Magtataas ng singil ang Japan government para sa visa ng mga foreigners pagsapit ng July 1, 2026.
Ang price increase ay inaprubahan sa ginanap na Cabinet meeting ng Japan noong Biyernes, June 19, 2026, ulat ng NHK World Japan, ang national public broadcasting organization ng bansa.
Ang ibig sabihin nito, ang single-entry visa na dati ay 3,000 yen (PHP1,132) ay magiging 15,000 yen o PHP5,661.
Kapag multiple-entry visa naman, ang dating 6,000 yen (PHP2,264) ay magiging 30,000 yen o PHP11,322.
Magsisimula ang pagpapatupad nito pagsapit ng July 1, 2026.
Nagbigay rin ng paliwanag ang Japan government sa desisyon nitong itaas ang singil ng visa.
Ani Foreign Minister Motegi Toshimitsu, ang kasalukuyang visa fee kasi ay mula pa noong 1978 o 48 years ago.
Kailangan na itong itaas dahil sa patuloy na pag-akyat ng halaga ng mga bilihin at ang mga pagbabago sa foreign exchange rates.
“We made this decision after carefully considering various factors, and we do not anticipate that it will have an immediate impact on inbound tourism,” ani Toshimitsu sa isang pahayag.
Read: Japanese transport firms tap Pinoys to address labor shortage
WHAT ABOUT VISA FEE TO JAPAN FOR PINOYS
May mga lumabas na bali-balitang hindi apektado ang Pinoy travelers ng visa-fee increase na ito, subalit hindi pa ito verified.
At press time, wala ring abiso na inilabas ang Japan Embassy in the Phlippines ukol dito.
Bagkus, sa ulat ng GMA News kamakailan, binanggit ditong pinag-aaralan ng Japan ambassador to the Philippines ang pagpapagaan ng visa requirements para sa Pinoy travelers.
“Actually, this is one of the most frequently asked questions against me. Our embassy has been making steady efforts to improve and streamline the application processes,” ani Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya sa 24 Oras Weekend noong June 7, 2026.
Dagdag niya, “We will continue to explore what better further arrangements may be possible going forward.”
Bago nito, inanunsiyo ng Japan Embassy na ang visa application ng mga Pinoy papuntang Japan ay tumaas "to unprecedented level" nitong Sakura season, na nagsisimula sa late March hanggang Abril.
Read: Pinoy visa applications for Japan rose to unprecedented levels
