PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SSS offers emergency loan amounting to PHP20K

...following the declaration of national state of calamity.
by KC Cordero
Published Dec 19, 2025
SSS emergency loan announcement
Ang SSS emergency loan ay may mababang 7 percent annual interest rate. Anim na buwan naman ang palilipasin bago magsimulang magbayad ang member na nag-loan. (SSS Facebook)

Ang mga kuwalipikadong Social Security System (SSS) members ay maaari na ngayong mag-avail ng emergency loan.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng one-year state of national calamity.

Ito ang ini-announce ni President Ferdinand R. Marcos Jr. nitong December 18, 2025, sa kanyang official Facebook account.

Sa isang video message, sinabi ng Pangulo na makatutulong ang SSS emergency loan sa mga miyembro para sa kanilang mga pangangailangan nang hindi kailangang malubog sa utang.

Aniya: “Simula itong Disyembreng ito ay makakapagbigay na ang SSS ng tinatawag na emergency loan.

“Dahil habang nasa ilalim ng national emergency ay magbibigay ng emergency loan ang SSS.”

Read: DOTr: GCash payments now accepted at EDSA Busway

LOANABLE AMOUNT, REPAYMENT TERMS FOR SSS EMERGENCY LOAN

Ang qualified SSS members ay maaaring mag-apply para sa emergency loan na may seven-percent annual interest lang.

Ang duration ng pagkakaloob ng loan ay tatagal hanggang December 9, 2026.

May six-month moratorium din sa pagbabayad ng naturang emergency loan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Term of SSS emergency loan
Ang mga impormasyon tungkol sa SSS emergency loan. Photo: SSS Facebook

Paliwanag ng Pangulo: “Ibig sabihin, pagtanggap ninyo ng loan galing sa SSS, sa unang anim na buwan ay hindi kayo kailangang magbayad ng loan amortization para mapagaan ang inyong dala.”

Ang loanable amount ay hanggang PHP20,000.

Kapag naaprubahan, ang proceeds ay papasok sa UMID-ATM o sa enrolled bank/e-wallet disbursement account ng member.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Pinoy conjoined twins to undergo separation surgery in Saudi

SSS EMERGENCY LOAN BETTER THAN “FIVE-SIX” SCHEME

Ang SSS emergency loan ay nagkakaloob ng ligtas at abot-kayang pautang kaysa lumapit ang members sa loan sharks.

Anang Pangulo: “Maganda po ito kasi imbes na pupunta kayo sa five-six at mapasubo sa malalim na utang, may magagamit na kayo at seven percent lamang ang babayaran.

“Sana ay makatulong ito sa inyong lahat.”

Matatandaang noong November 5 ay nilagdaan ng Pangulo ang Proclamation No. 1077, “declaring a state of national calamity for one year to expedite rescue, relief, recovery, and rehabilitation efforts following the extensive damage caused by Typhoon Tino.”

Inawtorisahan ng proklamasyon ang pagpapatupad ng remedial measures, kabilang ang pagtatakda ng price ceilings sa basic necessities and prime commodities.

Ipinagbawal din ang overpricing and hoarding ng mga produkto sa merkado.

Read: BPI cash withdrawals now available at Robinsons cashiers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang SSS emergency loan ay may mababang 7 percent annual interest rate. Anim na buwan naman ang palilipasin bago magsimulang magbayad ang member na nag-loan. (SSS Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results