PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DOTr bars e-bikes, e-trikes from main roads starting December

Automatic impound for violators.
by KC Cordero
Published Nov 28, 2025
E-Trike
Simula December 1, ang e-bikes at e-trikes ay sa mga barangay at subdibisyon na lang papayagan, pero bawal na sa main thoroughfares. (Photo: MotoPinas)

Ang mga sasakyang gaya ng electric bicycles (e-bikes) at electric tricycles (e-trikes) ay hindi na papayagan sa major roads simula December 1, 2025.

Ito ang inihayag ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) noong November 27, 2025 sa ginanap na 2026 budget deliberation ng ahensiya sa Senado.

E-trikes in Manila
Bawal na ang e-bikes at e-trikes sa malalaking lansangan. Photo: PNA
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Senator JV Ejercito, ang sponsor para sa 2026 budget ng DOTr, si Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Markus Lacanilao mismo ang nag-commit sa ipatutupad na kautusan.

Ani Ejercito, “Huhulihin na po lahat ng e-trikes na nasa kalye.”

Read: Loren Legarda’s son is new owner of iconic Solidaridad Bookshop

E-BIKES, E-TRIKES LACK REQUIREMENTS

Ang kautusan na ipagbawal ang e-vehicles sa major roads ay suportado rin ni Sen. Raffy Tulfo.

Binanggit niyang ang traditional tricycle drivers ay nagko-comply sa franchise, registration, licensing, insurance, and membership requirements.

Samantala, ang e-bikes at e-trikes operators ay hindi dumaraan sa ganitong mga proseso, pero gumagamit din naman ang katulad na mga lansangan.

Paalala ni Tulfo: “Ayan, mga e-bikes, e-trikes, December 1, huwag na muna kayong mamasada.”

Idinagdag din niya kapag ang e-vehicles ay nasangkot sa road accidents o kaya’y lumabag sa traffic rules, nahihirapan ang mga awtoridad na bigyan ang mga ito ng citations dahil nga walang prangkisa at rehistro, bukod pa sa walang lisensiya ang nagmamaneho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw ni Tulfo na hindi siya tutol sa paggamit ng e-bikes o e-trikes, pero kailangang restricted lang sa mga ligtas na lugar.

“Siguro sa loob ng mga subdivision, why not?

“Pero once na humalo ka na sa regular traffic, huwag na silang pumunta dun.”

Sinang-ayunan ito ni Ejercito.

Puwede aniya ang e-bikes at e-trikes sa mga barangay at subdibisyon, pero bawal sa main thoroughfares.

Read: Taguig City opens TLC People's Park in time for Christmas season

AUTOMATIC IMPOUNDING FOR E-BIKES, E TRIKES INVOLVED IN ACCIDENTS

Sa deliberasyon ay tiniyak ng LTO sa mga senador na ang anumang e-bike or e-trike na masasangkot sa mga aksidente ay awtomatikong mai-impound.

Iminungkahi ni Tulfo sa LTO na agad ipagbigay-alam ito sa local government units sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government para maiwasan ang kalituhan ng riders.

Inatasan ni Ejercito si Transportation Secretary Giovanni Lopez at LTO officials na agad nang makipag-ugnayan ngayong November 28 sa DILG.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat din aniyang magsagawa ang LTO at DOTr ng mas masusing pag-aaral at public consultation tungkol sa pagpaparehistro at safety ng e-bikes at e-trikes para makabuo ng long-term regulations.

Read: First-ever bamboo waiting shed installed in Laoag City

MAIN ROADS THAT BAR E-BIKES, E-TRIKES

Naglabas naman ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng listahan ng main roads na bawal ang e-bikes at e-trikes para maabisuhan ang riders.

Naririto ang listahan:

Recto Ave (C1)

  • Quirino Avenue (C2)
  • Araneta Avenue (C3) • EDSA (C4)
  • Katipunan/C.P. Garcia (C5)
  • C6
  • Roxas Boulevard (R1)
  • Taft Avenue (R2)
  • SLEX/Osmeña (R3)
  • Shaw (R4)
  • Ortigas (R5)
  • Magsaysay/Aurora (R6)
  • Quezon Avenue/Commonwealth (R7)
  • A. Bonifacio (R8)
  • Rizal Avenue (R9)
  • Del Pan/Marcos/McArthur (R10)
  • Elliptical Road
  • Mindanao Avenue
  • Marcos Highway
  • Boni Avenue
  • España Boulevard

Read: Magnanakaw, caught in the act, nagmano sa lolang biktima

E-BIKES, E-TRIKES OWNERS WILLING TO FOLLOW LTO’S ORDER

Ang isyu sa e-bikes at e-trikes ay nag-ugat nang mapuna ng iba’t ibang media outlets na dumarami ang bumibiyahe nito sa mga lansangan Metro Manila, partikular sa Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kasi sa mas mura kumpara sa motorsiklo at traysikel, matipid din dahil itsina-charge lang sa kuryente.

Pero maraming sektor ang naghayag ng pangamba dahil marami sa nagmamaneho ay hindi lisensiyado kaya takaw-aksidente at delikado sa mga pasahero at iba pang road users.

Napag-alamang karamihan sa mga ito ay ginagamit na service ng mga estudyante para makatipid ang kanilang parents.

Ang hatid-sundo kasi sa estudyante sa tradisyunal na traysikel ay nasa PHP200.

Malaki nga namang katipiran kung may sariling e-bike o kaya’y e-trike.

Ang iba naman ay ginagamit sa negosyo, halimbawa ay kung mamimili sa malls at malalaking palengke.

Mayroon ding ipinapasada para kumita.

Sa panayam ng iba’t ibang media outlets sa mga indibidwal na maaapektuhan ng kautusan ng LTO, sinabi ng mga itong handa sila sa ipatutupad na regulasyon ng ahensiya.

Willing din silang iparehistro ang e-bike o e-trike, at kumuha ng driver’s license kung ito ang magiging patakaran ng LTO sa hinaharap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: BPI cash withdrawals now available at Robinsons cashiers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula December 1, ang e-bikes at e-trikes ay sa mga barangay at subdibisyon na lang papayagan, pero bawal na sa main thoroughfares. (Photo: MotoPinas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results