May mali ba sa birth certificate mo?
Gaano ba katagal o kahirap ang pagpapawasto nito?
May solusyon na ang Philippine Statistics Authority o PSA.
Sa pamamgitan ng bago nitong sistema, ang pagko-correct ng clerical errors sa iyong live birth certificate ay mapapabilis dahil digital na ito.
Ang proseso ay tatagal ng isang buwan o mas mabilis pa.
Lumalabas kasi na 150,000-180,000 taun-taon ang mga kaso mga nagpapa-correct ng detalye sa kanilang birth certificates.
Inilunsad kamakailan ng PSA ang Administrative Petition for Correction Automated System o APCAS.
Ang goal nito ay gawing integrated at streamlined ang process gamit ang bagong technology.
Pinapalitan nito ang manual na pagpapadala ng requests for correction at ginawang fully-digital ang workflow para sa mas mabilis ang validation at approval.
Posible rin ang real-time tracking ng status, ulat ng PTV Philippines.
Ang kagandahan pa nito, maiiwasang magkamali pa sa detalye dahil direct ang pag-scan at pag-upload ng required documents, tulad ng mga IDs.
Goal ng PSA na mai-link ang APCAS sa tinatayang 100 Local Civil Registry Office o LCRO, na magsisilbing tulay at mag-a-assist upang maisumite ang petition for correction ng iyong live birth certificate.

Read: How to get tuition-free college degree via UP Open University
STEP-BY-STEP GUIDE to filing a PETITION FOR CORRECTION
Inisa-isa ng digital creator na si Sherwin Michael Fajardo sa kanyang video ang proseso para ma-correct ang clerical error ng birth certificate through APCAS.
Narito ang mga panuntunan:
Check the information you want to be corrected.
Kadalasan, namamali ang spelling ng pangalan, birth date, gender, at lugar ng kapanganakan.
Visit the nearest LCRO.
Matapos ang step one, magtungo sa pinakamalapit na LCRO kunsaan nai-file ang iyong document o birth certificate.
Ang LCRO ang tutulong upang maisumite ang petition for correction.
Fill out the form and submit requirements.
Ilagay ang lahat ng hinihinging detalye sa tulong ng LCRO officer sa system. Isumite ang supporting documents tulad ng school records, baptismal certificates, at iba pang valid IDs, gayundin ang PSA documents.
Didiretso na ang encoding sa digital PSA system.
Evaluation
Kasunod nito ay maghihintay upang matukoy kung valid ang petition, sapat ang supporting documents, at pasok ito sa administrative correction rules.
Wait for the results
Kapag inaprubahan ng PSA ang iyong petition for correction, ino-notify nito ang LCRO, na siya namang makikipag-ugnayan sa iyo via messaging o magno-notify sa local government unit mo.
Kung malapit naman ang LCRO ay puwedeng personal na magtungo sa tanggapan nito.
Kapag aprubado na ang correction, puwede nang kunin ang iyong PSA certificate sa PSA outlets o via online ordering.
Read: Tips: How to maximize your aircon and save on electric bill
