Binuksan na ng Marikina City sa publiko noong November 17, 2025, ang taunang Christmas Shoe Bazaar.
Ito ay upang mabigyan ang shoppers ng pagkakataong makapamili ng high-quality and affordable shoes, bags, and leather goods ngayong Holiday Season.
Inianunsiyo ito ng official Facebook page ng Marikina PIO last November 14.

Ayon sa post: “Muling magbubukas ang Marikina Christmas Shoe Bazaar—isang tradisyon ng galing at pagkamalikhain.
“Tampok ang handcrafted shoes at lokal na produktong likha ng ating masisipag na shoemakers.
“Sa bawat pagbisita at pagbili, sumusuporta tayo sa kabuhayan ng mga pamilyang taga-Marikina.”
Read: TikTok Shop sellers to be charged PHP5 order processing fee
LOCATION AND SCHEDULE OF MARIKINA CHRISTMAS SHOE BAZAAR
Ang Christmas Shoe Bazaar sa Marikina City ay ginaganap sa Marikina Freedom Park.
Magtatagal ito hanggang January 4, 2026.
Bukas ang mga stall mula 8:30 A.M.–7:00 P.M. tuwing Lunes hanggang Huwebes.
Mula 8:30 A.M.–8:00 P.M. naman kapag Biyernes hanggang Linggo.
Read: 14 lechon stores in La Loma closed due to African swine fever
CHRISTMAS SHOE BAZAAR AN OPPORTUNITY FOR MARIKINA SHOEMAKERS
Bukod sa high-quality gift items na mabibili sa Christmas Shoe Bazaar, inorganisa ito ng Philippine Footwear Federation Inc. para maiangat ang kabuhayan ng local shoemakers and leather goods manufacturers.
Ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro: "Ito pong bazaar na ito ay taun-taon nating ginagawa.
"Alam ko pong malaking bagay po ito, lalo na itong Kapaskuhan para mas kumita po ang ating mga magsasapatos, at ang ating leather manufacturers.
“Kung kaya po naming i-extend, mas maganda. Pero talagang hanggang January 4 po narito po kami para sumuporta sa inyo.”
Malaking bagay rin aniya ito sa consumers dahil nakatitiyak ang mga ito sa kalidad ng produktong bibilhin.
Sinabi rin niyang simple lang ang annual bazaar pero makahulugan ito dahil sa maraming sapatero ang umaasang madaragdagan ang kita sa year-end sales—lalo pa at sa panahong ito nakatatanggap ng bonus ang mga mamimili.
