Tanggap na bilang mode of payment ang GCash sa mga bus na bumibiyahe sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) Busway.
Ito ang inihayag ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez last December 17, 2025.
Ang bagong cashless payment system ay inilunsad sa nabanggit ding petsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Naka-post ang launching sa official Facebook page ng DOTr.
Nasaksihan ito ng mga kinatawan ng DOTr, GCash, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ng busway consortium.

Read: Pinoy conjoined twins to undergo separation surgery in Saudi
HOW TO USE GCASH PAYMENT IN EDSA BUSWAY
Sinabi ni Lopez na ang bagong payment system ay para mas mapagaan ang araw-araw na pagbiyahe ng commuters na gumagamit ng public transportation.
“Ito pong cashless payment ay isang malaking pamamaraan upang sa ganoon masasabi natin na, indeed, the travel of our commuters is now more convenient.”
Para magamit ang cashless payment option, kailangang i-open ng pasahero ang kanyang GCash mobile app.
I-click ang “scan-to-pay” QR code.
I-scan ang SoundPay device QR mula sa bus conductor.
I-enter ang fare amount, at i-click ang pay.
Ani Lopez, ang paggamit ng cashless payment ay walang additional fee.
Mananatili pa rin ang 20 percent discount para sa mga estudyante, Persons With Disability (PWDs), at senior citizens.
Dagdag pa ng acting secretary: “Hindi lang po ang pagmo-modernize ng ating mga pampublikong sasakyan ang kailangan.
“Higit sa lahat, ang pag-modernize ng sinasabi nating public service o passenger overall experience at ito ang ibinibigay ng GCash at ito rin ang ibinibigay talaga ng consortium sa busway.”
Read: Atom Araullo grants security guard’s wish
GCASH PAYMENT IN BUSWAY IS HACK-FREE
Tiniyak naman ni GCash for Business Head Jong Layug na ang secure ang cashless payment system sa EDSA Busway.
“GCash invests a lot in building our security and top-of-the-line po itong ginagamit namin.
“So hindi po ito maha-hack.”
Binigyang-diin naman ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan na ang bagong cashless payment system ay mabilis at hassle-free.
“This is going to be convenient sa commuters kasi wala ng magiging problema sa pagbabayad and it's very fast.
“We pay the exact fare and yung pamasahe natin, didiretso na sa account ng operator.”
Read: Viral jeepney driver’s son among DPWH's new engineers
GCASH SOUNDPAY DEVICE AVAILABLE IN 260 EDSA BUSES
Ang pilot ng bagong cashless payment system ay ipatutupad sa loob ng isang taon.
Available ang GCash SoundPay device sa 260 buses na bumibiyahe sa EDSA Busway.
Ang programa ay bahagi ng Automatic Fare Collection System (AFCS) proof of concept para sa National Standards (NS).
Layunin nitong magkaroon ng hassle-free fare transactions, ma-minimize ang pagdadala ng cash ng mga pasahero, at mapagkalooban ang mga ito ng cashless payment option.
Read: First-ever bamboo waiting shed installed in Laoag City
