Bukas na sa publiko ang bagong footbridge na konektado sa EDSA Busway station at MRT EDSA-Kamuning station.
Ang bagong overpass ay ang ipapalit sa tinaguriang Mt. Kamuning footbridge na ilang beses nag-viral dahil sa pagiging matarik at inirereklamong hindi friendly para sa pedestrians.
Tinatawag din itong Scout Borromeo–NIA South Road Footbridge.

Read: New Kamuning footbridge and busway to rise in December 2025
THE NEW KAMUNING FOOTBRIDGE
Di hamak na mas mababa ang bagong footbridge. Mayroon din itong dalawang elevators at wheelchair lift.
Binanggit sa ulat ng GMA Integrated News na binuksan ito gabi ng Miyerkules, March 4, 2026.
Nakadugtong ito o naka-integrate sa itaas ng GMA-Kamuning, at nasa ilalim ang EDSA Busway station.
Araw-araw, tinatayang 750,000 commuters ang gumagamit ng MRT at busway station.

Read: Netizens react to PHP89-M budget for Kamuning Footbridge rehab
WHAT WILL HAPPEN TO MT. KAMUNING FOOTBRIDGE?
Nagsadya mismo si Pangulong Bongbong Marcos sa footbridge para personal na inspeksiyunin ito.
Kasama rin niya si First Lady Lisa Marcos at anak nilang si Vinny.
Naroon din sina Transportation Secretary Giovanni Lopez at Public Works and Highways Secretary Vince Dizon.
Sa panayam kasama ang press, sinabi ng Pangulo na malaking tulong ang bagong-tayong infrastructure sa commuters.
Mabilis din daw itong natapos dahil ang commitment na ibinigay sa pagpapatayo nito ay anim na buwan, pero natapos ito ng apat na buwan.
Noong August 2025, nang mapaulat ang pagpapatayo ng bagong footbridge, binanggit sa reports na nag-allot ang DOTr ng kabuuang PHP89,129,402.57 budget para sa construction.
Sa latest ABS-CBN report, binanggit na ang contact cost ng project ay PHP87.3 million. Nasa PHP54.7 million ang ginastos para sa bagong footbridge, habang PHP32.5 million naman para sa busway station.
Ano na ang mangyayari sa Mt. Kamuning?
Pahayag ng Pangulo sa press, “Wala na yung Mt. Kamuning. Tatanggalin na namin yung Mt. Kamuning para tuluy-tuloy na dito na lang gagamitin.”
Wala namang sinabing petsa kung kailan tatanggalin ang lumang footbridge.
