PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Can ambulance use EDSA Busway during non-emergency situations?

The patient inside the ambulance died that same day allegedly due to stress.
by Bernie V. Franco
Published Feb 19, 2026
ambulance
A transportation officer flagged down an ambulance along the EDSA Busway because the patient inside was not considered an extreme or emergency case. But why did DOTr relieve the officer? (Photo for visual purpose only.)
PHOTO/S: Special Action and Intelligence Committee for Transportation on FB

Pinapayagan ba ang mga ambulansiya na dumaan sa EDSA Busway kahit hindi emergency case?

Nasagot ang mga katanungang ito kasunod ng recent incident kunsaan isang transportation officer ang tinanggal sa puwesto matapos nitong sitahin ang driver ng ambulansiya na dumaan sa lane na kilala rin bilang EDSA Carousel.

Ang incident ay ipinost sa Facebook page ng Department of Transportation (DOTr) nitong February 18, 2026.

Hinarang ni Special Action Intelligence Committee for Transportation (SAICT) Special Operations Group Head Rayson Dela Torre ang ambulance na sakay ang isang pasyente papuntang ospital para sa medical check-up.

Ang katwiran ni Dela Torre na siyang nagpapatrol noong Lunes, February 16: Hindi naman daw kasi emergency ang sitwasyon.

Gayunpaman, hinayaan pa rin niya itong dumaan kasunod ng pagsita.

Ang paninitang iyon pala ang magiging dahilan para masibak sa puwesto si Dela Torre.

Bakit?

At anu-anong mga sasakyan ba ang pinapayagang dumaan sa busway?

Read: Philtranco announces date of its last ride after 111 years

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ISSUE OF AMBULANCE USING BUSWAY ADDRESSED BY DOTR

Kalakip ng Facebook post ng DOTr ay isang memo mula kay Transportation Secretary Giovanni Lopez.

Naka-address ito kay Dela Torre na binigyan ng “Notice to explain and order to relieve from duty.”

Nakalahad ditong sakay ng ambulansiya ang isang stage 4 cancer patient noong February 16, para sa kanyang 6:00 A.M. medical appointment sa ospital.

Naiulat ang pangyayari at nakapanayam si Dela Torre sa ginawa niyang pagsita sa ambulance.

Pahayag niya: “Hindi po natin tatanggapin na rason yung magpapa-check up yung pasahero sapagkat eto naman po ay naka-schedule na sa kani-kanilang ospital na pupuntahan. Ang papayagan na lang po natin ay iyong mga nag-aagaw buhay na mga pasyente.”

Kasunod nito, sinabi ng DOTr sa memo na anumang ambulansiya na on duty ay maaaring dumaan sa busway kahit na hindi emergency ang sitwasyon.

Tinukoy rin kung anu-anong mga sasakyan ang pinapayagang gumamit ng EDSA Busway, alinsunod sa DOTr policy na inilabas noong November 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
  • LTFRB-authorized buses para sa EDSA Busway route, kabilang ang mga bus na may special permits and/or franchises to operate sa EDSA Busway route;
  • Mga ambulansiyang naka-duty, fire trucks, at Philippine National Police vehicles;
  • Service vehicles na nagsasagawa ng kanilang duty para sa EDSA Busway project, kabilang ang construction, security, janitorial, at maintenance service

Sa madaling salita, hindi kailangang nag-aagaw-buhay ang pasyenteng sakay sa ambulansiya para payagang makadaan sa busway.

Sabi pa ni Secretary Lopez sa kanyang memo para kay Dela Torre: “On this premise, your statement that only ambulances with patients in critical condition may be allowed to use the Busway contradicts the existing policy which neither specify that only extreme cases of emergency may be allowed nor prohibit the use of ambulances in non-emergency cases. The same only states that ‘on-duty’ ambulances may be allowed.”

Base pa rin sa memo, binigyan ng tatlong araw si Dela Torre para magpaliwanag at kung bakit hindi siya dapat bigyan ng disciplinary action.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Binanggit din ng kalihim na sasailalim sa orientation ang SAICT staff upang hindi na maulit ang pangyayari.

Samantala, may kaakibat na multa ang illegal use ng EDSA Busway.

Ang unang offense ay PHP5,000, second offense ay PHP10,000, at third offense ay PHP30,000.

Read: Top Panciterias You Need to Try in Metro Manila

PATIENT IN THE AMBULANCE DIES

Kinahapunan noong araw na iyon, pumanaw ang pasyenteng sakay ng ambulansiya.

Ayon kay Rizza Valencia, anak ng pasyente, matinding stress ang naramdaman ng kanyang ina nang pahintuin at sitahin sila ng traffic enforcers.

Emosyunal na sabi niya, kung siya raw ang nakasakay at pinahinto ay mauunawaan niya dahil kakayanin niya.

“Pero sa sitwasyon ng mother ko, [hindi],” sabi ni Rizza sa ulat ng News5.

Dagdag niya, “Matagal na akong hindi naninirahan sa Pilipinas. Isa na akong residente ng Australia."

At dahil daw sa nangyari, mas lalo niyang naramdaman na tama ang desisyong hindi piliin ang Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, bumaba pa raw ang driver nila para magpaliwanag. Inabot daw ng 30 minutes ang pakikipag-usap sa enforcers bago sila pinayagang umalis.

Kinahapunan, nang makabalik sa Bulacan mula sa ospital, hindi na raw makaupo at makagalaw ang ina.

“Sobrang grabe na yung stress niya. Yung binigay na stress sa nanay ko bago siya mawala, yun ang di mababawi kahit sibakin pa lahat ng kung sino man,” himutok ni Rizza.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A transportation officer flagged down an ambulance along the EDSA Busway because the patient inside was not considered an extreme or emergency case. But why did DOTr relieve the officer? (Photo for visual purpose only.)
PHOTO/S: Special Action and Intelligence Committee for Transportation on FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results