw at mapapansin mong namamaga ang battery ng iyong smartphone at nakaumbok ang back cover.

At kahit anong pilit mong i-flatten, ayaw na.

Ang ganitong kondisyon ng phone battery ay sign na may depekto na ito.

At hindi ito dapat balewalain.

Swollen phone battery
Kapag namaga na ang smartphone battery, huwag balewalain. Photo: @easyfixng on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang swollen battery ay maaaring mag-leak, masunog, o kaya ay sumabog kapag napabayaan, ayon sa tech site na iFixit sa post nito last October 14, 2025.

Importanteng malaman kung ano ang dahilan ng pamamaga ng phone battery at kung anu-anong mga dapat at hindi dapat gawin para maiwasan ito.

Read: Phone case feels like human skin; gets sunburned in sunlight

WHAT ARE THE COMMON CAUSES OF SWOLLEN PHONE BATTERY

Naririto ang iba’t ibang factors kung bakit namamaga ang phone battery, ayon sa post ng honor.com last September 9, 2025.

  1. Heat and overcharging: Kapag laging naiiwan ang smartphone sa mainit na lugar o napapasobra ang charging kahit 100 percent na ay nagkakaroon ng overheating. Dahil dito, bumibilis ang chemical breakdown sa loob ng battery at lumilikha ng gases na dahilan ng swelling.
  2. Deep discharge: Kapag madalas maubusan ng battery ang smartphone, nai-stress ang internal chemistry nito. Kalaunan, nagkakaroon ng gas build-up and swelling.
  3. Manufacturing defects: May rare cases na sadyang may depekto ang battery, gaya ng manipis na separators o kaya ay tiny debris sa loob ng battery na pinagmumulan ng internal short circuits, kaya umiinit o namamaga ito.
  4. Physical damage: Kung madalas mabagsak, maipit o mapatungan ng mabigat, nagkakaroon ng dent sa battery o damage sa protective layers nito na nagiging cause ng pamamaga.
  5. Age and wear: Sadyang humihina ang pisikal na kapasidad ng battery tuwing tsina-charge ito. Ang lumang battery ay maaaring magkaroon ng leak o maka-trap ng gases sa halip na mailabas ang mga iyon—na nagiging dahilan para ito lumobo.
  6. Cheap chargers or replacement batteries: Ang low-quality charging accessories o mumurahing batteries ay kalimitang kulang sa proper safety features. Dahil dito, mas lumalaki ang risk ng overcharging o overheating.
  7. Extreme temperatures or humidity: Ang mabilis na pagpapalit-palit ng temperatura at exposure sa moisture ay nagpapahina sa seal ng battery. Nagiging dahilan ito para magkaroon ng internal reactions at mag-expand.
  8. Accidental wetting of smartphone: Kapag nabasa ang smartphone, kahit anong claim ng manufacturer na selyado ito, makalulusot pa rin ang tubig. Kapag nabasa ang internal parts kasama ang battery, pagmumulan na ito ng pamamaga kung hindi agad mapapatuyo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Why use headphones on public transport?

RISKS OF SWOLLEN PHONE BATTERIES

Ang swelling cell phone battery ay hindi lang masama para sa inyong unit. Pinagmumulan ito ng serious risk. Naririto ang mga dahilan kung bakit hindi ito dapat balewalain, ayon pa rin sa honor.com.

  1. Fire and explosion: Ang build-up ng gas ay nagdadagdag ng internal pressure. Sa extreme cases, ang casing ay masisira, ma-i-ignite ang electrolyte, at maaaring pagmulan ng sunog.
  2. Chemical leakage: Kapag namaga ang battery, nasisira ang pinaka-pouch nito. Sisingaw ang toxic fumes, gayundin ang corrosive and flammable electrolyte. Sinisira nito ang internal circuitry ng phone bukod pa sa nakakairita sa balat at nakakaapekto sa lungs.
  3. Screen and case damage: Kapag may extra pressure mula sa swollen battery, nabe-bend ang screens, nagkakaroon ng awang ang cases, at nasisira ang connectors. Mas madali na ring pasukin ng tubig at iba pang likido ang smartphone.
  4. Data loss: Ang biglaang battery failure ay magsa-shutdown sa smartphone nang walang warning. Ang anumang data na hindi na-save gaya ng photos and videos ay posibleng mawala.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Student chronicles 134 days of travel without gadgets

HOW TO HANDLE A SWOLLEN PHONE BATTERY

Kung napansin ninyong umumbok na ang battery ng inyong smartphone, paalala ng website ng after-sales technical support na Carlcare, huwag nang gamitin pa ito.

Ayon sa post nito last November 17, 2024.

I-shut down na agad ang unit.

Hindi dapat ito panghihinayangan dahil isang malaking risk kung patuloy itong gagamitin,

Huwag nang tatangkaing i-recharge kahit pa sa power bank.

Battery replacement
Papalitan ang battery sa qualified technicial gamit ang legit replacement mula sa original manufacturer. Photo: Pexels
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung ang battery ay user-replaceable, papalitan ito sa qualified technician. Siguraduhing ang ipapalit na battery unit ay same model mula sa same manufacturer.

Kapag under warranty pa ang smartphone, dalhin sa authorized service center.

Read: VIRAL: Batang mas mahilig sa books kaysa smartphone

HOW TO DISPOSE OF A SWOLLEN PHONE BATTERY

Kapag idi-dispose na ang swollen battery, paalala ng TechRadar sa October 10, 2024 post nito, huwag basta-basta itatapon ang baterya sa basurahan. Maaari itong pagmulan ng sunog.

Lagyan muna ng tape ang terminals o charging port at saka balutin ng clear plastic bag. Ito ay para hindi magkaroon ng short circuits.

Ilagay sa latang may buhangin kapag idinispatsa at takpan. Ito ay para mahiwalay ang unit sa iba pang basura at maiwasan ang accidental sparks.

Read: Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution

TIPS TO PREVENT PHONE BATTERY FROM SWELLING

Narito naman ang mga dapat tandaan para maiwasan ang damage sa battery ng smartphone mula sa October 28, 2025 post ng Eskimo eSim:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

I-recharge ang smartphone kapag nasa 20 percent na lang ang battery power.

Tanggalin naman sa pagtsa-charge pag nasa 80 percent na.

Ang matagal na charging ay may epekto sa electrodes na nagreresulta sa pagkakaroon ng gas-forming reactions sa loob ng battery.

Iwasang maiwan ang smartphone sa maiinit na lugar, lalo na sa sasakyan. Kapag naarawan ito, baka hindi lamang pamamaga ang abutin, posible ring sumabog.

Charging smartphone

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Para manatiling safe ang phone battery, huwag i-drain at i-full charge ang battery. Photo: Pexels

Ideally, gamitin ang original chargers and cables na kasama ng smartphone.

Ang risk sa mumurahing charging accessories ay posibleng mas mataas ang boltahe nila na nakasisira sa mga circuits.

Dapat na may maayos na daloy ng hangin o bentilasyon ang smartphone kapag ginagamit sa heavy gaming. Ang heat build-up ang numero unong sanhi ng pamamaga ng battery.

Laging i-update ang software ng smartphone. Ang firmware updates ay kadalasang nagre-refine sa charge cut-offs and thermal limits para proteksiyunan ang battery.

Kapag mabilis nang ma-low batt o maubusan ng charge makalipas ang dalawa hanggang tatlong taon, bumili na ng bagong battery.

Iwasang mabagsak ang smartphone para hindi maalog ang internal parts kasama ang battery,

Iwasang mabasa. Kapag nag-moist ang loob ng smartphone, pinagmumulan ito ng corrosion na malaki ang nagiging epekto para mabilis na mag-fail ang battery.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 11-year-old kid tells dad who declines buying her iPhone 15 Pro Max: "You’re ruining my life!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapag napansin ninyong namamaga o nakaumbok na ang battery ng inyong smartphone, hindi ito dapat balewalain dahil delikado ito. (Photo: Pexels)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results