PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pag-IBIG raffle gives away prizes up to PHP500K

List of winners announced
by KC Cordero
Published Dec 17, 2025
Pag-IBIG's art card announcing raffle promo winners
Kung nag-qualify ka sa raffle promos ng Pag-IBIG, alamin kung isa ka sa masuwerteng nanalo. (Photo: Pag-IBIG Facebook)

Sa pagtatapos ng 2025 at pagsapit ng Kapaskuhan, nagdaos ang state-run Home Development Mutual (Pag-IBIG) Fund ng raffle draws para sa mga miyembro nito.

Ginanap ang year-end grand draws para sa One-Plus-One Raffle Promo at Multi-Purpose Loan (MPL) Loan-to-Win Raffle Promo last December 16 sa Makati City.

Pag-IBIG's art card for raffle promo
Naglalakihang premyo ang ipinamahagi ng Pag-IBIG sa members na nag-qualify sa raffle promos ng ahensiya. Photo: Pag-IBIG Fcaebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang cash prizes ay umaabot hanggang PHP500,000.

Ini-announce ng ahensiya ang winners ngayong December 17 sa official Facebook page nito.

Read: Atom Araullo grants security guard’s wish

PAG-IBIG’S RAFFLE PROMO INITIATIVES

Ang One-Plus-One Raffle Promo ay nakatulong para mapalawak ng ahensiya ang membership base nito, kabilang ang overseas Filipino workers at maging ang nasa informal sector.

Ang MPL Loan-to-Win Raffle Promo naman ay nagkaloob ng premyo para sa Pag-IBIG members na nag-avail ng short-term cash loan para sa kanilang pinansiyal na pangangailangan.

Ang dalawang raffle promos ay bahagi ng inisyatiba ng pamahalaan para matiyak na ang mga manggagawang Pilipino—lalo na ang mga hindi kabilang sa formal workforce—ay mabigyan ng pantay na oportunidad.

Bukod sa nakaka-ipon ang mga ito, nagkakaroon din sila ng sariling tahanan at matatag na kinabukasan.

Read: Influencer gives PHP100M Christmas gift to 88-year-old cashier

PAG-IBIG’S ONE-PLUS-ONE RAFFLE PROMO MECHANICS AND PRIZES

Ang One-Plus-One Raffle Promo ay inilunsad noong January 2025.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hinihikayat nito ang active members na maging “PagIBIGfluencers” sa pamamagitan ng pag-iimbita sa nonmembers na magparehistro sa Pag-IBIG, at maging ang inactive members na mag-reactivate ng kanilang membership.

Bago ang ginanap na year-end grand draw, nagkaroon na ng early draws kung saan ilang PagIBIGfluencers at kanilang referred “plus ones” ang nanalo.

Ang mga naunang winners ay naka-announce sa Facebook page ng ahensiya.

Sa ginanap namang One-Plus-One Grand Draw, tatlong pares ang nagwagi ng top prizes.

Ang unang pair ay nakapag-uwi ng tig-PHP500,000.

Ang ikalawang pair na nabunot ay may tig-PHP250,000, habang ang ikatlo ay may tig-PHP100,000.

Thirty PagIBIGfluencers at kanilang plus ones din ang nanalo ng consolation prizes na tig-PHP10,000.

Read: NTC to totally shut down analog TV service

PAG-IBIG’S MPL LOAN-TO-WIN RAFFLE PROMO MECHANICS AND PRIZES

Kalahok naman sa MPL Loan-to-Win Raffle Promo ang eligible members na nag-avail ng Pag-IBIG Multi-Purpose Loan, isang short-term cash loan para sa medical expenses, education, small business capital, and household needs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ilalim ng naturang promo, ang borrowers ay nagkaroon ng one raffle entry for every approved MPL.

May additional entries para sa loans na ini-apply via online sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG, first-time MPL borrowers and loans amounting to more than PHP50,000.

Twenty-four winners ang nabunot para sa MPL Loan-to-Win Grand Draw.

Apat sa mga ito ang nakatanggap ng tig-PHP50,000; apat na tig-PHP40,000 at 16 na tig-PHP30,000.

Nanalo naman ang 80 MPL borrowers ng tig-PHP10,000 bilang consolation prizes.

Ang detalye ng listahan ng winners at kung paano make-claim ang premyo ay naka-post sa Pag-IBIG Fund website at sa official Facebook page ng ahensiya.

Read: Viral jeepney driver’s son among DPWH's new engineers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung nag-qualify ka sa raffle promos ng Pag-IBIG, alamin kung isa ka sa masuwerteng nanalo. (Photo: Pag-IBIG Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results