PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DA: Onion prices must be kept under PHP 120 per kilo

This applies to both red and white onions.
by KC Cordero
Published Dec 1, 2025
Consumers buying oinons
Magpapatupad ang Department of Agriculture ng PHP120-per-kilo maximum suggested retail price sa pula at puting sibuyas para maiwasan ang hindi resonableng pagtaas ng presyo ngayong Kapaskuhan. (Photos: Colinas Verdes Marketplace FB, Rhea Elcano FB)

Ipapatupad ng Department of Agriculture (DA) ang PHP120-per-kilo maximum suggested retail price sa red and white onions simula ngayong December 1, 2025.

Inihayag ito ng DA sa official website at official Facebook account nito last November 30.

DA's advisory
Ang announcement ng DA sa ipatutupad na PHP120-per-kilo maximum suggested retail price sa pula at puting sibuyas. Photo: DA Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng onions sa harap ng lumalaking demand nito ngayong papalapit na ang Christmas season.

Read: Tips: How to plant malunggay tree in a container

DA SAYS PRICE CAP DESIGNED TO AVOID UNREASONABLE PROFITEERING

Sinabi ng mga opisyal ng DA na ang price cap ay nakadisenyo para maibalik ang kaayusan sa presyo ng onions sa merkado.

Sumobra na kasi ang taas ng presyo at hindi na makatwiran bunsod ng mababang supply at pagsasamantala ng mga negosyante.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., ang pagkaantala ng pagdating ng mga imported na sibuyas ay bahagyang nakakabawas sa supply sa merkado—pero hindi ito sapat na dahilan para tumaas ang presyo nang mahigit pa sa doble ng normal levels.

Pagbibigay-diin ng kalihim, “There may be some tightness in supply, but that’s no excuse for runaway prices.

“At current market levels, it already smacks of profiteering.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Marikina City opens annual Christmas Shoe Bazaar

DA SAYS PHP120/KILO MSRP OF ONIONS REASONABLE MARGINS FOR THE SUPPLY CHAIN

Sa isinagawang monitoring sa presyo ng onions ng Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS), nabunyag ang “extreme” na pagtaas ng presyo nito sa PHP300 per kilo,

Halos triple na ito sa pinaniniwalaan ng DA officials na fair market price.

Ipinaliwanag ni Tiu Laurel na ang imported onions kapag binili sa ibang bansa ay nakagagastos ang importers ng PHP60 per kilo.

Aniya, ang PHP120 ceiling ay reasonable margins para sa supply chain.

“At PHP120, everyone—from importers to logistics providers to retailers—still earns a decent profit.”

Read: TikTok Shop sellers to be charged PHP5 order processing fee

ONION SELLERS PROPOSE CONDITIONS TO DA BEFORE IMPLEMENTATION OF PRICE CAP

Ikinukonsidera naman ng onion retailers ang panukalang price cap sa onions sa ginanap na konsultasyon sa mga miyembro nito.

Ayon kay AMAS Director Junibert E. De Sagun, ang pangunahing kondisyon na inilatag ng onion retailers ay mai-deliver sa mga ito ang supply sa halagang PHP90 per kilo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiniling din ng mga itong ipatupad lang ang price cap kapag may dumating na bagong shipments para maiwasan ang pagsisingit nito sa imbentaryo ng onions na nabili nila sa mas mataas na halaga.

Nag-commit na ang Food Terminal Inc. na mag-supply ng imported onions sa halagang PHP90 per kilo on a cash-on-delivery basis.

Darating ang shipments sa loob ng dalawang linggo kaya inaasahan nilang maipatutupad ng DA ang price cap ngayong December.

Read: Dinorado wins silver in World’s Best Rice 2025 Awards

DA CONSIDERS OTHER STAKEHOLDERS CONCERNS

Iminungkahi naman ng iba pang stakeholders gaya ng onion growers and traders ang mas mahigpit na monitoring ng import volumes and arrival schedules para maiwasan ang pagmamanipula sa presyo ng sibuyas sa merkado.

Paraan din ito anila para matiyak na ang local onion farmers ay hindi maaapektuhan sa biglang pagdami ng supply.

Tinukoy rin ng local onion farmers ang posibilidad ng pagtaas ng kanilang farmgate price sanhi ng limitadong pagtatanim at mababang ani dahil sa mga nagdaang bagyo at iba pang kalamidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiniyak naman ng DA officials sa mga onion growers and traders na ang anumang price ceiling sa local onions ay mananatiling “subject to further consultation and adjustment” sakaling sobra ang maging taas ng farmgate prices.

Binigyang-diin ng ahensiya na ang goal nito sa ngayon ay hindi lang ang mapababa pansamantala ang presyo kundi ang ma-stabilize ang onion supply chain.

Dapat umanong maprotektahan ang consumers sa biglang pagtaas ng presyo habang sinisiguradong ang local onion and retailers ay tinatrato nang pantay throughout the holiday season.

Read: DSWD to social-media users: Don’t use disabilities as content

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magpapatupad ang Department of Agriculture ng PHP120-per-kilo maximum suggested retail price sa pula at puting sibuyas para maiwasan ang hindi resonableng pagtaas ng presyo ngayong Kapaskuhan. (Photos: Colinas Verdes Marketplace FB, Rhea Elcano FB)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results