PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Spot a counterflowing driver or traffic violator? Report it now!

Plus, check out discussions on counterflowing.
by Bernie V. Franco
Published 2 hours ago
road
A motorcycle rider went viral last February after counterflowing and getting squeezed between an SUV and a large truck. While the rider was apparently at fault, the Land Transportation Office also issued a show-cause order to the SUV driver, who blocked the rider despite the latter's risky position.
PHOTO/S: Anj McTabs via Visor on Facebook

Inilunsad ng Land Transportation Office ang initiative na I-report Mo Kay LTO Chief nitong April 27, 2026.

Ito ay para direktang makapag-report ang publiko ukol sa road violations at mga reklamong may kinalaman sa transportation.

Ang goal ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao ay para diretso sa kanya ang mga reports at mas mapapabilis ang proseso.

Aniya: "Usually, pag na-send po sa amin, within the week, may schedule na po. Two days lang, may show cause order na iyan. Pinakamatagal na yung tatlong araw.”

Para sa mga may complaints, maaari nila itong isumite sa websiteireportmokayltochief.ph via Facebook Messenger sa LTO official page, o itawag sa hotline 1342-586.

COUNTERFLOWING INCIDENT

Posibleng kasama sa top complaints ang pagka-counterflow,

Recently, pinagtalunan ng mga netizens ang dapat na reaksiyon ng isang driver na ginitgit ang nag-counterflow na motorsiklo, dahil para maipit ang huli sa pagitan ng SUV at isang truck.

counterflow
The motorcycle rider (encircled) who counterflowed is seen being squeezed between an SUV and a large truck on the road.
Photo/s: Anj McTabs via Visor on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naiulat ang insidente noon pang February 2026.

Hati ang reaksiyon ng netizens kaugnay ng viral road incident.

ON BEING KIND

May nagsabing bagama’t nasa tama ang SUV, hindi nangangahulugang kakalimutan niya ang pagiging “kind” o "humane.”

Narito ang ilang komento.

Netizen 1
netizen kind 2
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
kind

ON BEING RIGHT

Sa mga nasa panig naman ng pagiging tama, nagkaisa sila sa pagsasabing hindi mangyayari ang insidente kung hindi lumabag sa batas trapiko ang motorcycle rider dahil sa pag-counterflow nito.

Klaro sa kanilang mga komento na ang rider ang may kasalanan sa pangyayari.

anti rider 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
anti rider 1
counterflow
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilang nag-point out na may violation din ang SUV driver dahil "intentional" ang panggigitgit niya.

Dahil daw rito, nalagay sa panganib ang kaligtasan ng rider.

gitgit 1
gitgit
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman sa iba, walang tama sa rider at SUV driver. Pareho raw silang mali.

May nagsabing walang pinagkaiba ang SUV driver sa maling ginawa ng rider na nag-counterflow.

Sabi ng isang netizen pareho lang silang talo.

talo both
mali 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa inilabas na desisyon ng LTO, pinagpapaliwanag ang motorcycle rider at SUV driver pati na rin ang mga registered owners.

Gaya ng komento ng ilang netizens, bagama’t obvious na nag-counterflow ang motor, mali rin daw ang SUV driver dahil sa paggitgit nito sa motorsiklo.

Parehong suspended for 90 days ang kanilang lisensiya at inisyuhan sila ng show-cause order.

Read: From "Name Withheld" to Top 1: Erwin Parchaso’s 10-year journey

COUNTERFLOWING VEHICLES

Marami ang kaso ng nagka-counterflow batay sa lumalabas na videos sa social media, pati na rin sa mga accounts ng Land Transportation Office

Buhay na buhay din ang mga forum threads and comments sections tungkol sa usaping ito..

Sa paliwanag ng mga netizens, klarong paglabag sa batas-trapiko ang mga motoristang nagka-counterflow sa kalsada.

Katulad na lamang ng nag-viral na video early this April ng isang SUV na nag-counterflow at gumamit ng unauthorized blinkers.

Inisyuhan ito ng show-cause order at kinansela for 90 days ang lisensiya ng driver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng LTO sa ginawa nitong imbestigasyon, sinadya ng driver ng SUV ang pagka-counterflow nito, at may ka-convoy pang mga motorsiklong may logo ng Philippine National Police.

Nag-viral din noong January 26, 2026, ang pagka-counterflow ng isang traysikel sa kalsada na nakunan gamit ang dashcam ng isang SUV driver.

Makikitang tila nang-aasar pa ang tricycle driver, na ang ending ay inisyuhan din ng show-cause order ng LTO.

Sabi ni LTO Chief at Assistant Secretary Markus Lacanilao sa pag-counterflow ng tricycle driver: “Isang labag sa mga batas trapiko at lubhang mapanganib na aksyon at malaking sagabal para sa lahat ng gumagamit ng kalsada.”

Pinatawan din ng 90-day suspension ang driver’s license nito at nasa alarm status ang tricycle.

Pahayag pa ni Lacanilao: “Ang paggawa ng counterflow at pag-uugali na walang disiplina at respeto sa kalsada ay hindi lamang labag sa batas kundi pati na rin isang pagbabalewala sa kaligtasan ng lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PRC explains “Name Withheld” in 2026 Physician Licensure Exam

MORE DISCUSSIONS ABOUT COUNTERFLOWING RIDERS

Sa isang forum sa Reddit ilang buwan na ang nakalilipas, ibinahagi ng netizen ang karanasan niya sa isang motorcycle rider na nag-counterflow.

Ang tanong niya: Pagbibigyan ba dapat ito?

May mga sumagot na pagbibigyan na lang kahit pa nasa tamang lane sila.

Dahil kung makikipagmatigasan, mas lalo silang maaabala.

Bigayan 3
Bigayan 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ito raw ang isa sa mga rason kaya mas lalong umaabuso ang mga nagka-counterflow.

Ang katwiran naman ng netizen. Ayaw daw niyang maperwisyo kapag pumatol siya.

Bigayan 2

Ang iba, matigas sa kanilang paninindigang hindi sila magbibigay sa mga ganitong klase ng drivers.Matigas 2

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Matigas 1

May iba namang sumagot ng "depende."

Karamihan sa kanila, napipilitan daw magbigay kung kasama ang pamilya sa sasakyan o kaya ay may lakad, appointment, o trabaho bilang driver.

Subalit kung sila raw ay mag-isa at walang hinahabol na schedule, makikipagmatigasan daw sila.

Depende 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Depende 1

May paalala ang LTO sa seminar nito sa mga drivers. Hindi dapat maging extreme ang ikikilos ng mga drivers kung sakali mang sila ay naabala sa kalsada ng ibang motorista.

Isang netizen ang nag-share ng paalalang kuha mula sa seminar.

Mababasa rito: “If you think you are right. Insist on it. But if that right may cause a loss of life, you waive that right.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
LTO

At huwag kalimutan, puwede nang i-report ang mga ganitong insidente ng paglabag kay LTO chief.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A motorcycle rider went viral last February after counterflowing and getting squeezed between an SUV and a large truck. While the rider was apparently at fault, the Land Transportation Office also issued a show-cause order to the SUV driver, who blocked the rider despite the latter's risky position.
PHOTO/S: Anj McTabs via Visor on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results