Sa kasikatan ng Heated Rivalry, pati mga pangalan ng mga characters ay ginamit bilang pseudonyms ng sponsors para sa kanilang charity work.
Tulad na lamang ng financial donation na iniabot sa animal shelter and rescue na Strays Worth Saving (SWS) sa Tanauan, Batangas.
Noong December 27, 2025, nag-post sa Facebook ng certificate ang SWS para sa PHP2,481 donation nina Shane Hollander at Ilya Rozanov.
Sina Shane (Hudson Williams) at Ilya (Connor Storrie) ay mga pangunahing characters sa global-hit Canadian sports TV series, na isa adaptation mula sa gay book series na may parehong title.
Sina Shane at Ilya ay mga hockey players na nasa isang romantic relationship.
Read: Guard found guilty of throwing puppy from footbridge in 2023

Napa-react naman ang fans ng TV series, at natuwa rin sila sa kuwelang pakulo ng mga sponsors.
Bukod kina Shane Hudson, mayroon ding sponsor na nag-donate ng PHP5,000 sa pangalang Emily Cooper, ang main character sa Netflix TV series na Emily in Paris.
Ang Hollywood actress na si Lily Collins ang gumaganap sa lead role.

Ang sabi naman ng marketing manager ng SWS, may mga sponsors talaga na nagtatago sa pangalan ng mga tanyag na personalidad.
"Hindi na siya bago," sabi ni Christian Tuazon sa ulat ng GMA News Online.
DIFFERENT SPONSORS
Sa pagtsi-check ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa iba pang pangalan ng mga sponsors, mapapansing iba-iba ang mga grupo ng mga taong nagpapaabot ng donation sa animal shelter.
Nag-donate ang fans club ng Korean star na si Ji Chang Wook, pati na rin si Christopher de Leon.

Mayroon ding donation ang cat-lover netizens group na “Mga pusa sa daan.”
Mayroon ding college, jewelry shop, at kilalang resort na nag-donate.

Marami ring donations na galing sa mga sponsors na obvious na ipinangalan sa kanilang mga alagang hayop dahil unique ang names tulad ng Meiji, Eddie The Corgi, Skippy, at Hershey.
Sa mga nais namang magpaabot ng tulong sa SWS, magpadala ng mensahe through its Facebook page.
