Valid pa ba ang passport na inamag na ang mga pahina?
Karanasan ito ng isang passport holder na may scheduled trip to Thailand.
At isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nagbigay-linaw kung valid pa ba ang passport na may molds.
Noong October 2025, ipinost sa TikTok ng content creator na si Wandizza Hermosura ang video ng pasaporte na inamag.
Walang damage ang labas nito, subalit pagbukas ay makikitang nangitim ang ilang pahina nito dahil sa amag.
“Pinahanap ko po sa kapatid ko yung passport ko. Nakita po namin sa maleta,” lahad ni Wandizza sa recent "Kuya Kim, Ano Na?" segment ng 24 Oras ng GMA News.
“Pagka-open po, nakita niya po malamig ‘tapos ang daming amag.
“Siguro po nanggaling yung amag... kasi na-stuck po siya sa maleta 'tapos nasa isang storage room lang siya. So yung humid siguro, hindi siya naging okay.”
Nag-research daw siya kung paano matanggal ang amag.
Pinunasan niya ito ng clean cloth.
Bagama’t nabasawan ang amag, may ibang pahina raw na hindi na matanggal at nangitim na ang mga pahina.
Ang tanong: valid pa ba ang passport kapag ganito ang kondisyon?

Read: Married women can revert to their maiden names. Here’s how—DFA
DFA SHEDS LIGHT ON THE ISSUE
Sad to say pero hindi na ito valid, sabi ng DFA officer.
“Ayon sa Implementing Rules and Regulations ng New Passport Law of 2024, ang isang damaged travel document ay isang travel document na nabago ang kanyang pisikal na anyo o estado dahil sa regular wear and tear, negligence, defacement, at other circumstances,” ani Atty. Laser Blitz B. Sumagaysay, DFA acting passport director.
“Sa case ng mold damage, puwede po itong makonsidera as mutilated or damaged,” dagdag ni Sumagaysay.
Sa ganitong sitwasyon, ang pagre-renew ng passport ang inirerekomendang solusyon ng DFA.
Dadaan daw sa usual appointment process at ang idadagdag sa requirements ay ang affidavit of mutilation.
Ang sabi ni Wandizza, nag-apply siya ng passport renewal kasama ang affidavit of mutilation.
Pina-rush niya ito at nakuha naman niya ang bagong passport sa loob ng limang araw.
Sa DFA website, nakasaad rito na kapag damaged ang passport, Notarized Affidavit of Mutilation ang kailangang isumite kasama ng iba pang passport application requirements.
May tip na ibinigay si Sumagaysay upang maingatan ang pasaporte mula sa pagkasira, tulad ng pagkabasa o amag.
Aniya, “Ilagay lang po yung passport sa Ziplock at yung iba po, puwede na rin pong lagyan ng silica gel para di po mag-accumulate yung moisture.”
Read: Southeast Asian country tops World’s Most Powerful Passport list for 2023
is your PASSPORT IS MUTILATED, damaged?
Dati nang naglabas ang DFA ng listahan ng mga kondisyon para makunsiderang ang pasaporte ay “mutilated.”
Narito ang listahan:
- May pahina ng pasaporte na natanggal
- Naalis ang hard cover ng pasaporte mula sa passport booklet
- Naalis ang tahi ng passport booklet
- Nabasa o nalublob sa tubig ang pasaporte
- Kumalat ang tinta ng mga visa at sulat ng pasaporte
- Hindi mabasa ang passport data page o may naalis na impormasyon mula rito
- Ang passport chip ay may sira o kaya’y hindi na mabasa
- Ang litrato sa data page ay hindi na makita, nakalikot o kaduda-duda ang kalidad
Kapag alinman sa mga sumusunod ang kondisyon ng iyong passport, inirerekomenda ng DFA ang pagbu-book ng appointment para sa passport renewal.

