PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What to do if you’re still waiting for your national ID?

Philippine Statistics Authority official: 'Maghintay."'
by Bernie V. Franco
Published 2 days ago
national id
Still waiting for your National ID? There are some alternatives you can consider while you don’t have it yet. Philippine Statistics Authority official also assures that the printing of cards will resume this 2026.
PHOTO/S: philsys.gov.ph

Milyun-milyon na ang national ID cards na naihatid, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa ginanap na senate hearing noong Martes, April 14, 2026.

During the hearing, tinanong ni Senator Erwin Tulfo, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, ang status ng national ID deployment.

“Mr. Chair, meron na po tayong 55 million na delivered na cards," sagot ni Ma. Fides Marquez, project development officer V ng social protection use case division.

Dagdag niya, may option ding paper format at digital national ID, na maa-access ng mga registered citizens sa pamamagitan ng eGovPH app.

Kung kailangan naman daw ng physical national ID, puwedeng magtungo sa PSA branches para libreng makapagpa-print ng national ID in paper form.

Dugtong ni Marquez: “So doon po sa paper format na na-issue, meron na po tayong 49,475,605 as of March 15 [2026], at saka yung digital national ID naman po na ready for access ay nasa 90,488,679."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hearing, pinuna ni Tulfo ang paggamit ng ordinaryong papel sa halip na cards.

Sagot ni Marquez: “Previously, Sir, I think we've mentioned that there has been an issue with the printing of the cards. But we assure po that everyone will receive their physical cards.

"We will deliver initially 12 million cards for this year."

Read: Tips: How to avail of DSWD social pension for indigent seniors

WHAT TO DO IF YOU DON’T HAVE A NATIONAL ID?

Para sa mga ilang taon nang nag-aantay pero wala pa ring physical ID, ano ang puwede nilang gawin?

Maghintay.

Ito ang buod ng sagot ni Assistant Secretry Rosalinda Bautista, deputy national statistician, Philippine Identification System (PhilSys) Registry Office.

Nakapanayam si Bautista ni Ted Failon sa Ted Failon and Chacha program ng 105.9 True FM ngayong Huwebes, April 16, 2026.

Usisa ni Ted kay Bautista dahil tanong daw ito ng marami: “Kung tatlong taon nang naghihintay daw, maghintay lang daw sila?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot ni Bautista: “Yes po. Dadating po ang kanilang national ID. Iyan po ang commitment ng PSA.”

Hirit ni Ted: “Kung nakapaghitay sila ng tatlong taon, ano ba ang dalawang taon na paghihintay na lang, hindi ba, para maging limang taon ang paghihintay ninyo.

“Iyan po ang sagot sa ating mga nakikinig at nangungulit sa ating katanungan.”

Pahayag ni Bautista: “Ang target po namin ay pilitin po naming matapos makapag-print, siguraduhin lang po namin na yung kontrata ngayon na makapag-print ng 12 million ay matuloy…”

Sinabi rin ng PSA official na ang 55 million national IDs na na-deploy sa taong 2025 ay na-print noong pang 2024.

Ibig sabihin, dalawang taong natigil ang pagpi-print ng national ID cards.

Ayon pa kay Bautista, mayroon pang pending 36 million cards na kailangang i-print.

Commitment nilang makapag-release ng 12 million cards this 2026.

Ibig sabihin 24 million ng registered citizens ang hindi pa makakatanggap ng kanilang national ID ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya sa interview ni Ted, priority nilang i-print ang national ID ng mga beneficiaries ng social protection programs, tulad ng elderly at persons with disability.

national ID
While waiting for your physical national ID, Philippine Statistics Authority says using national ID in paper form and digital national ID accessible via eGovPH app are equally valid.
Photo/s: philsys.gov.ph
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Defective national ID? Here's how you can apply for replacement

HOW PSA WILL DEAL WITH NATIONAL ID BLACKLOGS

Sa ngayon, may kontrata ang PSA sa National Printing Office, na nag-outsource na ng printing machines upang mag-print ng mga national ID cards.

Sisimulan pa lamang ang printing.

Kada national ID card ay nagkakahalaga ng PHP65.

Matatandaang nabulilyaso ang pagpi-print ng national IDs noong 2024 at tinerminate ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kontrata nito sa AllCard Inc., na nabigong i-print ang mga IDs.

“May capability ang BSP na i-print ang secured documents…” paliwanag ni Bautista.

“Ang printing po namin for the national ID ay nakakontrata sa BSP, pero nagkaroon po ng problema ang BSP kaya po ito ay huminto.

“So after po yun, huminto, kailangan po nating maghanap dahil po ang pangako po namin, ang commitment po ng PSA ay mabigyan ng physical ID lahat ng mga nakarehistro.”

Inisa-isa ni Bautista ang kahalagahan ng national ID.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakatiyak ka na pag sinabi mo ang pangalan mo, mave-verify ka po kung ikaw nga talaga.

"Mave-verify ang aking identity through the national ID. Hindi po ako makakapag-assume ng ibang identity. Otherwise, fraud po iyon.

“Makakaiwas tayo sa multiple claims na hindi naman allowed na the same person na may be using different name.”

Sa huli, nag-iwan ang assistant secretary ng paumanhin at pangako.

“Humihingi po kami ng dispensa para sa mga hindi pa namin naisyuhan ng physical card.

“Pero wag po kayong mag-aalala, sana po, gamitin niyo ang digital national ID, na maa-access sa eGovPH app.”

Pagdidiin niya, pareho lang ang digital national ID sa physical ID card.

Mayroon na raw 90 million generated national IDs at 71 million na ang naka-access sa digital national IDs.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Still waiting for your National ID? There are some alternatives you can consider while you don’t have it yet. Philippine Statistics Authority official also assures that the printing of cards will resume this 2026.
PHOTO/S: philsys.gov.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results