Paano makakapag-avail ng libreng birth o marriage certificate ang mga kababaihan mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong buwan ng Marso?
Saang branches ito available? Puwede bang makakuha rin ng iba pang civil registry documents nang libre?
Ilan lamang ito sa mga katanungan ng netizens kasunod ng announcement ng PSA tungkol sa free civil registry documents for women ngayong National Women’s Month.
Nitong March 6, 2026, nag-post via Facebook ang PSA.
Ang serbisyong ito ay para lamang sa mga kababaihan. Limitado ito sa ilang Civil Registration Services (CRS) outlets sa Metro Manila.
Ang libreng birth o marriage certificate ay maa-avail lamang tuwing Lunes sa buong buwan ng March ngayong 2026.
Limitado rin ang libreng certificates sa first 100 women sa bawat CRS outlet.
Lumalabas na 620 kababaihan lamang ang mabibigyan ng libreng civil registry document.
Free Birth and Marriage Certificates: Where and When to get Them
Inisa-isa ang PSA ang CRS outlets pati na rin schedule.
March 2
- Quezon City Central Outlet - First 100
March 9
- Caloocan Outlet - First 100
- Muntinlupa Outlet - First 100
March 16
- Makati Outlet - First 100
March 23
- Bagong Pilipinas eSerbisyo Hub, San Juan City - First 20
- Parañaque Outlet - First 100
March 30
- Valenzuela Outlet - First 100
Kasunod nito ay mga importanteng paalala ng PSA.
Anito, isang certificate lamang ang libreng makukuha.
Kailangan din daw mag-book ng appointment sa pamamagitan ng pagbisita sa appointment.psa.gov.ph at pagpunta sa selected CRS outlets para sa karagdagang impormasyon.
Read: What you need to know about four-day work week set-up
ADDITIONAL DETAILS
Gayunpaman, maraming katanungan ang netizens. May mga nagsasabing kulang daw sa detalye ang anunsiyo, tulad ng addresses ng mga CRS branches.
Samantala, nakasaad sa psahelpline.ph page na kung magsasadya sa PSA CRS outlet, hindi papapasukin ang walk-in.
Nakasaad sa page: “When visiting a PSA CRS outlet, you need to get an appointment online. Without one, you will not be permitted entry into the PSA office.”
Mababasa rin sa page ang step-by-step procedure kung paano mag-book ng appointment via online.
Sa prosesong ito matutukoy ang verification, confirmation of appointment, at important reminders na kinakailangan kapag naka-secure na ng appointment.
Magsisimula ito sa pag-log in sa PSA Online Appointment System webpage.
Read: Marissa Fajardo once worked as labandera-yaya, now a teacher
MORE REMINDERS For WOMEN who want to avail of Free Birth and Marriage CertificatE
Sa comments section ng isang Facebook post, isang concerned citizen ang nag-upload ng flyer na nakadikit sa glass window ng isang CRS outlet.
Mababasa sa flyer ang karagdagang detalye na sasagot sa iba pang mga katanungan ng mga netizens.
Nakasaad din dito na kailangang mamili ng civil registry document: birth certificate ba o marriage certificate?
Isang kopya lamang ng mapipiling civil registry document ang libreng maibibigay ng PSA.
May bayad na kung may iba pang hihilinging dokumento.
Saad dito: “For women clients applying for multiple copies/requests, succeeding copies/requests will be paid to a separate Encoder-Collecting Officer (CO).
“Copy issuance of civil registry documents is only free when released within the day. Court Decree and Legal Instruments (CDLI) are not included.”
“To ensure equitable access to the free issuance, the CRS Outlet shall ensure that the first 100 women clients are drawn from both the regular lanes and the priority lane.”

Samantala, kalakip ng announcement ng PSA ukol sa free civil registry documents for women ang schedule ng Civil Registration at National ID Caravan.
Sa March 27, 2026, available ang serbisyo sa Brgy. Kaybanban, San Jose del Monte, Bulacan para sa libreng NID registration, validation, at konsultasyon kung may iba pang mga katanungan.

