PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LTFRB: No fare hike for traditional, modern jeepneys

It will have big impact in economy
by KC Cordero
Published Dec 5, 2025
Jeepney plying on the road
Hindi pinagbigyan ng LTFRB ang hiling ng transport groups na piso hanggang dalawang pisong dagdag pasahe sa tradisyunal at modern jeepneys. (Photo: PTOTRU Taguig FB)

Hindi muna magpapatupad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang PHP1 hanggang PHP2 taas pasahe sa mga traditional at modern jeepney.

Inianunsiyo ito ng LTFRB sa official Facebook page nito last December 5, 2025.

LTFRB's announcement
Ang announcement ng LTFRB na hindi muna magpapataw ng dagdag sa pamasahe ang mga sumasakay sa tradisyunal at modern jeepneys. Photo: LTFRB Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay kahit pa nagkaroon ng big time rollback sa presyo ng diesel noong mga nakaraang araw.

Bukod dito, ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, hindi rin napapanahon sa ngayon ang pagtataas ng pamasahe.

“Malaki ang magiging epekto ng taas pasahe sa ekonomiya at sa pangkalahatan, lalo na’t bumabangon pa lang ang ilang probinsiyang nasalanta mula sa matinding kalamidad tulad ng nakaraang lindol at bagyo.”

Pahayag naman ni LTFRB Chairperson Vigor Mendoza: “Hindi bababa sa limang rehiyon, kabilang ang tatlong pinakamataong rehiyon, ang mariing tumututol sa panukalang dagdag pasahe.

“Kabilang dito ang Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Central Visayas, at Metro Manila—mga lugar na matinding naapektuhan ng mga kalamidad.”

Matatandaang humihiling ang iba’t ibang transport groups ng piso hanggang dalawang pisong dagdag pasahe mula sa kasalukuyang PHP13 minimum fare para sa traditional jeepneys, at PHP15 minimum fare naman sa modern jeepneys.

Read: LTO reschedules banning of e-bikes, e-trikes on major roads to January 2

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

LTFRB SAYS FARE HIKE WILL HAVE A BIG IMPACT IN ECONOMY

Sa masusing konsultasyon at dayalogo na isinagawa ng LTFRB, lumabas na mismong ang mga transport group ay nagdadalawang-isip na isulong ang pagtataas sa pamasahe.

Ayon din sa pag-aaral ng Department of Economy, Planning, and Development, ang dagdag na PHP1 hanggang PHP2 base fare ng jeepney ay maaaring magpataas ng inflation rate sa susunod na dalawang taon.

Ipinaliwanag ni Lopez na hindi lamang ang mga pasahero at kanilang pamilya ang apektado, kundi pati na rin ang mga pamilya ng mga tsuper at operator, sakaling aprubahan ang fare hike.

Maaapektuhan nito ang presyo ng basic goods.

Read: DA: Onion prices must be kept under PHP 120 per kilo

LTFRB TO GO AFTER COLORUM OPERATORS

Nauunawaan ng Department of Transportation at ng LTFRB ang mga hinaing ng transport groups at ilan sa mga suhestiyon na kanilang nabanggit sa isinagawang consultation meetings ukol sa fare hike.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Lopez, naghahanap na ang DOTr at LTFRB ng mga alternatibong paraan para matulungan ang jeepney drivers at operators.

Isa sa mga nakikitang paraan ay ang pagpapaigting sa kampanya laban sa colorum, o mga jeepney at iba pang Public Utility Vehicle (PUVs) na pumapasada nang walang prangkisa.

Magtatatag ang DOTr at LTFRB ng Anti-Colorum Task Force, katuwang ang Department of Justice at Presidential Anti-Organized Crime Commission, para tugisin ang mga protektor at sindikato sa likod ng mga ilegal na operasyong ito.

Lumalabas na 30 porsiyento ng arawang kita ng mga lehitimong PUV drivers at operators ay napupunta sa mga colorum operation.

Pinaalalahanan at pinayuhan nina Lopez at Chairman Mendoza ang mga colorum operator na maging legal na.

“Hahabulin at huhulihin natin ang mga sangkot sa ilegal na operasyong ito. Hindi titigil ang DOTr at LTFRB sa pagtugis sa inyo dahil kapakanan ng mga lehitimong PUV drivers, at maging mga commuter ang nakasalalay rito,” ani Lopez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Mendoza: “Magandang pagkakataon ito para talikuran ang ilegal na gawain. Tinitiyak namin na magiging patas at mabilis ang proseso.

“Mas mabuti na ito kaysa palaging mabuhay sa takot na mahuli, makulong, at magmulta nang malaki.”

Sa tala ng LTFRB, may available na 17,000 slots para sa Transport Network Vehicle Service o TNVS.

Read: BPI cash withdrawals now available at Robinsons cashiers

COMMUTERS, TRANSPORT SECTOR WORKERS REACT TO LTFRB’S DECISION

Ikinatuwa naman ng commuters ang desisyon ng LTFRB na hindi muna magpapatupad ng fare hike.

Karamihan sa mga ito ay nagsabing dagdag-0gastos talaga ang piso hanggang dalawang pisong mababawas sa kanilang budget kada sakay sa jeepney.

Ayon sa isang nagkomento: “Apat na sakay ako sa umaga sa dyip papasok sa work, ganun din sa pag-uwi. Sa 24 days na pasok ko sa isang buwan, malaki-laki rin yun.”

Sambit naman ng isa pa: “Buti hindi muna ipinatupad. Ang hirap ng buhay ngayon, mahal mga bilihin tapos magpa-Pasko pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karamihan naman sa mga nagkomentong nasa transport sector ang nagsabing kung walang fare hike, magpatupad naman sana ang gobyerno ng fuel subsidy.

Mungkahi ng isa: “Hindi naman laging nabababa ang presyo ng diesel. Next week, baka tumaas na naman. Fuel subsidy na lang ang ibigay ninyo para hindi naman talo ang driver at operator.”

Read: Marikina City opens annual Christmas Shoe Bazaar

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pinagbigyan ng LTFRB ang hiling ng transport groups na piso hanggang dalawang pisong dagdag pasahe sa tradisyunal at modern jeepneys. (Photo: PTOTRU Taguig FB)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results