PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LTO resets banning of e-bikes, e-trikes on major roads to Jan. 2

But will start reminding riders of the plan
by KC Cordero
Published Dec 1, 2025
E-trikes on the road
May isang buwan pa ang e-bikes and e-trikes riders bago sila tuluyang pagbawalang makagamit ng major roads. (Photo: MotoPinas Facebook)

Binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang nauna nitong plano na impounding ng e-bikes at e-trikes na gagamit ng major roads simula December 1, 2025.

Dumagsa kasi ang reklamo ng publiko kaya minabuti ng ahensiya na planuhin munang mabuti ang magiging implementasyon ng naturang mandate.

Old man driving an e-trikes
Sa January 2, 2026 na sisimulan ng LTO ang panghuhuli sa e-bikes at e-trikes na dadaan sa major roads. Photo: MotoPinas FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang video statement na inilabas ni LTO chief Markus Lacanilao last November 30, sinabi niyang ang pagpapatupad ng kautusan ay inilipat sa January 2, 2026.

Ito ay para mabigyan ng isang buwang palugit ang mga gumagamit ng e-bikes at e-trikes.

Magkaroon din aniya ang ahensiya ng sapat na panahon para ma-clarify ang rules.

Ani Lacanilao: “There will be no impounding operation for the time being while we implement a comprehensive information drive.”

Read: Taguig City opens TLC People's Park in time for Christmas season

LTO TO RELEASE UPDATED GUIDELINES

Maglalabas ang LTO ng updated guidelines para malinaw na madetermina kung aling Light Electric Vehicles (LEVs) ang papayagan at kung alin ang hindi.

Magtatalaga rin ang ahensiya ng enforcers sa major roads simula ngayong December 1.

Hindi pa huhulihin ng LTO enforcers ang LEV riders sa ngayon, pero tuturuan ang mga ito kung ano ang puwede at hindi nila puwedeng gawin kapag bumibiyahe.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: First-ever bamboo waiting shed installed in Laoag City

LTO TO STRICTLY IMPLEMENT IMPOUNDING COME JANUARY 2

Tiniyak naman ni Lacanilao na pagsapit ng January 2 ay mahigpit nang ipatutupad ang impounding ng e-bikes at e-trikes na lalabag sa kautusan.

“Ultimately, the LTO has only one goal—not to inconvenience the public, but to ensure that our roads are safe including users of e-bikes, e-trikes, and other LEVs.”

Nauna nang sinabi ng ahensiya na ang pagbabawal sa LEVs sa national highways ay bunsod ng pagdami ng aksidente sa mga daan na kinasasangkutan ng e-bikes at e-trikes.

Read: BPI cash withdrawals now available at Robinsons cashiers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May isang buwan pa ang e-bikes and e-trikes riders bago sila tuluyang pagbawalang makagamit ng major roads. (Photo: MotoPinas Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results