May handog na libreng sakay ang rail lines sa Metro Manila sa iba’t ibang sektor ngayong holiday season.
Ito ang anunsiyo ng Department of Transportation sa Facebook last December 10, 2025.

Ang post ng DOTr: “Ngayong Kapaskuhan, handog ng Department of Transportation (DOTr) ang 12 araw na Libreng Sakay sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 simula December 14 hanggang December 25.
“Ito ay para bigyan ng ligtas, maginhawa at masayang biyahe ang mga komyuter lalo na ngayong Kapaskuhan.”
Read: NTC to totally shut down analog TV service
DOTR’S 12-DAY FREE RIDES
Simula December 14 hanggang December 25, narito ang mga sektor na malilibre ng sakay sa tren:
December 14 – Senior citizens
December 15 – Students
December 16 – Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya.
December 17 – Teachers, health workers
December 18 – Persons with Disabilities (PWDs) at mga lalaking pasahero.
December 19 – Government employees
December 20 – Babaeng pasahero
December 21 – Pamilya (kahit ilan ang miyembro)
December 22 – Solo Parents at members ng LGBTQIA+
December 23 – Private sector employees, mga kasambahay
December 24 – Uniformed personnel, veterans, at kanilang pamilya
December 25 – Lahat ng commuters
Read: Viral jeepney driver’s son among DPWH's new engineers
NETIZENS REACT TO DOTR’S 12-DAY FREE train RIDES
Matapos i-announce ng DOTr ang 12-day free train rides, maraming netizens ang hindi napigilang magkomento.
Sambit ng isa, bakit daw hindi pa nilahat ang malilibreng pasahero sa loob ng 12 days?
Para sa isang miyembro ng LGBTQIA+, kailangan pa raw bang sabihin niya sa teller na: “Bayot po ako.”
Biro naman ng isang kasambahay: “Me sa December 23, may dalang walis.”
Reklamo ng ilang private employees, maliit lang ang kanilang mga kumpanya at hindi nag-issue ng ID, kaya wala silang maipapakita sa teller.
Nalilito rin ang solo parents kasi paano nila mapapatunayan ang kanilang status?
Marami ang naguluhan kung paano ipatutupad ang free-rides ng DOTr, kaya abangan na lang kung may panibago o dagdag na annoucement.
Read: First-ever bamboo waiting shed installed in Laoag City
