Itinayo ng Department of Science and Technology’s Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) ang kauna-unahang bamboo waiting shed sa Pilipinas sa Laoag City, Ilocos Norte.
Ibinahagi ito ng DOST-FPRDI sa official Facebook page nito last November 19, 2025.
Ang pinakaunang bamboo waiting shed ay nasa harapan ng Laoag Central Elementary School.

Sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na ang bamboo waiting shed ay isang simbolo ng pagiging matatag ng mga komunidad laban sa mga kalamidad na dumarating sa ating bansa.
“Bamboo is a perfect example of the future we want to build—sustainable.
“It is fast-growing, renewable, and deeply rooted in our culture.”
Read: DSWD to parents: Apply early for minors’ travel clearance
THE ANATOMY OF BAMBOO WAITING SHED
Ipinaliwanag ni DOST-FPRDI director at isang eksperto pagdating sa kawayan na si Rico Cabangon na ang bamboo waiting shed ay na-develop sa pamamagitan ng paggamit ng octagonal bamboo jointing system na yari sa steel.

Kaya nito ang hanggang 1.7 toneladang bigat.
Ang ginamit namang bamboo ay ang variety na tinatawag na Kawayan Tinik.

Ang istruktura ay may solar-powered lights at mayroon ding charging station.
May roofing system din ito para maprotektahan ang kabuuan mula sa init at ulan.

Nagkakahalaga ng PHP150,000 ang pagpapatayo ng isang bamboo waiting shed.
Kaya nitong tumagal nang 10 hanggang 15 taon.
Ayon kay Cabangon, mas tatagal ang bamboo waiting shed kung maayos ang maintenance dito.
Hindi rin aniya ito basta kanlungan lang.
“It’s a living demonstration of how science, art, and sustainability can come together to create practical and appealing public infrastructure.”
Read: BPI cash withdrawals now available at Robinsons cashiers
LAOAG CITY LGU TO PUBLIC: REFRAIN FROM VANDALIZING THE BAMBOO WAITING SHED
Ang pinakaunang bamboo waiting shed ay isang partnership sa pagitan ng DOST-FPRDI, Kawayan Collective, DOST-PCAARRD at ng Local Government Unit ng Laoag City.
Sinabi ni Laoag City Mayor James Bryan Alcid na ang kanilang LGU ang mamamahala sa maintenance ng bamboo waiting shed.
Nakiusap naman siya sa mga gagamit nito na huwag balahurain o sirain para maayos at matagal na mapapakinabangan ng publiko.
