Isa ang malunggay sa pinakamasustansiyang gulay.
Tinagurian itong "miracle tree" dahil sagana sa nutritional value and potential health benefits.
Madalas itong isangkap sa pagluluto ng iba’t ibang putahe.

Kung mahilig kayo sa pagluluto ng mga pagkaing kailangan ng malunggay, mas mainam na magtanim nito.
May mga pagkakataon din kasing walang mabili sa pinakamalapit na palengke.
Kaya kung wala kayong garden o espasyo, puwedeng itanim ang malunggay sa mga lumang balde o container.
Read: Nutritionist reveals truth about white, brown, specialty eggs
WHERE TO PLANT THE MALUNGGAY
Maghanda ng container. Kahit luma basta maayos pa, puwede na.
Mas maganda ang mga pinaglagyan ng pintura dahil siguradong matibay.
Paalala ng Canaan Fertilizer sa Facebook post nito last November 13, 2025, dapat ay nasa 16 liters ang capacity ng container.

Mas malaki pa rito, mas maganda dahil mas maraming lupa ang mailalagay.
Butasan ang container sa ilalim para may daluyan ang tubig.
Lagyan ng lupa.
Huwag maghahalo ng mga materyales na pampabuhaghag kagaya ng ipa ng palay at cocopeat.
Kapag kasi buhaghag ang lupa, madaling magalaw ang sanga ng malunggay dahil mahina ang kapit at hindi na ito magtutuloy sa pag-ugat.
May mga nagtatanim din nito sa paso at iba pang nabibiling pot, pero nabibiyak ang mga ito kapag marami na ang ugat ng malunggay kaya mas praktikal ang container na hindi na ginagamit.
Read: Dinorado wins silver in World’s Best Rice 2025 Awards
HOW TO PLANT MALUNGGAY TREE IN A CONTAINER
Magputol ng sanga ng malunggay.
Gawin ito sa umaga dahil sa ganitong mga oras ay mataas ang water content ng puno, at hindi basta matutuyo kapag itinanim na sa container.
Dapat ay healthy ang sanga na at least one inch thick and three feet long ayon sa artikulong nalathala sa website na The Spruce last June 23, 2024.

Tanggalin ang mga dahon.
Ang dulong bahagi ng pinutol na malunggay ay dapat patulis.
Ito ay para kahit mabasa o umulan ay hindi magpe-penetrate ang tubig sa loob nito at maiiwasan ang pagkabulok.
Ibaon sa lupang nasa container ang one-third ng sangay ng malunggay.
Basain nang bahagya ang lupa.
Matapos maitanim sa container ang katawan ng malunggay, ilagay muna pansamantala sa malilim na lugar hangga’t hindi pa nagkakaroon ng mga maliliit na dahon.
Kapag may umusbong ng mga dahon, puwede nang ilagay sa maaraw na lugar.
Read: TIPS: How to boil corn the right way
How to Properly Care for a Malunggay Tree in a Container
Diligan lang ang malunggay tree sa container kapag tuyo na ang lupa. Kapag medyo basa pa, huwag muna.
Drought resistant kasi ito at hindi kailangan ang araw-araw na pagdidilig.

Regular ding lagyan ito ng Fermented Plant Juice (FPJ) para hindi manilaw ang mga dahon at maglagas.
Ang FPJ ay natural, liquid fertilizer and growth stimulant.
Ginagawa ito sa pamamagitan ng fermentation ng katas at dahon ng anumang sariwang halaman at brown sugar.
Pinabibilis ng FPJ ang paglago ng mga gulay, pinalalakas ang mga ugat nito, at pinasisigla ang lupang pinagtataniman.
Kung hindi kayang gumawa ng FPJ, maaari rin ang mga tirang prutas gaya ng saging at mangga.
Puwede rin ang pinaghugasan ng bigas.
Kailangan ng malunggay tree sa container ng FPJ dahil kokonti ang lupa nito kumpara sa nakatanim sa mas malawak na area.
Read: What makes this longganisa from Sampaloc, Quezon one of a kind?
TRIM ROOTS OF MALUNGGAY TREE IN CONTAINER AFTER 8 MONTHS
Magbawas ng ugat ng malunggay tree sa container pagkalipas ng walong buwan. Hangga’t maaari ay huwag lalampas sa isang taon.
Importante ito dahil mapupuno ang container ng ugat at hindi iyon maganda para sa puno.
Gawin lang ang pagbabawas ng ugat kapag tuyung-tuyo ang lupa sa container.
Bawasan ang mga ugat paikot at magtira lamang ng isang dangkal.
Ibalik ang malunggay tree pagkatapos ma-trim ang ugat at lagyan uli ng bagong lupa.
Kapag naman malaki na ang puno, maaaring kumuha rito ng panibagong sanga na pantanim.
