PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NTC to totally shut down analog TV service

Will start in Mega Manila
by KC Cordero
Published Dec 7, 2025
Photo of analog TV sets
Para sa mga gumagamit pa rin ng analog TV, mag-invest na sa digital TV. Unti-unti nang isa-shut down ng NTC ang analog signals at uumpisahan sa Mega Manila. (Photo: OnMIlwaukee)

Kung gumagamit pa rin kayo ng analog television set sa inyong mga tahanan, simulan na ang pag-i-invest para sa digital TV.

Ang “analog TV” ang original television technology na gumagamit ng continuous analog signals para mag-transmit ng video and audio.

Ito yung may mga antenna.

Photo of analog TV with indoor antenna
Ang isang modelo ng analog TV. Photo: Instructables
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang signal properties nito gaya ng brightness, color, and sound ay nire-represent sa pamamagitan ng variations sa amplitude, frequency, and phase.

Prone ang ganitong method sa interference and signal degradation, na nagreresulta sa "snowy" o distorted pictures sa areas na mahina ang signal.

Ito ang dahilan kaya maraming bansa sa buong mundo ang pinalitan na ang sistemang ito ng mas reliable na digital television service.

Dahil dito, ang National Telecommunications Commission (NTC) ay unti-unti nang isinasagawa ang mga hakbang para sa paglipat sa purely digital TV sa pamamagitan ng pag-phase out sa analog broadcasts sa Mega Manila.

Sa susunod na taon, magkakaroon na ng total shutdown sa analog service.

Ang mga lugar na kabilang sa Mega Manila ay ang mga lungsod at munisipalidad sa National Capital Region (NCR) at mga karatig na lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite, Pampanga at Bataan.

Read: DA: Onion prices must be kept under PHP 120 per kilo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NTC’S TIMELINE FOR ANALOG TV SIGNALS SHUTDOWN

Sa inilabas na memorandum circular ng NTC, nagtakda ito ng 12-month timeline para sa lahat ng analog TV stations sa Mega Manila para kumpletuhin ang kanilang shift sa digital terrestrial TV broadcast (DTTB).

Ang shutdown order ay nagkabisa simula pa noong November 21, 2025.

Mayroon itong 12-month timeline na matatapos sa November 2026.

Kaya may isang taon na lang ang analog TV users.

Read: LTO resets banning of e-bikes, e-trikes on major roads to Jan. 2

NTC EXPLAINS THE SHUTDOWN OF ANALOG TV SIGNALS

Sa survey na isinagawa ng NTC, tinatayang halos nasa 80 percent na ng TV broadcasts sa mga nabanggit na lugar ang nakatatanggap na ng DTTB.

Ibig sabihin, karamihan sa mga ito ay hindi na nagre-rely sa analog signals.

Sa kasalukuyan, ayon sa NTC, ang TV networks ay nagkakaloob ng synchronized broadcasting ng parehong analog and digital TV signals sa loob na ng mahigit walong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagaman at layunin umano ng NTC na hindi magkaroon ng interruption sa TV service, ang ganitong magkasabay na operasyon ng analog and digital TV signals ay nagpapataas naman sa operating expenses ng TV networks.

Ayon sa pahayag ng NTC: “The setting of an analog switch-off date would allow the TV networks to allocate their resources and investments, as they shift their operations from analog to full digital broadcast transmission.”

Read: Loren Legarda’s son is new owner of iconic Solidaridad Bookshop

WHY DIGITAL TV SERVICE IS BETTER THAN ANALOG

Ipinaliwanag ng NTC na ang DTTB service ay hindi lang basta advanced technology kumpara sa analog.

Nagkakaloob din ito ng “better viewing experience, improved signal reception, and more program choices for the televiewers.”

Sinabi rin nito na ang paggamit ng digital technology sa broadcasting service ay nagtitiyak sa pagiging competitive ng TV industry, at nakakapagbigay sa publiko ng mas magandang serbisyo.

Read: Tips: How to plant malunggay tree in a container

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT WILL HAPPEN TO ANALOG TV USERS

Aminado ang NTC na hindi lahat ng pamilyang Pilipino na gumagamit pa ng analog TV sets ang kayang mag-invest agad para sa digital TV.

Gayunpaman, tiniyak nito na magkakaloob ang gobyerno ng “assistance programs” para ang mga gumagamit ng analog TV ay makapapanood pa rin ng mga palabas sa telebisyon sa loob ng itinakdang phaseout period.

Ang assistance programs na ito ay pamamahalaan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), katuwang ang Presidential Communications Office (PCO) at NTC.

Ang mga karagdagang detalye tungkol dito ay ipaaabot sa publiko sa pamamagitan ng supplemental circular.

Ipababatid naman ng PCO sa publiko ang mga kaganapan tungkol sa isinasagawang phaseout.

Hihikayatin din ng ahensiya ang analog TV users na bumili ng set-top boxes na kailangan ng kanilang telebisyon para magkaroon ito ng DTTB signals.

Read: First-ever bamboo waiting shed installed in Laoag City

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa mga gumagamit pa rin ng analog TV, mag-invest na sa digital TV. Unti-unti nang isa-shut down ng NTC ang analog signals at uumpisahan sa Mega Manila. (Photo: OnMIlwaukee)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results