PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Penalties await dealers over delays in new vehicle registration

Violation may lead to cancelation of the dealer's Certificate of Accreditation.
by Bernie V. Franco
Published 13 hours ago
Car
Did you know car dealers have only 11 days to release your new vehicle’s certificate of registration and plate number? Read more here.
PHOTO/S: Canva

Puwedeng maisyuhan ng show cause order at maaaring ipasarado ang casa ng car dealership companies kapag napatunayang dini-delay ang registration ng biniling sasakyan ng kanilang customers.

Ito ang babala ni Land Transportation Office (LTO) Chief and Assistant Secretary Markus Lacanilao sa mga auto dealers.

Batay sa mga reklamong natanggap ng LTO, may ,ga dealers na hindi agad-agad nirerehistro ang biniling sasakyan ng mga customers, ani Lacanilao sa video na ipinost sa LTO Facebook page noong July 9, 2026.

Pahayag ng LTO chief: “Ayon sa batas at rules ng LTO… pag kayo po ay bumili ng bagong sasakyan o bagong motorsiklo, hulugan man o cash iyan, iyan ay seven days, kailangan matapos nila ang pagpoproseso ng mga papeles.

“Meron na iyang rehistro, plaka, at ipapadala iyan sa mga kliyente.”

Pinakamatagal na raw dapat na paghihintay ang 11 days bago makuha ng customer ang certificate of registration at plaka ng binili nitong sasakyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala pa ni Lacanilao, huwag maniwala kapag ang idinahilan ng dealers ay may problema sa system ng LTO.

“Yun po ay malaking kasinungalingan,” giit ni Lacanilao.

“Kaya po kami ang naghihigpit, hinahanap po namin yung mga dealer na iyan kasi makikita po namin kung pinoproseso po nila o hindi.”

Pero ano ba ang dahilan kung bakit nagtatagal ang ilang dealers sa pagpoproseso ng mga papeles ng kanilang customers?

Ani Lacanilao: 'Ang ginagawa kasi ng dealers ay iniipon ng dealers ang kanilang nabebentang sasakyan.

“Kapag nakabenta sila ng lima sa maghapon o sampu, iipunin nila nang marami saka lang nila ipoproseso sa LTO.”

Pagbubunyag pa niya, nakita nilang may mga auto dealers ng mga sasakyan, lalo na ng mga motorsiklo, na nagtatagal ng isa hanggang dalawang buwan bago nila ipa-process ang registration.

“Bawal po iyan,” diin ni Lacanilao.

Marami raw ganitong kaso sa probinsiya.

Read: IN FOCUS: Meet "Mr. Freeze" and his ice empire

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW TO REPORT VIOLATORS

Babala ng LTO chief, may kaukulang parusa sa dealers kapag napatunayang lumabag sa patakarang ito.

“Hindi po pananagutan ng mga bumili yung mga penalties na iyan kundi ang mga dealer,” sabi ng opisyal.

“Hindi po dapat pinahihirapan yung taong-bayan, lalo na yung binili at pinaghirapan nilang pera pinambili ng mga sasakyan na iyan.”

Paano i-report ang mga ganitong insidente?

Ayon kay Lacanilao, pumunta lamang sa Facebook page na “Ireport mo kay LTO Chief” at magpadala ng mensahe kalakip ang sales invoice o proof of purchase.

Maaari rin silang mag-report sa website na https://ireportmokayltochief.ph/

Muling iginiit ni Lacanilao na fully-paid o hulugan man ang sasakyan, maaaring magreklamo.

“Dapat tapos ng seven days ang processing ng registration, at 11 days ay naibigay na sa buyer,” muli niyang paalala.

PENALTIES FOR dealers

Inisa-isa sa LTO post ang mga kaukulang parusa sa mga dealers na lalabag.

Para sa mga motorsiklo:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
  • Unang paglabag – PHP20,000 multa at pag-deactivate ng accreditation sa LTO IT System hanggang mabayaran ang multa
  • Ikalawang paglabag – PHP30,000 multa at suspension ng accreditation nang hindi hihigit sa isang buwan
  • Ikatlong paglabag – PHP40,000 multa at suspension ng accreditation nang hanggang tatlong buwan
  • Ika-apat na paglabag – PHP50,000 multa at kanselasyon ng Certificate of Accreditation; blacklisting

Para sa mga motor vehicle:

  • Unang paglabag – PHP100,000 multa
  • Ikalawang paglabag – PHP500,000 multa
  • Ikatlong paglabag – PHP1,000,000 multa at suspension ng Certificate of Accreditation nang hindi hihigit sa anim (6) na buwan.
  • Ika-apat na paglabag – Kanselasyon ng Certificate of Accreditation at blacklisting sa loob ng isang (1) taon mula sa pinal na kautusan ng kanselasyon.

Nagbabala rin ang LTO na parurusahan din ang mga dealers na nagsusumite ng peke o kaya ay maling stock at sales report, pati na rin ang mga nagbibigay ng maling inpormasyon sa application.

Sa first offense, puwede silang masuspinde ng hanggang anim (6) na buwan, magbayad ng multang PHP500,000, at kanselahin ang kanilang Certificate of Stock Reported (CSR), sales report, at registration ng mga sangkot na sasakyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa second offense, puwede nang kanselahin ang kanilang accreditation at i-blacklist sa loob ng isang (1) taon at kanselahin ang kanilang CSR, sales report, at registration ng mga sangkot na sasakyan.

Read: Tips: How to enroll in UPOU's 25 free online courses

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did you know car dealers have only 11 days to release your new vehicle’s certificate of registration and plate number? Read more here.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results