PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DSWD condemns cash aid "cut" by Iloilo barangay officials

Deducts PHP8K from PHP10K cash aid.
by KC Cordero
Published Nov 13, 2025
Man counting money
Otso mil ang diumano'y kinaltas ng mga barangay officials sa PHP10K cash aid ng DSWD sa mga benepisyaryo. (Photo: DSWD)

Iniimbestigahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga ulat na ilang opisyal ng Barangay Quintin Salas sa Jaro, Iloilo City, ang diumano’y kumuha ng cut sa cash assistance na ipinamamahagi sa mga residente.

DSWD's announcement of the incident
Ang announcement ng DSWD tungkol sa insidente ng diumano'y pagkaltas ng barangay officials sa ayuda para sa mga biktima ng bagyo. Photo: DSWD Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tulong pinansyal ay mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng ahensiya.

Iniulat ito ng DSWD sa official Facebook page nito last November 12, 2025.

Read: GSIS gives 3-month loan payment break for typhoon-hit borrowers

DSWD SAYS BENEFICIARIES SHOULD NOT BE DEPRIVED OF FULL ASSISTANCE

Sa inilabas na pahayag ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao tungkol sa insidente, sinabi niyang: “The department strongly condemns this kind of act which directly deprives beneficiaries of the full assistance intended for them.

“Ang ayuda para sa mga nangangailangan ay dapat buo nilang makukuha at hindi puwedeng bawiin o bawasan.

“We will immediately conduct an investigation to verify these reports and ensure that those responsible are held accountable in accordance with the law.”

Read: DSWD to social-media users: Don’t use disabilities as content

BARANGAY OFFICIALS DEDUCT PHP8K FROM PHP10K CASH ASSISTANCE?

Sa salaysay sa DSWD ng ilang benepisyaryo, sinabi ng mga itong may ilang barangay officials at barangay tanod na kinaltasan ng PHP8,000 ang PHP10,000 cash assistance na ipinagkaloob sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, PHP2,000 na lang ang natanggap nila.

Naganap ang insidente noong November 11 sa isinagawang cash payout activity ng DSWD para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa Iloilo City.

Bukod sa mga residente ng Barangay Quintin Salas, kinaltasan din umano ng kanilang barangay officials ang mga taga-Barangay Lanit.

Ang claim ng mga nagreklamo, nagpunta sa kani-kanilang mga bahay ang mismong mga opisyal ng barangay para kumolekta ng cut mula sa AICS financial aid na ipinamahagi ng DSWD.

Ayon sa mga benepisyaryo, wala silang nagawa kundi ibigay ang bahagi ng kanilang natanggap na cash assistance kapag kinolektahan ng barangay officials.

Wala naman umanong maisagot ang mga opisyal kapag tinatanong ng mga benepisyaryo kung saan gagamitin ang kinaltas sa kanilang natanggap na ayuda.

Read: Catholic group to Filipinos: Join second Trillion Peso March

DSWD URGES BENEFICIARIES TO REPORT SIMILAR INCIDENTS

Pinaalalahanan ng Field Office 6 ng DSWD sa Western Visayas ang mga benepisyaryo na manatiling mapagmatyag sa mga individual o grupong magtatangkang mag-solicit o magkaltas sa kanilang AICS cash aid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Binigyang-diin ng ahensiya na tanging ang qualified individuals na nahaharap sa krisis ang entitled na makatanggap ng ganitong ayuda.

Ang AICS beneficiaries na magkakaroon ng katulad na karanasan ay hinihikayat na agad masumbong sa pinakamalapit na DSWD office.

Agad ding ipagbigay-alam ang ganitong insidente sa DSWD staff na nasa area para maimbestigahan.

Read: Ricky Lee Scriptwriting Workshop now accepting applicants

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Otso mil ang diumano'y kinaltas ng mga barangay officials sa PHP10K cash aid ng DSWD sa mga benepisyaryo. (Photo: DSWD)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results